Marami ang nagtatanong kung bakit tila masyadong seryoso ang aking mga blogs.
Bihira akong magsulat ng mga personal na bagay tungkol sa akin. Tulad ng mga nangyari sa akin sa maghapon, sa aking panaginip, sa aking mga ginagawa atbp. Sa tingin ko kasi ay wala naman ito masyadong halaga o maitutulong sa ibang makakabasa nito. Maliban na lang siguro kung kasing sikat ko si Tom Cruise o si Yael ng Spongecola. \m/
Isa lamang ako sa 86 na milyong Pilipino na mapalad na nagkaroon ng kompyuter at broadband internet sa bahay at nakapagdesisyong magkaroon ng sarili kong blog. Kung ako man ay mahuli ng dating sa klase o muntik nang masagasaan sa E. Aguinaldo Hi-way habang tumatawid ay hindi na ganoong kaimportante para sa karamihan.
Hindi sa walang kulay ang buhay ko. Hindi rin sa masyado akong sensitibo tungkol sa mga personal na bagay, ang akin lang ay may maitutulong ba sa mga nakakabasa ng blog ko kung magkukuwento lang ako ng mga ordinaryong bagay na nangyari sa akin? Pasintabi sa mga ganito ang istilo o laman ng kanilang mga blog, pero bakit pa ako magkukwento kung nakapagkwento na kayo 'diba? hehehe
Masaya at kuntento na akong mabasa ang mga munting kwentong pangaraw-araw ninyo. Kaya iba naman ang ikukwento o isusulat ko sa aking blog. Dito man sa Sumilang o sa Pinoy Explorer.
"Ang ginawa ng iba ay huwag mo nang gagawin. Ang naisip ng iba ay huwag mo na ring iisipin. Kailangang maging kakaiba ka." Yuri Cipriano
PS
Pero kung gusto mo pa ring maging personal sa akin, magsulatan na lang tayo. Sulatan mo ako sa jhay at jrocas dot com dot ph

halo, jhay! ba't pa nga naman, 'no? pero sabi nga, kanya-kanyang istilo.
mas gusto kong magsulat nang tungkol sa mga isyu ng buhay, but not necessarily politics he he
Iba't-ibang istilo talaga. Iba't-ibang kulay, kwento, hibla, timpla, rekados at luto kumbaga.
Ito ang magpapanatiling buhay sa mundo ng mga blogs.