Pagod dahil sa OSS week

Kakat­a­pos lang ng OSS Week 2009 dito sa DLSUD. Kahit na dalawang araw lang ako opisyal na naka-​duty bilang Direk­tor ng LCDC, paki­ram­dam ko ay buong linggo akong nag­tra­baho dahil kinailan­gan pa din ang aking atk­i­bong pakik­i­la­hok sa pag­pa­p­atakbo ng opisina nitong mga nakali­pas na limang araw.

Masaya naman dahil mas organ­isado at mas madaming bagong bol­un­tir ang nakasali sa mga naging student-​administrator. Baga­man madaming naging aberya at prob­lema, ang lahat ng ito ay naso­lusyu­nan at nat­ural lamang dahil sa karami­han ay mga bagong bol­un­tir pa lamang.

Nat­a­pos ang ling­gong ito sa pama­m­ag­i­tan ng pagig­ing dis­cus­sant ko sa isang forum ng NSTP at Pre-​Law Soci­ety tungkol sa Auto­mated Elec­tion System na gagamitin sa halalan ng 2010.

Panauhing pan­dan­gal namin si Direc­tor James Jimenez ang taga­pagsalita ng COM­ELEC upang ipak­i­lala at ipakita sa amin ang AES. Masaya, mak­ab­u­luhan at matagum­pay naman ang gawain.

Sa susunod ko na lamang idide­talye ang mga pangya­yari dahil pagod na pagod na talaga ako at kinailan­gan ko lang maisu­lat ito bago pa tuluyang maglaho sa aking alaala.

This entry was posted in buhay estudyante and tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>