Pagod, pero masaya

Kakatapos lamang ng Gen­eral Assem­bly ng SERVE vol­un­teers kan­i­nang hapon. Nakaka­pagod! Pero masaya naman. Sulit ang pag­pa­pagod dahil positibo at madaming mag­a­n­dang nangyari.

Ito ang kauna-​unahang Gen Assem­bly na mis­mong mga estudyan­teng bol­un­tir ang nagor­gan­isa ng pagti­tipon nang may napakaliit na pagk­i­los mula sa mga kasama­han naming guro. Kaya para sa mga kasama ko sa orga­niz­ing com­mit­tee, mabuhay kayong lahat! Asteeg kayo!

Para naman sa mga bagong bol­un­tir, maram­ing sala­mat sa inyong pag­dalo at par­tisi­pasyon at sa pakikipag kuli­tan sa amin. Umaasa ako na dito pa lamang nag­sisim­ula ang ating mahaba, mag­a­nda at mak­ab­u­luhang pagsasama.

Sabog ang mga pinag­susu­lat ko dito dahil pagod na pagod pa rin ako. Pero dahil dalawang araw na akong di nakakapag-​blog, nag­susu­lat na lang ako dito ng basta-​basta. Para mawala ang kalawang kum­baga. Free writ­ing o malayang pag­susu­lat. Pang­tang­gal ng writer's bloc.

Para sa pag­ba­lik ko, mas madami akong kwento at mas maayos ko itong maikuk­wento. Sa mga makak­abasa nito, maram­ing sala­mat sa oras at aten­syon. Huwag sanang mahiyang mag­ba­hagi din ng iyong mga komento sa ibaba.

Hang­gang dito na muna. Pat­a­pos na ang kan­tang F.U. ng Bamboo at ito na ang hudyat na matu­tu­log na ako. Dahil bukas, pag­bibi­gay naman ng pal­i­han sa teatro o the­ater work­shop ang aking sasabakin sa aking high­school alma mater.

Medyo excited ako na kabado. :D

This entry was posted in Daily Dose and tagged , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>