Pagod lang

Kay tagal ding hindi ako naka­pag­su­lat dito. Okay lang, wala namang nag­babasa nito,hehehe pero ganun pa din, may silbi pa rin ang blog na ito.

Marami akong gus­tong isulat, pero ang baliw kong sarili ay hindi maisu­lat ang mga bagay na iyon. Kadalasan, kahit maghapon ako sa harap ng kompyuter ay wala akong nais­usu­lat para sa The Four-​eyed Jour­nal. 99% ng mga nai­isip kong sulatin o post, ay nauuwi lang at lalo pang nag­pa­pa­haba sa 'drafts list' ko. Nung huli ko itong nakita, may mga draft posts na 2 taon na!!! Matindi na talaga ang aking "mamaya na" attitude.

Ngayon, ay sinusu­lat ko ito sa halip na sinusu­lat ang intro­duc­tory story sa Mad Inquirer at ang 3-bahaging sulatin tungkol sa tat­long bagong bili kong libro para sa The Four-​eyed Jour­nal. Abnor­mal talaga ako.

Mala­mang pagkat­a­pos kong ipaskil ito, matu­tu­log na ako. Dahil halos isang buwan na akong walang tulog na humigit o umabot man lang sa 8 oras. Kung payat ako noon ay mas payat ako ngayon.

Ano pa ba? Bukas ay simula ng plebisito para sa bagong USC Con­sti­tu­tion. On-​line ang pag­boto kaya sana ay madaming estudyante sa DLSU-D ang mag­bukas ng kani­lang portal at bumoto. Kapag nanalo ang bagong USC Con­sti­tu­tion, pwede na akong mamatay. Biro lang shempre! hehehehe

Pero sa mga estudyante ng DLSU-D na makak­abasa nito, sana po ay bumoto nga kayo. Maging kaba­hagi ng kasaysayan sa ating paman­tasan. Naks! Ang lupet nun diba?

Bukas ay balik eskwela na uli. Pero parang gusto kong tumigil na lang muna sa bahay, kasi 14 araw o 2 buong linggo na akong nasa skul. Grabe, dun na kaya ako tumira?

Balik eskwela, balik gawain ng lider-​estudyante at iba pa. Panay reklamo na itong sinusu­lat ko dito, ibig sabihi'y sawa na ako? Hindi naman, pagod lang.

Tags: ,

Leave a comment