Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘Gloria Macapagal-Arroyo’ tag

Kalahating tulog, kalahating gising

without comments

Ang nakakai­nis sa aking sarili ay kung kailan ako inaan­tok saka dumarat­ing ang malakas na motibasyon para mag­su­lat. Bukod sa motibasyon, dumadagsa din ang madaming ideya o pak­sang gus­tong kong isulat.

Pero dahil nga sa inaan­tok na ako, hindi ko na naga­gawang isulat ang mga ideyang puma­sok sa aking isipan at ang motibasyon kong mag­su­lat ay natat­alo ng pan­gun­gulila ng aking katawan sa malam­bot na higaan.

Minsan nga ay nai­isip kong subukan 'yung tinatawag nilang "power naps" o mai­iks­ing pag­tu­log - mga 30 minuto - saka muli gigis­ing at ipag­pa­p­at­u­loy ang naud­lot o bagong gawain, tulad ng pag­susu­lat. Pero palpak ako sa "power naps" dahil ang dapat sana'y 30 min­u­tong pag­tu­log ay nagig­ing 6 hang­gang 8 oras na pagkakaidlip!

Sa katu­nayan, ang artiku­long ito ay sinusu­lat ko habang nasa bingit ako ng matind­ing pagkaan­tok at hina­hayaan ko na lang ang aking mga kamay na tumipa sa aking laptop sa saliw ng kumpas ng aking isipan.

Pero hindi tungkol sa reaksyon ko sa huling pama­maalam ni Gloria Macapagal-​Arroyo bilang pekeng Pan­gulo ng Pilip­inas ang naisu­lat ko. Bagkos, ang paki­ram­dam ng pag­susu­lat habang kala­hat­ing tulog at kala­hat­ing gising.

Written by jhay

June 24th, 2010 at 12:33 am