Pasaway na Globe technicians…

Nitong mga nakaraang linggo, uminit at nadis­maya na naman ako sa Globe Broad­band dahil sa paputol-​putol na koneksyon ko sa iter­net. Madalas itong nangya­yari tuwing gabi, mga alas-8 ng gabi hang­gang sa ika-1 ng umaga - kung kailan nasa bahay na ako at kailan­gang mag­su­alt sa mga blogs ko.

Kaya tumawag ako sa kani­lang Cus­tomer Ser­vice hot­line upang humil­ing ng isang "repair visit" sa aming lugar para maisaayos na ang prob­lema ko.

Ang nakakai­nis sa Globe, 90% ng mga sinabi nila sa aking gagawin daw nila ay hindi nila ginawa. Lumal­abas pa minsan na ako ang sin­un­gal­ing tuwing kakausapin ko ang kani­lang mga Cus­tomer Sup­port Rep­re­sen­ta­tives (CSR).

Isa sa mga lagi na lang nilang hindi tin­u­tu­pad ay ang pagtawag o pag­text muna sa akin bago bumisita sa bahay ang kani­lang mga "tech­ni­cians" upang inspeksyunin ang linya ng tele­pono at ang aking broad­band modem.

Kahit ilang beses nang kinukuha ng kani­lang CSR ang aking mobile number ay hindi pa nila ako tinawa­gan o tinext man lang kung pupunta sila sa bahay ko o hindi. Lagi tuloy nai­i­wan akong nakatanga sa bahay sa kakahin­tay sa wala.

At kung sila naman ay pupunta sa aking bahay, nakaalis na ako o kaya ay nasa paman­tasan na, kaya hindi nila maayos ang koneksyon dahil hindi naman alam ng mga kasam­ba­hay ko kung paano sila kakausapin.

Tulad na naman kan­i­nang hapon, nag­punta daw ang mga taga-​Globe broad­band para magsagawa ng inspeksyon at pagkukumpuni sa aking inter­net con­nec­tio. Pero dahil wala ako sa bahay, baba­lik na lang sila bukas. Kinabukasan kung kailan nasa paman­tasan na naman ako at wala sa bahay!

Nat­ural lang na hindi nila ako aabu­tan dahil hindi naman sila nag­tatanong, tumatawag o nagte­text kung ako ba ay nasa bahay ko o hindi.

Hindi ko tuloy mau­nawaan kung sino ang mali, ang CSR ba o ang kani­lang mga tech­ni­cians. Sino ba ang tanga o hindi maka-​intindi?

Tags: , ,

Share thy love

0 Comments so far

Trackback URI | Follow up comments through RSS Feed | Post a comment

You are the first one to start the discussion.

Leave a Comment

You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>