Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Para sa mga UAAP Admins and officials: Consitency and impartiality  

Ang lupet talaga ni JV Casio. Sala­mat sa kanyang kahusayan sa bas­ket­ball, nanalo ang La Salle Green Archers sa laban nila ng FEU Tama­raws noong makailan lang.

Kailan naman kaya nila matat­alo at makak­a­ganti sa Ateneo Blue Eagles? Excit­ing talaga ang UAAP.

Maba­lik naman ako sa penalty na ibini­gay ng mga opisyales noong nakaraang laro sa La Salle dahi­lan sa hindi pag­suot ni Coach Franz Pumaren ng kanyang opisyal na UAAP ID noong una nilang laban sa Ateneo Blue Eagles nang nag­bukas ang UAAP Season 71.

Apila ng Green Archers na hindi patas at, ayon sa isang sulat ng La Salle sa UAAP board, "unjustly penal­ized" ang nang­yari sa kanila dahil noong pag­bubukas ng UAAP, hindi rin nag­suot ng ID si Coach Pido Jaren­cio ng UST pero hindi naman siya pinarusa­han dahil dito.

Ang paki­ram­dam tuloy ng La Salle ay parang pinag-​initan sila ng mga opisyales ng UAAP ng mga oras na iyon.

Ang tugon naman ng UP na siyang host ng UAAP ngayon ay ang pagsabi na magkaka­roon na ng "con­sis­tent appli­ca­tion of rules" sa mga susunod na laro.

Mabuti kung ganoon. Pero kung magkak­aganoon nga, tama lang pag­bibi­gay ng penalty sa La Salle dahil sa hindi pag­susuot ng ID noong open­ing game ng UAAP.

Alam kong madaming mga kapwa ko Lasalyano ang mai­i­nis sa akin pero konting hina­hon lang at pak­ing­gan nyo ako kahit mapasandali.

Dura Lex Sed Lex

Sa Ingles ito ay: "the law may be harsh, but it is still the law."

Nanini­wala ako na hindi inten­syon ni Coach Franz Pumaren na laba­gin ang mga ali­tun­tunin ng UAAP. Sa pala­gay ko, nasanay na siyang hindi mag­suot dahil sa tagal na niyang coach sa UAAP, tila ngayon pa lamang siya nasita ng mga opisyales dahil sa hindi pag­susuot ng opisyal na ID alin­sunod sa mga ali­tun­tunin ng liga.

Ganito rin ang nakikita kong sit­wasyon sa ibang kupo­nan kaya halos lahat sila ay nasanay nang hindi nag­susuot ng ID tuwing may laro. Baga­man wala itong mabi­gat na epekto sa mga man­lalaro o resulta ng mga laro, maha­laga pa rin ang mga ID dahil nakakat­u­long ito sa seguri­dad at iba pang aspeto ng UAAP.

Pero, sa aking pala­gay, kaya nasanay ang mga kupo­nan na hindi mag­suot ng kani­lang mga ID ay sa dahi­lang hindi rin naman "con­sis­tent" ang mga opisyales ng UAAP sa pag­ba­ban­tay na suot nga nila ang mga opisyal na ID nila at pag­pa­p­atu­pad ng mga alin­tun­tunin ng liga.

Samakatuwid, kasalanan o kapabayaan ng UAAP admin­is­tra­tors ang maling nakasanayan na ito ng mga kupo­nan sa UAAP. Kaya tama lang at sana tuparin nga nila ang sinabi ng UP na sa mga susunod na laro ay magkaka­roon na ng "con­sis­tent appli­ca­tion of rules".

Maba­lik ako sa nang­yari sa La Salle at bakit ko nasabing tama lang na nabi­gyan sila ng penalty dahil sa paglabag sa mga ali­tun­tunin ng UAAP. Muli, "dura lex sed lex"

May punto ang La Salle na "unfair" namang sila lang nabi­gyan ng penalty saman­ta­lang may ibang kupo­nan na may pare­hong paglabag sa mga ali­tun­tunin pero wala silang penalty o kaparusahan.

"...bagay na hindi katan­gian ng mga Lasalyano."

Pero sa mga nag-​iisip na hindi dapat bini­gyan na penalty ang La Salle dahil dito, iki­nalu­lungkot kong hindi ito tama. Dahil lal­abas na kinukun­sinte o hina­hayaan lamang ng La Salle ang kul­tura ng hindi pag­sunod sa mga alin­tun­tunin ng UAAP. Lal­abas sa mata ng lahat na sa kagus­tuhang manalo ng La Salle, babali­walain na nito ang mga ali­tun­tunin at reg­u­lasyon sa UAAP. Isang bagay na hindi katan­gian ng mga Lasalyano.

Hindi ba mas mag­a­n­dang sa hard court natin napa­p­atu­nayan ang kahusayan ng La Salle sa bas­ket­ball at hindi sa mga pag­dinig sa mga kaso o iba pang procedures?

Para sa mga UAAP Admins and game officials

Maging patas at laging ipatu­pad ang mga alin­tun­tunin ng UAAP. Kaya dapat lamang na kung nabi­gyan ng penalty ang La Salle dahil sa paglabag nito sa ali­tun­tunin noong UAAP open­ing games, dapat ding mabi­gyan ng penalty ang iba pang mga kupo­nan na lum­abag sa mga ali­tun­tunin ng UAAP gaano man ito kaliit o kalaki sa mga susunod na laro.

Alam ng lahat na kurakot at halang ang bituka ng mga tao sa gob­y­erno na nag­pa­p­atu­pad ng ating mga batas. Kung ganito pa rin ang mangya­yari sa isang sim­pleng laro tulad ng bas­ket­ball at iba pang sports, nakakalungkot makita na kahit sa sim­pleng laro pa lang ay wala na tayong pinagkaiba sa mga kab­u­lukan sa ating gobyerno.

Written by jhay

July 13th, 2008 at 9:06 am

Posted in Daily Dose

Tagged with , ,