Simula ng student power sa DLSUD

Bukas may gagawin kaming kakaiba. Sisim­u­lan na namin ang isang idipen­di­en­teng pagk­i­los ng mag estudyante sa DLSUD upang isu­long at ipag­pat­u­loy ang mga adbokasiya sa aming pamantasan.

Mag­bibi­gay kami ng sulat para sa aming pan­gulo na si Bro Gus, at mag­susuma­mong bigyan kaming mga 85 bik­tima ng pang­ha­ha­rang, pang­gigipit at panunupil ng mga kara­p­atan noong 29 ng Pebrero ng mas malak­ing bahagi ng kanyang aten­syon dahil ang aming sit­wasyon at karanasan ay hindi magaan na bagay.

Kung ano ang magig­ing hak­bang ng pamunuan ng DLSUD sa mga isyung naka­paloob dito ay magkaka­roon ng epekto na posi­bleng hindi makakat­u­long sa paman­tasan bilang isang Lasalyano, Kristyano at mak­abayang insti­tusy­ong pang-​edukasyon.

Pero hindi naman namin aawayin o tutulig­sain si Bro Gus, bagkos, ipa­pakita lamang namin na ang mga estudyante sa DLSUD ay hindi basta-​basta na lamang man­anahimik sa gitna ng mga kamalian, kawalan hus­tisya at gara­palang pang-​aabuso sa kapang­yari­han lalo't higit kami ang mga biktima.


Ipa­pakita lamang namin na isi­nasabuhay namin ang mga dak­i­lang aral na itin­u­turo ng DLSUD sa amin. Ang manindi­gan para sa kato­to­hanan, hus­tisya at kung ano ang wasto.

Sana lang at tiwala naman ako na hindi rin kami aawayin ni Bro Gus sa aming mga gagawin. Sana talaga. hehehehe

This entry was posted in buhay estudyante and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

One Response to Simula ng student power sa DLSUD

  1. Ralph says:

    Hi, alumna here.. ipakita nyo na ang lasal­lian ay may paninindi­gan at sa kato­to­hanan at pawang kato­to­han lamang.. Live Jesus in our Hearts....

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>