Tag Archives: barkada

Nakasama ang original barkada

Tulad ng kung kailan ako huling nag­su­lat dito, ay kay tagal din ng pana­hong muli kaming nagkasama-​sama ng aking mga ori­hi­nal na kabarkada. Hindi sila sim­pleng tropa, hindi rin sim­pleng mga kaibi­gan. Mga tunay na kabarkada at kaibi­gan. Espesyal na bahagi sila ng aking buhay sapagkat sila ay mga nakasama ko noong mga pana­hong nabubuo pa lamang ang katauhan ko ngayon. Nagkasama-​sama kami noong hayskul.

Kasama nila, una kong naransan ang umibig, mabigo, mamu­lat sa lipunang gina­galawan, man­garap, malas­ing sa pun­tong halos isuka pati ang laman-​loob, tumawa hang­gang sa mapa-​iyak dahil sa mga sim­pleng bagay lamang at abutin ng hat­ing­gabi sa kalsada dahi­lan sa sim­pleng kwen­tuhan lamang.

Hindi kami ang pinakasikat na barkada noong hayskul, pero ang bawat isa ay may pan­galang inukit sa kasaysayan ng aming hen­erasyon. (naks!) Hindi kami mga anak maya­man, mga sim­pleng tao lang, na may sim­pleng kali­gaya­han at sim­pleng mga pan­garap sa buhay. Hindi rin 'per­pekto' ang aming pag­tanda, ilan sa amin ay higit minsan nang nali­gaw ng landas, pero sa tulong ng bawat isa ay pat­u­loy na nabubuhay, hindi man sa 'tamang landas' na nak­ag­is­nan ng karami­han, pero lumikha kami ng mga sarili naming daan. Pero iisa pa rin ang aming biyahe, ang makakamit ng mag­in­hawang buhay.

Ngay­ong mala­pit na kami sa kalag­it­naan ng buhay, hindi na kami mga bata pa. Ang ilan ay bumubuo na ng sarili naming mga pam­ilya. Pero ang maha­laga at masaya, pat­u­loy pa rin ang sama­han, kahit minsan na lang sa bawat taon magkasama-​sama. Tiwala ako na mag­pa­p­at­u­loy pa ito sa mga darat­ing na pana­hon, lalong titibay, lalong lalakas at lalong magkaka­roon ng kab­u­luhan para sa bawat isa.

Posted in kwentong-buhay | Tagged | 1 Comment

Ano ang gagawin ko sa Pasko?

Noong maliit na bata pa ako, inaa­ban­gan ko ang Pasko, dahil nakakatang­gap ako ng mga regalo mula sa aking mga mag­u­lang, kamag-​anak, mga ninong at ninang. Paki­ram­dam ko ba ay napaka-​espesyal ko tuwing araw ng Pasko.

Bagong damit, sap­atos, laruan at malu­lu­tong na perang papel, yung mga tig-​sasampung piso at beinte pesos, ang nagha­hatid ng ngiti sa akin.

Ang paborito ko sa lahat ay ang mga bagong LEGO sets na natatang­gap ko mula sa mga ninong ko as Amerika. Halos maubos ang maghapon ko sa kakalaro ng mga LEGO, ito ang paborito kong laruan.

Yun lang, sa pagli­pas ng pana­hon, nawala ang mga LEGO, nawala ang mga pamasko, ako na ang bumibili ng bagong damit at sap­atos para sa akin at ngayon, ako na rin ang hina­hanap at inaa­ban­gan ng dalawa kong inaanak.

Sadyang para sa mga bata lang ang Pasko. haiz....

Pero hindi ito dahi­lan para tuluyang malungkot at mag­mukmok. May mga bagay na pwede pa ring gawin sa edad kong ito para kahit papaano ay sumaya rin ngay­ong Pasko.
Con­tinue read­ing »

Posted in Daily Dose | Tagged , | Leave a comment