Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘blogging’ tag

Old school na WP themes

without comments

Nakakatuwa at nakita ko ang Almost Spring theme na ito. Isa sa mga paborito na klasikong themes para sa Word­Press. Una ko itong nagamit noong 2006 kung kailan­gan kakasim­ula ko pa lang sa blogging.

Simple lang ang mga themes noon. Wala masyado kaek-​ekan tulad ng custom hooks, fea­tured posts, mga image thumb­nails. Wala. Deretso ang aten­syon mo sa pag­susu­lat ng post.

Hindi naman sa sinasabi kong pangit ang mga fea­tures na iyon, iba pa rin talaga kapag mga gani­tong klasikong dis­enyo ang ginagamit mo paminsan-​minsan.

Written by jhay

October 19th, 2010 at 11:35 pm

Posted in Daily Dose

Tagged with , ,

Nag-eexist pa ba ako? :P

without comments

Napakadami nang blog­ging events ang hindi ko napupun­ta­han mula nang magsim­ula ang paskuan. Word­Camp, paglu­lun­sad ng mga net­books ng Acer, Dell at Asus, at bukas ang ikalawang Philip­pine Blog Awards.

Siguro kapag nakadalo ako sa mga susunod na event madaming hindi makakak­i­lala sa akin. Bukod sa hindi naman talaga ako ganoon kak­i­lala sa blo­gos­phere, mas mahi­hi­ra­pan sila ngayon dahil mag­mimis­tu­lang baguhang blog­ger ako at ito ang unang blog­ger event na aking nadaluhan.

Pero kung hindi naman ako nakakadalo sa mga blog­ger events, saan naman kayo ako nagpupunta?

Simple lang, dito pa rin sa DLSUD kung saan may mga oblig­asyon at abbokasiya akong kailan­gan tutukan at paglaanan ng mas maram­ing oras at atensyon.

Hindi naman sa pinag­si­sisi­han ko ang gani­tong sit­wasyon, nababagabag lang ako na ang daming mga imbita­syon na duma­dat­ing pero kahit isang event ay hindi pa ako nakakadalo.

Pero ngay­ong mala­pit na ang semes­tral break, mas mataas ang posi­bil­i­dad na makasama na ako sa kung ano mang blog­ger event na dadating.

Iyon ay kung may mag-​iimbita sa akin. :P

Written by jhay

September 20th, 2008 at 7:04 pm

Posted in buhay estudyante,Daily Dose

Tagged with ,

Balik blogging na si Shari, ako naman kaya?

with 2 comments

Tama ang nabasa nyo sa itaas. Balik blog­ging na daw si Shari sa Mis​teryosa.com. Wohoo!

Kay tagal ding natengga ang award-​winning Mis​teryosa.com, sala­mat at mag­ba­ba­lik na si Shari, bihira na rin kasi akong mag-​gala sa Multiply.

Ang sunod na tanong naman ay kailan kaya ako magig­ing reg­u­lar na makaka­pag­su­lat o blog dito?

Written by jhay

August 6th, 2008 at 7:15 am

Posted in Daily Dose

Tagged with

Isa pa la akong alahas!

with one comment

Biro lang. Hindi ako alahas. Ako ay tao. Ako ay si Julius Rocas, hindi Roxas, hindi rin Rojas, bagkos Rocas.

Sala­mat sa isang artiku­long ito mula sa the Wall Street Jour­nal kung saan sinasabi na mahi­rap burahin ang iyong marka sa Inter­net, lalo na kung ang mga markang ito ay hindi mo gusto o hindi makak­abuti para sa iyong pan­galan at pagkatao.

Sino ba naman ang walang Friend­ster, blog, Mul­ti­ply, Twit­ter, e-mail address atbp pang iden­tity sa inter­net ngayon? Halos lahat ay may­roon diba?

Pero sa dami ng mga web­site na ito at dahil wala tayong gina­gawa kung hindi ikalat sa inter­net ang ating pagkatao sa pama­m­ag­i­tan ng blog­ging, social media, twit­ter at iba pa, hindi natin nama­malayan na madali na pala tayong mahanap sa pama­m­ag­i­tan lamang ng isang "Google search".

Ito ang ginawa ko kanina. Hinanap ko sa Google ang aking pan­galan "Julius Rocas" at narito ang resulta:

jrocasgoogleseach

Karami­han ng resulta ay mula sa mga blogs ko, sa aking Friend­ster, LinkedIn, Mul­ti­ply at Twit­ter accounts. Masasabi kong mali­nis at dis­ente ang mga web pages na makikita nyo kapag nag-​click kayo sa kahit anong mga links na ibibi­gay ni Google tungkol sa aking pan­galan. :D

Hindi ito kat­u­lad ng ibang tao na nabang­git sa artikulo mula sa Wall Street kung saan sila ay nagkaprob­lema tuwing hahanapin sa inter­net ang kani­lang mga pan­galan. May­roong litrato nila noong sila ay mataba pa, may­roong may account sa MySpace na hindi mag­a­n­dang mabasa ng kanyang employer, may­roon namang napag-​tripan lang ng mga kaibi­gan na "babuyin" ang kanyang imahe sa inter­net. Mga bagay na lub­hang nakaapekto sa kanila sa negat­i­bong paraan.

Pero ang isa sa mga bagay nakita ko sa aking pagha­hanap ay ang web­site na ito: Rocas - A world of Gems na matatag­puan sa gani­tong web address: (http://​www.​rocas.​com.​mt/​i​n​d​e​x​2​.html)

Wala akong kinala­man sa may-​ari ng web­site na iyon na si Ramona De Bat­tista, at hindi ko rin siya kamag-​anak. Nagkataon lang na nagus­tuhan niyang gamitin ang "Rocas" bilang pan­galan ng kanyang negosyo na guma­gawa ng mga alahas at eksperto sa mga mama­hal­ing bato.

At dahil sa kanya, nala­man kong ang "Rocas" pala ay isang sal­i­tang Kastila na nangangahulugang:

ROCAS is Span­ish for solid rocks

Buti na lang at JROCAS dot COM dot PH ang domain na kinuha ko para sa The Four-​eyed Jour­nal noong una kasi ay ROCAS dot COM dot PH lang sa pag-​aakalang mahi­himok kong mag-​blog din ang aking mga kap­atid o kamag-​anak. ;) Kung nagkataon pala ay pareho kami ng domain at mala­mang ay nagka­roon ng problema.

Nakaka­mangha talaga ang inter­net at ang pagig­ing aktibo dito. Maram­ing malala­man at madidiskubre kapag ang pan­galan mo mismo ang hahanapin mo dito.

Nasubukan nyo na ba ito?

Written by jhay

March 25th, 2008 at 9:40 pm

Posted in Daily Dose

Tagged with , , ,

Wow! PR 4 agad!

without comments

Nakakamangha naman at nakakatuwa. Walang tat­long buwan ay may­roong Page Rank rating 4 na agad ang blog kong ito.

PR4

Kahit na napakaunti ng laman at hindi ganoon kadalas malagyan ng updates ay tumaas na agad ang PageR­ank nito. :D

Sala­mat sa Google!

PS:

Sana ibalik na yung PR 5 ng The Four-​eyed Jour­nal :P

Written by jhay

March 20th, 2008 at 12:54 pm

Posted in Daily Dose

Tagged with , ,