Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay
Archive for the ‘internet’ tag
Nitong mga nakaraang linggo, uminit at nadismaya na naman ako sa Globe Broadband dahil sa paputol-putol na koneksyon ko sa iternet. Madalas itong nangyayari tuwing gabi, mga alas-8 ng gabi hanggang sa ika-1 ng umaga - kung kailan nasa bahay na ako at kailangang magsualt sa mga blogs ko.
Kaya tumawag ako sa kanilang Customer Service hotline upang humiling ng isang "repair visit" sa aming lugar para maisaayos na ang problema ko.
Ang nakakainis sa Globe, 90% ng mga sinabi nila sa aking gagawin daw nila ay hindi nila ginawa. Lumalabas pa minsan na ako ang sinungaling tuwing kakausapin ko ang kanilang mga Customer Support Representatives (CSR).
Isa sa mga lagi na lang nilang hindi tinutupad ay ang pagtawag o pagtext muna sa akin bago bumisita sa bahay ang kanilang mga "technicians" upang inspeksyunin ang linya ng telepono at ang aking broadband modem.
Kahit ilang beses nang kinukuha ng kanilang CSR ang aking mobile number ay hindi pa nila ako tinawagan o tinext man lang kung pupunta sila sa bahay ko o hindi. Lagi tuloy naiiwan akong nakatanga sa bahay sa kakahintay sa wala.
At kung sila naman ay pupunta sa aking bahay, nakaalis na ako o kaya ay nasa pamantasan na, kaya hindi nila maayos ang koneksyon dahil hindi naman alam ng mga kasambahay ko kung paano sila kakausapin.
Tulad na naman kaninang hapon, nagpunta daw ang mga taga-Globe broadband para magsagawa ng inspeksyon at pagkukumpuni sa aking internet connectio. Pero dahil wala ako sa bahay, babalik na lang sila bukas. Kinabukasan kung kailan nasa pamantasan na naman ako at wala sa bahay!
Natural lang na hindi nila ako aabutan dahil hindi naman sila nagtatanong, tumatawag o nagtetext kung ako ba ay nasa bahay ko o hindi.
Hindi ko tuloy maunawaan kung sino ang mali, ang CSR ba o ang kanilang mga technicians. Sino ba ang tanga o hindi maka-intindi?
Malamang ay nakarating na sa inyo ang balita na mula sa pasukang ito, libre na ang WiFi access sa lahat ng mga estudyante at guro ng DLSUD.
Dati kasi ay kailangang mong magbayad para magkaroon ka ng access sa WiFi. Natutuwa ako dahil isa akong blogger at gustung-gusto namin ang libreng WiFi.
Pero sa kabilang banda, kung hindi mo na kailangang magbayad para sa WiFi dahil libre na ito, paano ito naging libre?
Magandang balita kung ito ay dahil sa isang mabait at galanteng sponsor. O kaya naman ay may nakuha na Internet Service Provider and DLSUD na mababa ang singil sa internet connection kaya naging libre na ang WiFi.
Pero, kung naging libre ang WiFi sa DLSUD dahil sinisingil na ito sa lahat ng mga estudyante, bilang bahagi ng aming miscellaneous fees, parang hindi ata makatwiran at hindi tama.
Paano naging hindi makatwiran at hindi tama? Noon kasi sa "pay per use" model, kung saan magbabayad ka para makagamit ng WiFi, na tama lang dahil ikaw kasi ang gumagamit. Sulit ang iyong ibinabayad. Ikaw ang may pasan ng dagdag gastos na ito.
Noon pa man mayroon nang internet fee na bahagi ng miscellaneous fee at ito ay napupunta sa ERS. Magtiyaga lang muna sa paisa-isang oras ng paggamit at pagpila dahil kakaunti ang mga computers dito. Ayos lang din dahil may direktang access ka sa internet. At iyon ang mahalaga. Kahit sino may access sa internet na sinisingil sa iyo.
Pero ngayong libre na sa lahat ang WiFi, at kung totoo ngang kasama na ito sa miscellaneous fees na binabayaran ng lahat ng estudyante, totoo rin kaya na ang lahat ng siningil dito ay may access sa WiFi?
Malinaw ang kasagutan. Tumingin ka na lang sa iyong block or section at isipin mo kung ilan sa inyo ang may laptop? Ang bilang na iyon ang may access sa WiFi dahil sa laptop ka lang naman pwedeng maka-access ng WiFi. Totoo na pwede ring mag-WiFi sa mga cellphone, PDAs at iPod Touch or iPhone pero mas kakaunti ang mga mayroon nito sa DLSUD. At tiyak akong kakaunti ang magtitiyaga na magresearch gamit ang kanilang WiFi-capable phone.
Muli, malinaw na kahit lahat tayo ay sinisingil para sa WiFi, hindi lahat tayo ay makakagamit nito. Dahil hindi lahat ay may laptop. Sa ganitong sitwasyon, ang paggamit sa WiFi ay isang pribilehiyo o privilege, dahil may pre-requisite na kailangan para ma-access mo ito, at iyon ay ang pagkakaroon ng laptop.
Ang pribilehiyong makagamit ng WiFi ay para lamang sa kakaunting estudyante ng DLSUD na may laptop. Pero sinisingil ang lahat para ang iilang may laptop ay makagamit nito. Sa panahon ngayon ng krisis pang-ekonomiya at lalong humihirap na pamumuhay, ang ganitong sitwasyon ay tama at makatuwrian ba?
Base sa mga ganitong obserbasyon at konklusyon, mayroong ilang katanungan; paano nagkaroon ng ganitong patakaran? Sino-sino ang mga pumayag sa ganitong patakaran? Ang mga dapat bang masangguni o makonsulta para sa ganitong desisyon ay nakonsulta? Ang mga kinatawan at nasa posisyon ba ay kumilos upang pag-aralan ang sitwasyon at duminig sa totoong saloobin ng kanilang mga nasasakupan? Ang kapakanan at pangangailangan ba nila ay tunay na naprotektahan at napagsilbihan sa ganitong patakaran?
Sana ay mabigyang linaw ang mga kasagutang ito, dahil hindi mapapalagay ang aking isipan sa tuwing gagamit ako ng libreng WiFi sa DLSUD. Binabayaran ng lahat ang aking WiFi, pero silang mga nagbayad, hindi man lamang makagamit.
*Unang nalathala dito
Noong nakaraang kwento ko, sinabi kong inspired akong magsulat. Pero halata naman na wala akong naisusulat. Pero sa totoo meron. Hindi lang para sa mga blogs ko pero nakapagsulat naman ako nitong mga narakaang araw.
Nariyan yung mga assignments ko, mga projects, mga konseptong papel at iba pang mga teknikal na pagsusulat. Pero sa malikhaing aspeto ng pagsusulat, wala. hehehehe
Isa sa mga dahilan ay ang kawalan ko ng internet connection tuwing gabi. Nagtitigil kasi ako ngayon sa isang dorm sa labas ng La Salle Dasma at walang internet. Walang silbi din naman ang Globe Mobile internet kaya wala din. Ayaw ko namang magpunta sa internet shops na napakadami dito sa labas ng pamantasan kasi ayaw kong gumamit ng iba pang kompyuter. Mas gusto ko pa rin ang laptop ko. Isa pa, hindi ako komportable sa paggamit ng mga pampublikong kompyuter dahil sa mga spyware na naglipana sa bawat internet shop.
Read the rest of this entry »
Dalawang linggo na lang at simula na ng pasukan. Simula na uli ng mga akademikong gawain at shempre, para sa akin, simula na muli ng mas madaming extra-curricular na gawain.
Marahil magtataka ang mga nakakakilala sa akin sa DLSUD dahil tapos na ang termino ko sa University Student Council pero bakit nasabi ko pa ring mas madami ang aking extra-curriculars ngayon.
Nariyan ang pagpapatuloy at pag-pokus ko sa mga gawaing pang-adbokasiya, partikular sa pag-oorganisa ng mga estudyante sa DLSUD upang tugunan ang mga tawag ng panahon at pagpapatuloy ng Lasalyanong misyon. Sa mga darating na araw ay ikukwento ko ito ng mas detalyado.
Sumunod naman ang panunumbalik ko sa SERVE Volunteers ng LCDC. Ang organisasyon pinagmulan naming mga nanungkulan sa USC nitong nakaraang taon. Nakakalungkot lamang na nagsipagtapos na ang mga kasabayan kong boluntir at lider-estudyante. Kung hindi ako nagkakamali, ako ang pinka-kuya ngayon sa SERVE. Sana lang ay maging maayos at produktibo ang taong ito para sa aming mga boluntir. Kung gusto nyo maging SERVE boluntir, pumunta lang kayo sa LCDC, 2nd floor ng SBC canteen at handa kaming salubungin kayo ng may libreng mamon pa. (jowk lang! pero welcome na welcome kayo mag boluntir)
Read the rest of this entry »
May bagong version na ba ng pag-ibig? Wala naman. May bagong paraan lamang ng paghahanap nito at ito ay sa pamamagitan ng internet.
Shempre nariyan na ang mga chat services tulad ng Yahoo! Messenger, mIRC atbp. Dumagdag na nga lang ngayong ang mga "social networking sites" tulad ng Friendster, MySpace, Multiply, Facebook etc. Kung hindi ako nagkakamali, bukod sa pagkakaroon ng koneksyon sa mga nawalay na kaibigan at paghahanap ng bagong kaibigan, ang mga website na ito ay naitayo upang tulungan ang mga naghahanap ng pag-ibig na matagpuan ang kanilang "true love"
Pero may mga tutol o galit pa nga sa paraang ito. Wala daw delikadesa ang babaeng nagpapaligaw sa internet at dapat ito ay ginagawa sa bahay. Bakit naman daw magpapaligaw kung sa internet mo lang nakilala ang lalakeng iyon at hindi ka nga sigurado kung tunay nga ang kanyang identity. Marami pang dahilan kung bakit tutol ang iba sa paraang ito. Pero ang hindi maipagkakaila, wala na silang magagawa pa.
Ang internet at social media ay nandito na at hindi na aalis.
Ang tanging magagawa na lamang ay makibagay, alamin ang paggamit ng mga ito at gamitin ito ng tama at para sa ikabubuti ng iyong sarili, pamilya at kapwa. Ito ay magagawa lamang kung ang internet, chat, social networking at isama na rin ang texting, ay gagamitin ng may talino at maayos na pag-iisip.
Mahirap na kasi, baka gumastos ka sa internet connection, gumugol ng napakaraming oras, dead-mahin ang mga nanliligaw sa iyo o nililigawan mo na hindi lamang sa internet nila ginagawa, padalhan mo na ng load ang ka-text mong taga malayong lugar pero sa bandang huli ay hindi rin pala mapupunta sa iyong inaasahan o kagustuhan.
Tapos iiyak ka, magmamaktol ka, magpapaka-emo ka, idadamay mo pa ang mga kaibigan mo online at offline, pupunuin mo ng emo-sh*t ang bulletin sa Friendster, magiging bitter ang mga shoutouts mo, basta!
Hindi kasi como madaling makatagpo ng magugustuhan sa internet o text ay ganun-ganun na lang. Iba pa rin ang nakikita mo ng harap-harapan, nakakausap mo ng walang headset at nakaka-holding hands mo kahit puno ng pawis ang kanyang kamay. Ang internet ay pantulong lamang sa paghahanap ng makakarelasyon, kung wagas na pag-ibig nga o panandaliang ugnayan, makakayanan mo ang lahat nang ito kung mula sa simula ay ginagamit mo ito ng tama at may malinaw na kaisipan.
Napakarami na kayang EB ang nauwi sa masalimuot na indianan. Gusto mong matulad o sawa ka na?