Archive for the ‘aso’ tag
At patuloy silang lumalaki
Halos tatlong linggo na ang mga tuta ng aso naming si Chuchay. At ngayon, ang limang cute na tuta ay lalong nagiging cute, pero higit doon, lalo silang lumalakit at tumataba.

Ang isa nga sa kanila ay ubod ng laki, "Dagul" ang bansag namin sa kanya. Siya yung maputi ang buong katawan maliban lang sa nag-iisang tuldok ng brown na buhok sa puno ng kanyang buntot.
Ilang linggo pa at tiyak akong makakapaglakad na sila, makakatahol kahit maliliit ang kanilang mga boses at lalo silang magiging cute.
