Para maiba naman

2 linggo ko nang pinag-​iisipan kung gagawa ako ng bukod na blog para sa mga gani­tong uri ng posts, yung mga walang katu­tu­ran at magkuk­wento lang ako ng kung anong nang­yari sa akin sa maghapon o mga nakali­pas na araw. Bagay na hindi masyadong pagkakain­tere­san nyo o makakat­u­long sa inyo dahil hindi naman ako artista o promi­nen­teng tao. Isang sim­pleng mama­mayan lang na maram­ing pan­garap, masyadong maram­ing organ­isas­yon kin­abibi­lan­gan at gustung-​gusto nang mak­a­bili ng MacBook.

Bakit naman ako mag­boblog tungkol sa mga gani­tong bagay kahit na alam ng karami­han na hindi ako "fan" ng per­sonal blog­ging. Masyado akong seryoso sa mga sinusu­lat ko sa blog, pero dahil sa ganoong bagay, madalas ay nagkaka­roon ako ng "blogger's block." Yung hindi makapag-​blog dahil walang lumal­abas sa aking isip. Kahit na humarap pa ako sa kompyuter maghapon ay wala pa ring maisusulat.

Kaya napag-​isipan kong dito na lang sa Sum­i­lang mag­su­lat ng mga bagay na per­sonal ang dating. Pero hindi ako magkuk­wento ng kung anong ginawa ko pagk­ag­is­ing, habang naililigo, o bago mat­u­log. Mga kwen­tong buhay lang na sa tingin ko ay makakat­u­long sa inyo kahit papaano.

Pan­galawa ay matagal-​tagal na ding walang bago dito sa Sum­i­lang, at pan­gatlo, mas gus­tong kong magk­wento sa Fil­ipino o Taga­log. Tingnan nyo na lang kung gaano na kahaba ito diba? hehehe

Pang-​apat ay mag­a­n­dang ehersisyo ito para maka­pag­su­lat ako. Sabi nga sa peliku­lang "Find­ing For­rester" kapag gusto mong mag­su­lat, mag­su­lat ka lang. Mamaya na mag-​isip. Dahil ang manunulat ay nag­susu­lat, iwanan ang masyadong pag-​iisip sa mga pilosopo at pantas.

Ika-​lima, gusto ko na uling mag­su­lat tungkol sa mga nangya­yari sa ating lipunan, nang sa ganoon ay manum­ba­lik at hindi kalawan­gin ang pagig­ing pro­gre­sibo at aktibista ko. hehehe (Ewan ko lang kung masasako ng Human Secu­rity Act of 2007 ang blog na ito, tingnan na lang natin.)

Ika-​anim, dahil nga gagawin kong "pseudo-​personal" blog o mala-​personal blog ang Sum­i­lang mula ngayon, huwag sana kayong matakot o mag­taka kung bakit paminsan-​minsan ay may mga sulatin dito na sobrang iksi o mga sim­pleng sulatin lang. Hindi kasi ako mahilig sa Twit­ter kaya dito na lang sa blog. Sabi nga nila, "con­tent is still con­tent" kaya kung maram­ing con­tent ang iyong blog, maram­ing babasahin si Google Bot.hehehe

Ika-​pito, wala na sa ngayon at hang­gang dito na lamang. Bukas, o mamaya, sunud-​sunod na ang mga kwen­tong buhay, pagkoko­mento tungkol sa kala­gayan ng lipunan at mga walang katuturang-​bagay.

Hang­gang sa muli!

This entry was posted in Daily Dose, kwentong-buhay, personal and tagged , . Bookmark the permalink.

4 Responses to Para maiba naman

  1. Arbet says:

    May ilang pag­tat­alo ukol sa tinatawag nating "nich­ing". Sabi nga ni Yuga sa Blog­gers' Kapi­han:

    "You get more read­ers by tar­get­ing what read­ers are inter­ested in."

    Depende yan sa kung ano ang gusto mo mang­yari sa pag­bablog mo. Bakit mo kailan­gang mag­su­lat ukol sa mga nangya­yari sa lipunan? Makakat­u­long ba sa iyong layunin ang iyong pag­susu­lat ukol sa iyong per­sonal na buhay?

    Kaya ako, hini­walay ko ang per­sonal na blog. Yun nga lang, konti lang bum­abasa he he. Yun eh kung meron.

  2. jhay says:

    Tama ka nga, pero nitong nakaraan kasi ay malubha talaga ang blog­gers' block ko. tuwing mag­susu­lat ako, laging per­sonal na buhay, kaya ayun, tapos ang dami ko na kasing gina­gawa sa labas na may kinala­man sa adbokasiya, kaya ganito, nagha­halo na ata ang dalawa. hehehe

    Pero tran­si­tional phase ito. Per­sonal blog­ging muna, tapos purong 'social com­men­tary' na uli. Kahit wala masyadong nag­babasa. hehehe

  3. Arbet says:

    Marahil masyado nang marami ang oblig­asyon mo. Sabi nga nila sa wikang Ingles, slow down.

    Mahi­rap yang writer's block, pero may mga paraan para malam­pasan yan.

  4. jhay says:

    Marahil nga ay tama. Pana­hon na siguro para mag­ni­lay at mag­bawas ng mga oblig­asyon. hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>