Tag Archives: kababaihan

Mas madali nang makakalusot ang mga rapist?

Alam ng mga nakakak­i­lala sa akin sa per­sonal ang aking malak­ing pag­tu­tol sa Vis­it­ing Forces Agree­ment, pero hindi iyon ang paksa ng post na ito. Gusto ko lang ulitin ang saloobin ni Ricky Caran­dang tungkol sa desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagpawalang-​sala kay US Cor­po­ral Daniel Smith sa kasong pang­ga­ga­hasa kay Suzette Som­bilon Nicolas.

Ayon kay G. Caran­dang, binago ng desisyon ng CA ang pros­eso ng pag-​aalam kung ang isang babae ay gina­hasa o hindi:

“Resis­tance by words (sic) of mouth does not suf­fice to estab­lish that she did not give her con­sent to the sexual inter­course, but it must be by an act done in good faith and not through a mere pre­tense or token resis­tance under the circumstance.”

Read it care­fully. The judge is not ques­tion­ing that Nicole said “no”, she is saying that she doubts that Nicole really meant it. Wow. There’s more.

“When a woman is drunk, she can hardly rise, much more stand up and dance, or she would just drop. This is a common expe­ri­ence among Fil­ipino girls.”

Mula ba sa araw na ito ay kapag sinabi ng babae na ayaw niyang makipag­ta­lik sa isang lalake, ang sim­pleng pag­tanggi sa pama­m­ag­i­tan ng mga salita lamang ay hindi na sapat at hindi kaagad-​agad pwe­deng pani­walaan ng kahit sino man, lalo na ng lalak­eng tinang­gi­han niya?

Kung ganito na ang kalakaran sa ating bansa, nagdadalawang-​isip na akong paya­gang sumama muli ang aking kas­in­ta­han at mga kap­atid na babaeng sa kani­lang mga kaibi­gan upang gumala at magsaya, lalo na ang mag-​inom ng alak.

Posted in opinyon | Tagged , | Leave a comment