Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘halalan 2010’ tag

Si Erap tatakbo uli sa 2010?! Panginoon patawarin nyo sila…

without comments

Hindi ko sukat akalain na isang napakasamang balita ang sasam­bu­lat sa aking paningin, ilang oras pa bago dumat­ing ang bagong taon.

Ayon sa balita ng Inquirer.net, posi­bleng tumakbo uli si dating Pan­gulo, magnanakaw-na-pinawalang-sala-ng-isa-pang-magnanakaw Erap Estrada sa pagka-​Pangulo sa darat­ing na halalan ng 2010. Ito raw ay sa dahi­lang "sobrang dami" ng mga poten­syal na kan­didato sa pagka-​Pangulo ang nasa panig ngayon ng oposisyon.

Ito na marahil ang dahi­lan kung bakit hindi nag­tatagum­pay sa kani­lang mga plano ang opo­sisyon, dahil hindi sila nag-​iisip ng matuwid at tama, marahil (na huwag sana) ay mga engot sila dahil kung "sobrang dami" ng poten­syal na kan­didato sa pagka-​Pangulo mula sa kani­lang mga hanay ay bakit mauuwi ang lahat sa isang dating Pan­gulo na pinalayas ng taum­bayan dahi­lan sa kanyang pag­nanakaw sa kaban ng bayan? Marahil ay lahat sila ay mag­nanakaw din, pero ibang kwento na iyon.

Ibig sabi­hin ba ay mas malu­pet, mahusay at mas may kakayanan si Estrada kaysa sina Fran­cis Escud­ero, Loren Legarda, Manuel Villar, Pan­filo Lacson, at Makati Mayor Jejo­mar Binay?

O dahil habol lang nila ang lakas sa paghatak ng boto ni Estrada kaya guma­gawa sila ng paraan para muli siyang makatakbo?

Kung hatak lang naman ng boto ang pag-​uusapan, swak na swak na sina Loren Legarda at Fran­cis Escud­ero dahil silang dalawa ang nan­guna sa nakaraang halalan ng mga Senador. Kahit na ang ubod ng yaman at elit­is­tang si Manuel Villar marahil ay hindi makaka­hakot ng ganoong kadaming boto. Dagdag dito ang husay at kakayanan nina Legarda at Escud­ero, sapat nang dahi­lan upang isa sa kanila ang patak­buhin bilang Pan­gulo sa 2010.

Dapat sanang mau­nawaan at pak­ing­gan ng mga nasa opo­sisyon na kaya nanalo sina Legarda at Escud­ero ay sa may panini­wala ang mga tao sa kani­lang husay at kakayanan. Hindi dahil sa sila ay kasama ni Erap sa Opo­sisyon. Nais ba nilang ulitin ang EDSA Dos?

Dapat ding mau­nawaan ng Opo­sisyon na ang hangad ng taum­abayan ay pag­babago. Ito ay makakamit lamang kung ang mga pap­atak­buhin sa darat­ing na halalan ay mga bagong mukha, per­son­al­i­dad, panini­wala, at kakayanan.

Si Erap ay isa nang "relic" ng nakaraan. Juras­sic ika nga. Kum­baga sa hayskul, mata­gal nang alumni si Erap. Pana­hon na para siya ay man­ahimik at mamahinga na lamang. Isama niya sa kanyang pagre­tiro ang mga lumang trapo at puli­tiko mapa-​Administrasyon o Opo­sisyon man.

Tan­daan nyo ang mga bagay na ito, ang pag­babago ay hindi tumitigil. Ang pag­babago ay dala ng mga kabataan at susunod na hen­erasyon. At kasama rito si Tril­lanes. At kapag luma, panis at pangat(long init) na putahe na naman ang iha­hain ng Opo­sisyon sa darat­ing halalalan sa 2010, humanda sila kapag nabagot, nasuka at na-​umay ang taumbayan.

Written by jhay

December 31st, 2007 at 10:27 am