May 28th, 2008 — buhay estudyante
Ayon sa mga huling nagbahagi sa akin ng kanilang mga saloobin tungkol sa nakakalungkot na pangyayari sa scholarship ng USC ngayon, hindi ko maiwasang malungkot din at pilit kong iniiwasan ang mag-isip ng masama sa mga bagong USC officers.
Sa kasalukuyan, mayroong 20(?) iskolar ang USC ngayon, mas mataas kumpara noong nakaraang taon. Ngunit hindi ata naging usap-usapan ang pagtaas ng bilang ng mga iskolar. Ang mas napag-uusapan ay ang mga iskolar, magulang at mga ilang administrador na nababahala at nababagabag dahil kahit nadagdagan ang bilang ng mga iskolar, nabawasan naman ang mga tunay na matutulungan nito.
Sa 17 iskolar ng nakalipas na USC, mas madami ang bilang (percentage) ng mga may “full scholarship” kumpara sa ngayon, iisa o dalawa lang daw ang nabigyan ng “full scholarship” kaya, lubhang nakakalungkot, marami-rami sa mga nakaraang iskolar ang hindi makakapag-aral ngayong pasukan, kahit na 50% ang scholarship nila. Sa lalong pagtaas ng mga bilihin, langis, matrikula at iba pa ngayong kasalukuyan, higit na kinakailangan ng mga kapos-palad nating kapwa Lasalyano ang lahat ng tulong upang ipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral. Ang pagiging iskoloar ang isa sa kanilang mga malubhang inaasahan.
Ginawa ang mga mapayapa at tamang proseso para subukang umapila sa kasalikuyang USC na sana’y mabago ang kanilang desisyon at madagdagan ang matatanggap ng mga iskolar. Ngunit, matapos ang mga pag-uusap at pakikipagdayalogo, desedido na raw ang bagong USC na kung ano ang kanilang napagdesisyunan ay yun na talaga.
Totoo na may kalayaan at karapatan ang USC na pagdesisyunan ang pagbibigay ng mga scholarships. Totoo rin na may kalayaan at karapatan silang itakda ang panuntunan at proseso sa kung sino ang mabibigyan ng scholarships.
Pero hindi ibig sabihin nito ay bahala na sila sa kung ano man ang kanilang mapagdesisyunan. Bilang mga lider-estudyante, higit na inaasahan na ang kanilang mga desisyon ay para makapaglingkod sa interes at kapakanan ng mga estudyante at alinsunod sa mga dakilang aral ni San Juan Buatista De La Salle.
Continue reading →
March 10th, 2008 — buhay estudyante
Bukas may gagawin kaming kakaiba. Sisimulan na namin ang isang idipendienteng pagkilos ng mag estudyante sa DLSUD upang isulong at ipagpatuloy ang mga adbokasiya sa aming pamantasan.
Magbibigay kami ng sulat para sa aming pangulo na si Bro Gus, at magsusumamong bigyan kaming mga 85 biktima ng panghaharang, panggigipit at panunupil ng mga karapatan noong 29 ng Pebrero ng mas malaking bahagi ng kanyang atensyon dahil ang aming sitwasyon at karanasan ay hindi magaan na bagay.
Kung ano ang magiging hakbang ng pamunuan ng DLSUD sa mga isyung nakapaloob dito ay magkakaroon ng epekto na posibleng hindi makakatulong sa pamantasan bilang isang Lasalyano, Kristyano at makabayang institusyong pang-edukasyon.
Pero hindi naman namin aawayin o tutuligsain si Bro Gus, bagkos, ipapakita lamang namin na ang mga estudyante sa DLSUD ay hindi basta-basta na lamang mananahimik sa gitna ng mga kamalian, kawalan hustisya at garapalang pang-aabuso sa kapangyarihan lalo’t higit kami ang mga biktima.
Continue reading →
January 16th, 2008 — buhay estudyante
Isang libong estudyante. Ito ang mga salitang kanina pa nasa isip ko. Pumasok ito sa aking isipan matapos kong malaman na ito ang posibleng bilang ng mga tagapakinig sa Lasallian Forum sa darating na Lasallian Festival na gaganapin sa Jan 23, 2008. Ako ay isa sa mga tagapagsalita sa forum na ito. Ang halos isang libong estudyante na binanggit ko ang makikinig sa akin!
Sanay na akong magsalita sa harap ng mga maraming tao, bata man o matanda, mas maraming napagaralan sa akin o hindi. Pero ngayon lang talaga na 1,000 ang makikinig sa akin. Sa Ugnayang La Salle pa gaganapin kaya kakaiba ang kaba at takot na nararamdaman ko.
Magkakamali kaya ako? Magbubuhol ang dila? Magkakalat na lang dun sa harap nila? Ilan lang ito sa mga bagay na bumabagabag sa akin.
Isa pa sa mga lalong nagpapataas ng aking kaba at pangamba ay ang paksang napunta sa akin. Tungkol ito sa ‘Bokasyon ng Pagiging Kabataang Lasalyano.’ Ubod ng hirap hindi ba?
May problema ako sa paksa dahil parang hindi tugma na ang pagiging Kabataang Lasalyano ay isang bokasyon. Paano ko ito nasabi?
Sa January 23 ko sasabihin ang sagot. Dahil ito ang magiging buod ng aking pananalita sa naturang forum. Sana ay may mapulot na kapakipakinabang ang mga makikinig at hindi ako awayin ng mga taga ULFO na syang nagimbita sa akin bilang tagapagsalita.
Medyo bitin at magulo diba? Sa susunod, ikukwento ko ng mas maayos ang mga bagay-bagay tungkol dito.