Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘eleksyon’ tag

Debate naman…para sa Finals

with one comment

Simula na bukas ng "Finals" period namin sa Argu­men­ta­tion & Debate class at isa ako sa unang anim na magdede­bate para sa aming finals exam.

Ang paksa ay tungkol sa mga "infomer­cials" na kumakalat ngayon sa telebisyon dahil sa nalalapit nang eleksyon. Sa aking pala­gay ay mas madali ito kumpara sa nau­nang paksa na tungkol kay Lacson vs Erap at sa mga paggamit ng mga 'priv­i­lege speeches' para sa pansar­il­ing interes at larong puli­tika ng mga Senador at Kongresista.

Ang nakikita kong pagdede­bate­han ay dapat bang ipag­bawal ang mga "infomer­cials" mismo o ipag­bawal ang mga opisyal ng gob­y­erno na lum­abas sa mga "infomer­cials" na gagawin ng kani­lang mga opisina o ahen­sya lalo na kung pana­hon na ng eleksyon.

Magig­ing mainit ang debate tungkol sa maa­gang pan­gangam­pa­nya o pre­ma­ture cam­paign­ing bukas. Kung ano pa man, magig­ing masaya, malu­pet at madugo ang debate dahil ang mga mahuhusay sa klase namin ang mga makakasama at makakatung­gali ko sa debate.

Sana lang ay hinid ako magkalat at matan­daan ko ang lahat ng aking mga ni-​riserts tungkol sa pak­sang ito.

Ang nakakai­nis lang ay kailan­gan pa naming mag­suot ng "formal attire" para sa debate saman­ta­lang sa class­room lang naman ito gaganapin. Mas okay lang sana kung sa Jose Basa ito gaganapin.

Written by jhay

September 21st, 2009 at 11:17 pm