Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘edukasyon’ tag

Muli, hustisya para kay Cris Mendez

without comments

Kahapon gini­ran­tiya ng Korte Suprema ang hus­tisya para sa sumakabilang-​buhay na estudyante ng UP Dil­i­man na si Nino Cali­nao na bina­ril noong Pebrero 19, 1999 mat­a­pos sang-​ayunan ng mataas na korte ang hatol sa pumaslang na si Res­ur­rec­cion Ranin Jr.

Kahit na ibin­aba ang sin­ten­sya ni Ranin na habang-​buhay na pagkak­a­bi­langgo mula sa unang parusa na kamatayan, ang desisy­ong ito ng Korte Suprema ay paalaala na posi­bleng makamit ang hus­tisya para sa mga estudyan­teng bik­tima ng kara­hasan, pang-​aabuso at pama­maslang kahit sa loob mismo ng mga paar­alan at pamantasan.

Ranin, who was seen walk­ing around the UP campus with sev­eral com­pan­ions before the inci­dent, was found to have shot Cali­nao twice. As the stu­dent was crawl­ing on the ground hold­ing his abdomen, he was shot a third time. As he lay on the ground, he was shot a fourth time.

Lady guard Lina De Castro, who had stood as wit­ness in the case, had to plead with Ranin and tug on his shirt to tell him to stop.

"Dodong, Dodong, tama na yan, patay na yang bata [Stop it, the child is dead]," the guard was quoted as saying.

After the Court of Appeals upheld the RTC's find­ings, Ranin ele­vated the issue to the high court.

In a June 25 deci­sion penned by Jus­tice Leonardo Quisumb­ing, the high court found suf­fi­cient evi­dence to con­vict Ranin for the state scholar's murder.

Ngayon, lalo pang mai­ib­sa­han ang hapdi na nararam­daman ng pam­ilya, kaanak at mga kaibi­gan ni Nino Cali­nao dahi­lan sa desiy­ong ito.

Pero hindi pa dito nag­tat­a­pos ang pagha­hangad ng katarun­gan para sa mga estudyan­teng bik­itma ng kara­hasan, nana­natil­ing bukas ang kaso sa pagka­matay ng isa pang estudyante ng UP Dil­i­man na si Cris Mendez.

Tulad ng pahayag ng kanyang dating kapartido sa UP na ini­l­abas kahapon, ang mga may malasakit para sa kapakanan ng mga estudyante, lalo't higit ang mga kaanak, kaibi­gan at kasama­han ni Cris Mendez ay pat­u­loy na nagha­hangad ng katarungan.

Written by jhay

June 30th, 2008 at 12:28 pm

Posted in adbokasiya

Tagged with , ,

Drama sa USC Scholarship

with one comment

Ayon sa mga huling nag­ba­hagi sa akin ng kani­lang mga saloobin tungkol sa nakakalungkot na pangya­yari sa schol­ar­ship ng USC ngayon, hindi ko mai­wasang malungkot din at pilit kong ini­i­wasan ang mag-​isip ng masama sa mga bagong USC officers.

Sa kasalukuyan, may­roong 20(?) isko­lar ang USC ngayon, mas mataas kumpara noong nakaraang taon. Ngunit hindi ata naging usap-​usapan ang pag­taas ng bilang ng mga isko­lar. Ang mas napag-​uusapan ay ang mga isko­lar, mag­u­lang at mga ilang admin­istrador na nababa­hala at nababagabag dahil kahit nadagda­gan ang bilang ng mga isko­lar, nabawasan naman ang mga tunay na matu­tu­lun­gan nito.

Sa 17 isko­lar ng nakali­pas na USC, mas madami ang bilang (per­cent­age) ng mga may "full schol­ar­ship" kumpara sa ngayon, iisa o dalawa lang daw ang nabi­gyan ng "full schol­ar­ship" kaya, lub­hang nakakalungkot, marami-​rami sa mga nakaraang isko­lar ang hindi makakapag-​aral ngay­ong pasukan, kahit na 50% ang schol­ar­ship nila. Sa lalong pag­taas ng mga bil­i­hin, langis, matrikula at iba pa ngay­ong kasalukuyan, higit na kinakailan­gan ng mga kapos-​palad nating kapwa Lasalyano ang lahat ng tulong upang ipag­pat­u­loy nila ang kani­lang pag-​aaral. Ang pagig­ing iskoloar ang isa sa kani­lang mga malub­hang inaasahan.

Ginawa ang mga mapayapa at tamang pros­eso para subukang umapila sa kasa­likuyang USC na sana'y mabago ang kani­lang desisyon at madagda­gan ang matatang­gap ng mga isko­lar. Ngunit, mat­a­pos ang mga pag-​uusap at pakikipag­day­al­ogo, dese­dido na raw ang bagong USC na kung ano ang kani­lang napagde­sisyu­nan ay yun na talaga.

Totoo na may kalayaan at kara­p­atan ang USC na pagde­sisyu­nan ang pag­bibi­gay ng mga schol­ar­ships. Totoo rin na may kalayaan at kara­p­atan silang itakda ang panun­tu­nan at pros­eso sa kung sino ang mabibi­gyan ng scholarships.

Pero hindi ibig sabi­hin nito ay bahala na sila sa kung ano man ang kani­lang mapagde­sisyu­nan. Bilang mga lider-​estudyante, higit na inaasa­han na ang kani­lang mga desisyon ay para maka­paglingkod sa interes at kapakanan ng mga estudyante at alin­sunod sa mga dak­i­lang aral ni San Juan Buatista De La Salle.
Read the rest of this entry »

Written by jhay

May 28th, 2008 at 8:05 pm

Posted in buhay estudyante

Tagged with , , , , , ,

MASA: Tumaas ang Matrikula, Estudyante Kakasa Ka Ba?

with 4 comments

Ngayon ay ilu­lun­sad na ang unang yugto ng MASA o Mass Aware­ness pro­gram, ang pro­gra­mang pang-​adbokasiya at kontra-​pasibo ng Kon­se­hong Mag-​aaral ng Paman­tasan sa Paman­tasang De La Salle Dasmarinas.

Ang paksa sa talakayan bukas ang pag­taas ng matrikula at iba pang bayarin sa aming paman­tasan. Shempre, ang bagay na ito, ang tuition fee increase ay hindi lamang sa De La Salle Das­mari­nas nangya­yari. Sa halos lahat ng kole­hiyo at paman­tasan, prib­ado o pam­pub­liko man, ay nagkaka­roon rin ng pag­taas ng matrikula at iba pang bayarin.

Bagay na lalong nag­pa­pahi­rap sa mga estudyan­teng Pilipino. Bagay na lalong huma­had­lang sa katu­paran ng kani­lang mga pan­garap at kara­p­atang makatang­gap ng edukasyon.

Bilang tugon sa respon­si­bil­i­dad nito, isas­agawa ng USC ang pro­gra­mang ito na pinamagatang:

"Tumaas ang Matrikula, Estudyante Kakasa Ka Ba?"

Layunin ng talakayan na ito na mala­man ng mga mag-​aaral kung saan napupunta ang bawat piso ng mga matriku­lang aming ibin­abayad sa DLSUD. Ito ang unang pag-​aaral sa isyung ito nang sa ganoon ay may base­han ang mga susunod na pagk­i­los ng mga mag-​aaral kapag kina­harap nila ang isyu ng TFI o tuition fee increase.

Bukas ang talakayan para sa lahat ng mag-​aaral sa DLSUD. Ito ay gaganapin sa POLCA Con­frence Room sa ganap na ika-12 ng tang­hali hang­gang ika-3 ng hapon. Makakasama natin si G. Deodoro E. Abiog II, CPA ang Con­troller ng DLSUD upang ilahad sa atin ang mga pinag­gugugu­lan ng ating mga matrikula at iba pang bayarin.

Malaya ang lahat na mag­tanong kay G. Abiog upang tayo ay mas mali­wana­gan ukol sa gas­tusin ng paman­tasan. Nang sa ganoon ay mapag-​aralan natin ang mga hak­bang na gagawin sa pagharap sa isyu ng tuition fee increase, kung paano masulit ang ating pondo at kung saan tayo pwe­deng makatipid, panagutin ang mga nagaak­saya sa ating mga pondo at ipaalam sa mga admin­istrador kung saan tingin natin mas kailan­gan ng pondo dahil sa ban­dang huli, ang ser­bisyo sa estudyante ang pan­gu­nahing dahi­lan kung bakit nai­tatag ang pamantasan.

Bilang pinuno ng Komite sa Adbokasiya, ako ang naatasan na maghain ng isang 'sit­u­a­tioner' upang mala­gay sa tamang kon­tek­sto ang talakayan. Para dito, ini­handa ko ang sumusunod na talumpati:

Pan­gan­galaga sa Pangarap

Bakit tayo narir­ito? Bakit tayo nag-​aaral? Bakit tayo nasa paman­tasang ito?

Ito ay dahil sa ang panini­wala natin sa pama­m­ag­i­tan ng edukasyon, matu­tu­pad ang ating mga pan­garap. Napaka­ha­laga ng mga pan­garap dahil minsan sinabi sa akin ng isang napak­a­gal­ing na guro, kasama at kaibi­gan, na kapag tayo ay may pan­garap, malayo ang ating mararat­ing. Kapag tayo ay may pan­garap, nagkaka­roon ng halaga at kab­u­luhan ang ating buhay. Kapag tayo ay may pan­garap, nagig­ing masi­gasig tayo sa kilos at gawa. Kapag tayo ay may pan­garap, may naga­gawa tayong kakaiba, may naga­gawa tayong mga bagay na sa pagli­pas ng pana­hon ay siyang mag­tataguyod ng ating alaala dahil ang mga makik­in­a­bang sa mga bunga ng mga pan­garap na iyon ang siyang dadak­ila sa ating mga pangalan.

Hari­nawa, man­garap din sila at ipag­pat­u­loy ang ating mga nasimulan.

Lingid sa ating kamalayan, may­roong tao na nauna na sa ating nan­garap. Nan­garap siyang ang bawat bata, ano man ang antas ng katayuan sa buhay, lalo na ang mga naghi­hi­rap at dukha, ay makapag-​aral. Dahil kat­u­lad natin, mat­i­bay ang kanyang panini­wala na sa pama­m­ag­i­tan nga ng edukasyon ay matu­tu­pad natin ang ating mga pan­garap, ang umunlad at maging ganap na tao.

Ang man­gan­garap na iyon ay walang iba kung hindi si San Juan Bautista De La Salle. At dahil sa kanyang pan­garap na makapag-​aral ang mga kabataan, lalo't-higit ang mga dukha, natatag ang Paman­tasang De La Salle.

Nakakalungkot dahil daang taon na ang nakali­pas mula nang unang mag­turo si San Juan Baustista De La Salle sa mga mahi­hi­rap, ay ganoon pa rin ang ating kala­gayan ngayon. Mata­gal nang wala ang ating mahal na patron ngunit ang mga kaibi­gan, kap­atid, kapwa estudyante - tayo mismo, marami pa rin sa atin ang naghihirap.

Marami pa rin sa atin ang hindi makakuha ng mga exam permit dahil sa kahi­ra­pang mag­bayad ng matrikula. Marami pa rin sa atin ang umaasa sa pagig­ing skolar. Marami pa rin sa atin ang nagsalu-​salo sa kakaunt­ing gamit sa mga lab­o­ra­to­ryo, nagti­tiyaga sa mga maba­gal at tino­topak na kompyuter, marami pa rin sa atin ang nagkakasakit sa mga madudum­ing drink­ing foun­tain, marami pa rin sa atin ang nagti­tiis sa maha­ha­bang pila tuwing enrol­ment, marami pa rin sa atin ang nagkaka­roon ng mga guro na kahit may mataas na antas na ng pinag-​aralan ay tila hindi pa rin gumaling-​galing sa pagtuturo.

Sa isang salita, tila hindi ba natin nasusulit ang bawat piso na ating ibin­abayad sa paman­tasang ito. Isang paman­tasang naitayo para sa ating mga mag-​aaral, isang paman­tasang tayo rin - sa pama­m­ag­i­tan ng ating mga matrikula o tuition - ang pat­u­loy na bumubuhay at nag­pa­pa­natil­ing bukas.

Ngunit sa kabila nito, kaliwa't-kanan ang pag­pa­p­atayo ng mga gusali at pasil­i­dad sa ating paman­tasan. Dumarami ang mga mag­a­gara at mama­hal­ing sasakyan na hindi naman pag-​aari ng mga estudyante at karami­han ng mga guro.

Hindi ko sinasabi na masama ang mga ito, hindi ko sinasabi na itigil ang pag­pa­p­atayo ng mga bagong gusali. Ngunit ating isipin, para saan ba ang paman­tasang ito? Para saan ba ang mga ibin­abayad nating matrikula?

Para sa pag­pa­pa­ganda ng pisikal at estetikong aspeto ng ating paman­tasan? O para sa ating mga estudyan­teng puma­sok dito sa panini­walang ang edukasyon sa paman­tasang ito ang siyang magig­ing daan sa pag-​abot ng ating mga pangarap?

Tumaas muli ang ating matrikula, nitong nakaraang Pebrero ay sinus­pinde ng CHED ang CMO 14 na siyang naglilimita sa pag­taas ng mga matrikula at bayarin sa mga kole­hiyo at paman­tasan, nan­gan­gahu­lu­gan lamang na muling mag­tataas ang ating matrikula at bayarin sa mga susunod na taon.

Bilang mga mag-​aaral, ano ang ating pwe­deng gawin? Alam ko, na kaisa namin kayo sa pag­tu­tol sa tuition fee increase. Ngunit hindi sapat na basta na lamang tayo tumu­tol. Dapat munang pag-​aralan natin ang ating sit­wasyon bago tayo kumi­los. Dapat mala­man muna natin kung saan napupunta ang ating mga ibin­abayad na matrikula.

Nang sa ganoon ay mas mapaghan­daan natin ang mga susunod na hak­bang at pagk­i­los kaug­nay sa isyu ng pag­taas ng matrikula.

At ngayon, kasama natin si G. Abiog upang tayo'y tulun­gan at maliwanagan.

Written by jhay

August 1st, 2007 at 6:00 am

Posted in adbokasiya,kwentong eskwela

Tagged with , , ,

Ang mapanupil na Exam Permit

with 4 comments

Exam permitSa wakas ay nat­a­pos na ang Pre-​lim exams sa paman­tasan. Nag-​aabang na lang ngayon ng resulta ng mga pag­susulit at lahat ay kinakaba­han, nanalan­gin na sana ay naka­pasa sa mga kin­uhang eksam.

Ngunit para sa iba, ngayon pa lang mag­sisim­ula ang kani­lang kalbaryo, ngayon pa lamang sila mag­susulit para sa Pre-​lims. Huli na sila ng isang linggo, yung iba ay deretso na sa kani­lang mga gawain, sila naman ay nagha­habol sa ibang mga guro, nagha­hanap ng bakan­teng oras sa gitna ng ibang gawain upang makakuha ng espesyal na pagsusulit.

Ito ang patakaran sa aming paman­tasan, lahat ng mga hindi nakakuha ng mga major exams sa kani­lang tak­dang iskedyul ay bibi­gyan ng mga espesyal na pag­susulit, isang linggo mat­a­pos ang reg­u­lar na bigayan. Ngunit mag­tatanong ang iba kung bakit hindi sila nakapag-​eksam.

Ang iba ay hindi nagek­sam dahil sa tina­mad, nag­gala, at iba pang mga mababaw at baluk­tot na katwiran. Yung iba naman, sinasadya dahil alam nilang mas madali ang 'spe­cial exam' kumpara sa reg­u­lar na eksam. Nakakalungkot hindi ba?

Nakakalungkot dahil yung iba naman, na may karami­han ay hindi nakakakuha ng mga exams dahil sa hindi sila bini­gyan ng exam­i­na­tion permit. Isang maliit na piraso ng papel na nagsasabing bayad ka na ng matrikula kaya pwede ka nang kumuha ng exam.

Hindi lahat ay isko­lar, at lalong hindi lahat ay may kakayanan na maka­pag­bayad ng matrikula na agad-​agaran, dahil para sa kanila, ang perang pam­abayad ay talan­gang hindi madal­ing malikom o kitain. Pero gagawin at hahamakin halos lahat, maka­pag­bayad lamang ng matrikula, nang sa ganoon ay maipag­pat­u­loy ang pakik­ibaka na makamit ang isang naka­pa­ha­la­gang pan­garap, ang maka­pag­ta­pos ng kole­hiyo. Bagay na sadyang maha­laga sa bawat pam­ilyang Pilipino.

Ang pan­garap na ito ay pino­pro­tek­ta­han sa pama­m­ag­i­tan ng ating kara­p­atan sa edukasyon, ano man ang antas ng iyong pamu­muhay at kakayanan. Pero ang nakakalungkot nga, hindi ganito ang nangya­yari. Lalo't-higit sa mga prib­adong pamantasan.

Pero teka, como ba nasa prib­adong paman­tasan ang isang mag-​aaral ay wala na o nababawasan ang kanyang kara­p­atan sa edukasyon? Matuwa sana ang mga kapwa ko mag-​aaral sa DLSUD dahil ayon sa ating Uni­ver­sity Stu­dent Coun­cil Constitution:

"No stu­dent shall be pro­hib­ited from taking any major exams because of unpaid accounts incurred during the semes­ter oth­er­wise the uni­ver­sity has the right to with­old the release of issuance of such stu­dent records or doc­u­ments until unpaid accounts are set­tled." Arti­cle III, Sec­tion 1, e.

Mali­naw na kahit hindi bayad ang buong matrikula ng isang estudyante ay pwede pa rin siyang kumuha ng major exam para sa Pre-​lim at Mid-​terms. Ngunit ang kato­to­hanan ngayon ay kahit Pre-​lims pa lang ay kailan­gan mo nang mag­bayad ng 40% (50% na raw ayon sa mga pinakabagong bulung-​bulungan sa campus) upang ikaw ay mabi­gyan ng Exam permit na siya namang magsasabi na pwede ka nang kumuha ng major exams.

Dahil hindi lahat ay nakak­abayad ng nasa tak­dang oras, marami ang hindi nabibi­gyan ng permit at hindi nakakakuha ng mga exams.

Ano na ang nang­yari sa ating kara­p­atang binang­git ko kanina? Ito ba ay inalis na sa bagong bersyon ng USC Con­sti­tu­tion? Ito ba ay nakalimu­tan na? O ito ba ay sadyang hindi igi­na­galang ng administrasyon?

Sana naman ay hindi, dahil natatan­daan kong kaya nalikha ang Paman­tasang De La Salle, ay upang magkaloob ng edukasyon para sa lahat, lalo na sa mga mahihirap.

Written by jhay

July 26th, 2007 at 6:42 am

Posted in kwentong eskwela,opinyon

Tagged with , , ,

Hipokrito ang militar

with 4 comments

Noong nakaraang Hunyo ay nagka­roon ng isang forum sa Paman­tasang De La Salle Das­mariñas tungkol sa komu­nismo sa Timog-​Katagalugan. Ito ay pinagsamang proyekto ng Kole­hiyo ng Malalayang Sining, Kole­hiyo ng Pag­pa­p­atu­pad ng Batas at Cavite Stud­ies Center.

Bidang ispiker ang mga kuman­der ng South­ern Luzon Com­mand - AFP sa nat­u­rang forum na dinaluhan ng mga mag-​aaral na kumukuha ng Krim­i­nolo­hiya, Agham Puli­tika, at mga pakul­dad mula sa Depar­ta­mento ng Agham Pan­lipunan, atbp.

Kasama ko sina Sir Edwin at Sir Lukcy mula sa Sentro sa Pag­pa­paun­lad ng Pamayanang Lasalyano o Lasal­lian Com­mu­nity Devel­op­ment Center at ang Pan­gulo ng Uni­ver­sity Stu­dent Coun­cil na si JM Amihan upang makinig sa pre­sen­ta­syon ng mga sun­da­long nakata­laga sa Kabite. Ang kani­lang paksa ay tungkol sa "banta ng komu­nismo" sa Timog-​Katagalugan. Ang mga forum na ito ay bahagi mala­mang ng kam­pa­nya ng AFP laban sa inser­gensi at komu­nismo, par­tiku­lar ang pagkakalat ng pro­pa­ganda, este "edu­ca­tional forums" upang "mali­wana­gan" ang mga mag-​aaral at kabataan tungkol sa Komu­nismo sa Pilipinas.

Baga­man hindi namin nasim­u­lan ang pro­grama, nala­man namin na naglek­tyur ang mga mil­i­tar tungkol sa kung ano Komu­nismo, sinu-​sino ang mga Komu­nista, at paano sila kumik­i­los upang makamit ang kani­lang mga layunin. Bagay na hindi papaya­gan ng estado, sim­ba­han at militar.

Hindi ko na idede­talye ang mga sinabi ng mga mil­i­tar mula sa Southern-​Luzon Com­mand dahil shempre, ito ay may bias sa kanila. Ilan lamang sa mga bagay na iki­nalaglag ko sa aking upuan dahil sa kakatawa ay ang mga sumusunod:

Dito ako labis na natawa dahil nakita mismo ng mga guro, admin­istrador at pakul­dad na naroon sa forum kung paano ito harap-​harapang nila­pas­tan­gan ng mga kuman­der mula sa Southern-​Luzon command.

Nang­yari ito nang sin­im­u­lan ang open forum at nag­tanong ang isa sa mga guro. Bakit daw mas malaki ang gina­gas­tos ng gob­y­erno sa PMA saman­ta­lang paliit nang paliit ang badyet para sa UP at iba pang pam­pub­likong paman­tasan at kolehiyo?

Dahil "nahuli" sa tanong na iyon, at medyo nagka­mali sa bari­rala o gram­mar ang nat­u­rang guro kung saan nasabi niya na nasa ilalim ng DepEd ang PMA na siya namang itin­uwid ng hen­eral sa paraang ganito:

Tuwing mag­pa­p­at­u­loy sa pag­tatanong ang guro mula sa De La Salle, magsasalita din ang hen­eral sa mas malakas at mataas na tono ng pananalita. Dagda­gan pa ng paggamit ng mikro­pono at tala­gang hindi na nar­inig ang boses ng gurong nag­tatanong lang naman.

Dahil dito, hindi na naka­pagsalita pa ang nat­u­rang guro, samakatuwid, nila­pas­tan­gan ng AFP ang kanyang kara­p­atang maka­pagsalita at maka­paghayag ng kanyang saloobin.

"We in the AFP are among the first to respect and uphold Human Rights and other demo­c­ra­tic freedoms."

Kaloko­han!

Ang mas nakakalungkot pa nito, ni wala man lang kahit isa mula sa mga pakul­dad, admin­istrador na mula sa De La Salle Das­mariñas ang tumu­long at umalalay sa kani­lang "col­league" na sa harap nila mismo, sa sarili nilang paman­tasan ay binas­tos at nila­pas­tan­gan ang mga karapatan.

Sa halip, tango at tango muli ang kani­lang gina­gawa sa bawat sinasabi ng mga mil­i­tar. Tsk tsk tsk

Ang lalakas pa namang tawa­gin ang mga sar­il­ing "Lasallians."

Written by jhay

July 19th, 2007 at 7:56 pm

Posted in karapatang pantao,opinyon

Tagged with , ,