Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘Globe Broadband’ tag

Balik Dial-up sa Globe Broadband

without comments

Ika-4 na araw na ngayon na ang Globe Broad­band con­nec­tion ko sa bahay ay mas maba­gal pa sa Dial-​up. Badtrip!!!

Kanina, tumawag ang Globe at sin­abing nalili­gaw daw ang kani­lang Tech­ni­cal Crew. Mali ang address na hawak nila. Nasa Das­mari­nas pa sila kaya tala­gang hindi nila mapupun­ta­han ang bahay ko na nasa Silang.

Baba­lik daw sila bukas ng umaga bago mag tang­hali. Sana lang. Nakak­abu­wiset na talaga ang Globe!

Written by jhay

April 2nd, 2011 at 10:19 pm

Posted in Daily Dose

Tagged with ,

Buwiset na Globe Broadband

without comments

Kaninang madal­ing araw, habang nag­ma­madali akong gumawa ng Pow­er­Point pre­sen­ta­tion para sa isang sem­i­nar, nawalan ng koneksyon ang Globe Broad­band ko.

Nakakai­nis talaga. Kung kailan kailngang-​kailangan mo, saka nawawala. Buti na lang may Globe Tattoo at tumino ang 3G signal sa aming lugar kya napagtya­gaan ko na kahit papaano.

Mabilis naman sya, umaabot ng 1Mbps ang koneksyon. Pero nadidis­con­nect pa rin kada 1 oras. Nakakai­nis pero buti na lang naka­pag unlisurf ako.

Alas-4 na ng umaga nang nat­a­pos kong gawin ang slideshow. Tila ba sinasadya ng Globe na buwisiten ako dahil kung kailan tapos na ako gumawa ng pre­sen­ta­syon, saka buma­lik ang koneksyon ng broadband.

Sala­mat Globe broad­band. Buwiset!

Written by jhay

October 9th, 2010 at 12:00 am

Posted in kwentong-buhay

Tagged with

Pasaway na Globe technicians…

without comments

Nitong mga nakaraang linggo, uminit at nadis­maya na naman ako sa Globe Broad­band dahil sa paputol-​putol na koneksyon ko sa iter­net. Madalas itong nangya­yari tuwing gabi, mga alas-8 ng gabi hang­gang sa ika-1 ng umaga - kung kailan nasa bahay na ako at kailan­gang mag­su­alt sa mga blogs ko.

Kaya tumawag ako sa kani­lang Cus­tomer Ser­vice hot­line upang humil­ing ng isang "repair visit" sa aming lugar para maisaayos na ang prob­lema ko.

Ang nakakai­nis sa Globe, 90% ng mga sinabi nila sa aking gagawin daw nila ay hindi nila ginawa. Lumal­abas pa minsan na ako ang sin­un­gal­ing tuwing kakausapin ko ang kani­lang mga Cus­tomer Sup­port Rep­re­sen­ta­tives (CSR).

Isa sa mga lagi na lang nilang hindi tin­u­tu­pad ay ang pagtawag o pag­text muna sa akin bago bumisita sa bahay ang kani­lang mga "tech­ni­cians" upang inspeksyunin ang linya ng tele­pono at ang aking broad­band modem.

Kahit ilang beses nang kinukuha ng kani­lang CSR ang aking mobile number ay hindi pa nila ako tinawa­gan o tinext man lang kung pupunta sila sa bahay ko o hindi. Lagi tuloy nai­i­wan akong nakatanga sa bahay sa kakahin­tay sa wala.

At kung sila naman ay pupunta sa aking bahay, nakaalis na ako o kaya ay nasa paman­tasan na, kaya hindi nila maayos ang koneksyon dahil hindi naman alam ng mga kasam­ba­hay ko kung paano sila kakausapin.

Tulad na naman kan­i­nang hapon, nag­punta daw ang mga taga-​Globe broad­band para magsagawa ng inspeksyon at pagkukumpuni sa aking inter­net con­nec­tio. Pero dahil wala ako sa bahay, baba­lik na lang sila bukas. Kinabukasan kung kailan nasa paman­tasan na naman ako at wala sa bahay!

Nat­ural lang na hindi nila ako aabu­tan dahil hindi naman sila nag­tatanong, tumatawag o nagte­text kung ako ba ay nasa bahay ko o hindi.

Hindi ko tuloy mau­nawaan kung sino ang mali, ang CSR ba o ang kani­lang mga tech­ni­cians. Sino ba ang tanga o hindi maka-​intindi?

Written by jhay

September 8th, 2009 at 11:37 pm

Posted in Daily Dose

Tagged with , ,