Parang elementary lang

Bukas ay opisyal nang pag­bubukas ng ikalawang sem­stre. Parang wala lang, kasi nga buong sem break ako sa school, kaya ang maiiba lang ay mas marami akong makik­i­tang tao, guro at mga kak­i­lala sa campus mula bukas at shempre, kailan­gan ko na muling mag­pakita sa klase. Medyo excit­ing dahil may misyon ako ngay­ong 2nd sem na ito. Pero saka ko na lang ikuk­wento, ahi­hihi (yaks!)

Tapos na ang intro, narito na ang paksa ng kwen­tong ito na sa pam­a­gat pa lang ay ma-​gegets nyo na. Pero dahil ang sabi nga nila na "a pic­ture is worth a thou­sand words" kaya heto ang isang larawan na mag­bibi­gay kahu­lu­gan sa pam­a­gat nito:

School Uniform

Sa totoo lang natatawa na nahi­hiya ako sa sarili ko. Ngay­ong 2nd sem kasi, bumili ako ng 2 bagong slacks na pan­talon, 2 bagong sando, 7 bagong boxers (sensya, no pic­tures, hehe) at nag­pa­gawa ako ng bagong salamin sa mata.

Ang mga gani­tong bagay ay huli kong narasan ng todo noong ako ay nasa ele­men­tary pa lang. Shempre, dahil pasukan, bago halos lahat ng gamit. Yung tipo bang naaamoy mo yung bagong uni­form, note­book, libro at ang tit­i­gas at kik­intab pa talaga ng mga sap­atos dahil bago ang mga ito. Kulang na lang ay bagong back­pack, medyas, mga note­books, lapis, bolpen atbp.

Noong nakaraang 2nd sem kasi, hindi naman ganito. Sa totoo nga naubos ang pera ko noon sa mga libro, CDs at pagkain.hehehe Pero wala naman mag­a­gawa, dahil kupas na ang mga dati kong pan­talon na pama­sok, kulubot at "bacon strips" na ang karami­han sa mga boxers ko, at mahigit 10 taon na ang mga salamin ko sa mata, kaya kailangang-​kailangan na talaga ng mga bago.

Sana lang ay maging sulit ang pera, pagod at oras na gin­u­gol ko sa mga bagay na ito.

Pero hindi pa tapos, dahil bukas, bibili ako ng bagong polo-​barong. :mrgreen: Pero wash day bukas, malamang-​lamang, suot na ng ibang taga DLSUD ang kani­lang mga pamaskong damit! hahahaha

Hmm...sinu-sino kaya? Ihanda ang camera-​phone bukas!

Tags: , ,

Share thy love

0 Comments so far

Trackback URI | Follow up comments through RSS Feed | Post a comment

You are the first one to start the discussion.

Leave a Comment

You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>