Archive for the ‘concerts’ tag
Ticket sa John Mayer Live in Manila pang-enrol ko na

Ubod ng mahal ang tiket sa concert na John Mayer Live in Manila. Gaganapin ito sa May 16, 2010 sa Mall of Asia Concert grounds. Ito ang halaga ng mga tikets:
VIP - 12,000 pesos
Gold - 8,000 pesos
Silver - 5,000 pesos
Bronze - 2,000 pesos
GA - 600 pesos
Hindi ko kayo niloloko, at sana ay nagkamali ako ng pagbabasa, pero ganyang kamahal ang mga tiket sa concert na ito. Fan ako ni John Mayer, tunay na gusto ko ang mga kanta niya, pero hindi ako maglalabas ng ganyang kalaking pera para lamang mapanood siya ng Live.
Sa VIP at Gold na tiket ay pwede ka nang mag-enrol sa DLSUD o kaya ay may bagong cellphone ka na. Ok lang din sana kung sa ganoong tiket ay makakaupo ako ng komportable, may aircon at bubong kung sakaling umulan. Pero ito ay gaganapin sa MOA concert grounds, walang upuan, walang bubong at nakatayo ako sa kabuuan ng concert. Parang hindi ata makatarungan ang ibabayad ko, mawalang-galang na kay John Mayer, pero sa susunod na lang.
Manood ba kayo ng concert niya? Anong tiket ang bibilhin nyo?