Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘Abalos’ tag

Sinong paaralan ang tatanggap kay Abalos?

with one comment

Nakakatawa naman si Ben Abalos, ang dating Chair ng COM­ELEC na 'nag­pabukol' sa ZTE-​NBN deal na dagdag sa mga isyung nag­pa­p­atu­nay kung gaano kaku­rakot at sakim ang gob­y­er­nong Arroyo.

Ayon sa Inquirer, siya daw ay "will­ing to go on a campus tour" sakaling imbita­han ng mga estudyante sa kani­lang paar­alan tulad ng gina­gawa ngayon ng ZTE-​NBN deal star wit­ness Jun Lozada kung saan ibin­aba­hagi niya ang kanyang storya at karanasan ukol sa maanom­alyang kasun­d­uang ito.

Ito raw ay para marinig naman ng mga estudyante ang 'kabi­lang panig' sa kon­trober­syang ito at hindi puro si Jun Lozada lamang ang napa­pak­ing­gan. Dagdag pa ng abo­gado ni Abalos na ito ay upang mai­wasan na madala sa mga kwento ni Lozada ang mga estudyante na "walang alam sa nangyayari."

Ayus na sana hindi ba? Yung pagkakataong marinig naman naming mga estudyante ang panig ni Abalos tungkol sa kon­trober­syang ito. Pero bakit kailan­gang ipal­abas ng abo­gado niya na tila kaming mga estudyante ay mang­mang at walang alam sa isyung ito? Hindi kami kadal­ing mauto Atty Panelo.

Hindi na namin kailan­gang marinig pa ang panig ni Abalos o nang kahit sino pang kampon ng kasamaan na admin­is­trasy­ong Arroyo, dahil sapat na ang mga naranasan naming mga taga De La Salle Das­mari­nas noong nakaraang Biy­ernes upang masabing may mga bagay na ayaw nyo sa aming ipaalam at malayang gawin.

May mga tanong ako kay Atty Panelo at kay Abalos:

Paano kami makikinig sa iyo kung ang mis­mong mga kapulisang sumusunod sa inyong amo ay ayaw makinig sa aming mga pak­iusap noong Biyernes?

Paano namin malala­man ang mga dapat naming mala­man kung kami ay ginig­it­git, hina­ha­rangan at pinag­sis­i­n­un­galin­gan noong nakaraang Biyernes?

Paano namin kayo papani­walaan kung ang inyong mga tauhan ay nilala­gay sa pan­ganib ang aming mga buhay?

Panghuli, paano kami nakakasig­uro na kung sakaling masik­mura naming imibita­han kayo sa aming paman­tasan ay hindi bigla na lang mag­pupumilit puma­sok ang mga pulis at sasabi­hing may banta ng pam­bobomba sa aming pamantasan?

At bakit nanunuyo kayo sa aming mga estudyante ngayon? Hindi ba dapat sa Senado kayo nagkukwento?

Written by jhay

March 2nd, 2008 at 7:48 pm

Posted in opinyon,Pulitika

Tagged with , , ,