Archive for the ‘Ekonomiya’ tag
Dalawa ang kahulugan nito:
1) literal na hindi nakasasapat ang pera sa mga pangangailangan mo.
2) Hindi nakasasapat ang pera, gaano man ito kalaki, para masabing masaya ka sa ginagawa mo.
Kapag sinabi namang masaya sa ginagawa mo, maraming pwedeng maging dahilan.
Kung sa trabaho, ayaw mo sa mga katrabaho mo. O kaya ayaw mo sa mga boss mo, o ayaw mo sa kultura at kalagayan ng iyong trabaho o lahat nang ito.
At dahil dito, kahit pa maganda o sapat ang iyong kita, maayos ang iyong mga katrabaho, hindi ka magdadalawang-isip na umalis at lumipat ng ibang trabaho.
Sadyang ganito talaga kapag nasa bansa ka na limitado ang mga pagpipilian, lalo't ang mga natitirang pagpipilian ay hindi tugma sa pagkatao, pinag-aralan, o gusto mong gawin.
Hindi kalayaan ang iyong hinahanap, kung hindi kaginhawaan.
Noon pa man ay hindi ko na pinaniwalaan ang mga pagyayabang ng pamahalaang Arroyo na lumaki ng ilang purysento ang ekonomiya ng bansa. Hibang ang taong maniniwalang totoo ito.
Kamakailan lang ay ipinagmalaki ni GMA na nakaranas ng 7.3% na paglaki ang ating ekonomiya, isang bagay na labis nilang ipinagyayabang para matakpan ang mga katiwalian sa kanyang pamamahala.
Ginagamit din ito ng kanyang mga taga suporta para patuloy na liuhin at linlangin ang taumbayan sa paghahanap nito sa katotohanan sa likod ng mga sunud-sunod na kontrobersyang kinasasangkutan ni GMA, ng kanyang pamilya at ng kanyang mga alipores. Mas mabuti na raw si GMA dahil kahit papaano ay napapalago ang ating ekonomiya.
Nakakalungkot dahil may mga taong kumakagat sa ganitong propaganda ng administrasyong Arroyo.
Kung ayaw pa rin nilang maniwala at gustong patuloy na magbulag-bulagan, heto ang isang balita na yayanig sa kanilang mundo:
THE COUNTRY'S unemployment rate worsened to 7.4 percent in January, bolstering criticisms that the growing economy has failed to create more jobs.
The unemployment rate in October 2007, when the last Labor Force Survey was conducted by the National Statistics Office, stood at 6.3 percent.
On a year-on-year basis, the latest unemployment rate eased slightly from 7.8 percent.
The NSO said the unemployment rate in January translated to 2.7 million jobless Filipinos out of the 36.4 million belonging to the labor force. In October, jobless Filipinos were estimated at 2.3 million.
The underemployment rate also rose to 18.9 percent in January from 18.1 percent in October. The NSO defines the underemployed as those who were seeking additional hours of work.
Muli nasaan ang ipinagmamalaking 7.3% economic growth na ipinagyayabang ni GMA?