Ayon sa mga huling nagbahagi sa akin ng kanilang mga saloobin tungkol sa nakakalungkot na pangyayari sa scholarship ng USC ngayon, hindi ko maiwasang malungkot din at pilit kong iniiwasan ang mag-isip ng masama sa mga bagong USC officers.
Sa kasalukuyan, mayroong 20(?) iskolar ang USC ngayon, mas mataas kumpara noong nakaraang taon. Ngunit hindi ata naging usap-usapan ang pagtaas ng bilang ng mga iskolar. Ang mas napag-uusapan ay ang mga iskolar, magulang at mga ilang administrador na nababahala at nababagabag dahil kahit nadagdagan ang bilang ng mga iskolar, nabawasan naman ang mga tunay na matutulungan nito.
Sa 17 iskolar ng nakalipas na USC, mas madami ang bilang (percentage) ng mga may "full scholarship" kumpara sa ngayon, iisa o dalawa lang daw ang nabigyan ng "full scholarship" kaya, lubhang nakakalungkot, marami-rami sa mga nakaraang iskolar ang hindi makakapag-aral ngayong pasukan, kahit na 50% ang scholarship nila. Sa lalong pagtaas ng mga bilihin, langis, matrikula at iba pa ngayong kasalukuyan, higit na kinakailangan ng mga kapos-palad nating kapwa Lasalyano ang lahat ng tulong upang ipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral. Ang pagiging iskoloar ang isa sa kanilang mga malubhang inaasahan.
Ginawa ang mga mapayapa at tamang proseso para subukang umapila sa kasalikuyang USC na sana'y mabago ang kanilang desisyon at madagdagan ang matatanggap ng mga iskolar. Ngunit, matapos ang mga pag-uusap at pakikipagdayalogo, desedido na raw ang bagong USC na kung ano ang kanilang napagdesisyunan ay yun na talaga.
Totoo na may kalayaan at karapatan ang USC na pagdesisyunan ang pagbibigay ng mga scholarships. Totoo rin na may kalayaan at karapatan silang itakda ang panuntunan at proseso sa kung sino ang mabibigyan ng scholarships.
Pero hindi ibig sabihin nito ay bahala na sila sa kung ano man ang kanilang mapagdesisyunan. Bilang mga lider-estudyante, higit na inaasahan na ang kanilang mga desisyon ay para makapaglingkod sa interes at kapakanan ng mga estudyante at alinsunod sa mga dakilang aral ni San Juan Buatista De La Salle. Read the rest of this entry »
Noon pa man ay hindi ko na pinaniwalaan ang mga pagyayabang ng pamahalaang Arroyo na lumaki ng ilang purysento ang ekonomiya ng bansa. Hibang ang taong maniniwalang totoo ito.
Kamakailan lang ay ipinagmalaki ni GMA na nakaranas ng 7.3% na paglaki ang ating ekonomiya, isang bagay na labis nilang ipinagyayabang para matakpan ang mga katiwalian sa kanyang pamamahala.
Ginagamit din ito ng kanyang mga taga suporta para patuloy na liuhin at linlangin ang taumbayan sa paghahanap nito sa katotohanan sa likod ng mga sunud-sunod na kontrobersyang kinasasangkutan ni GMA, ng kanyang pamilya at ng kanyang mga alipores. Mas mabuti na raw si GMA dahil kahit papaano ay napapalago ang ating ekonomiya.
Nakakalungkot dahil may mga taong kumakagat sa ganitong propaganda ng administrasyong Arroyo.
Kung ayaw pa rin nilang maniwala at gustong patuloy na magbulag-bulagan, heto ang isang balita na yayanig sa kanilang mundo:
THE COUNTRY'S unemployment rate worsened to 7.4 percent in January, bolstering criticisms that the growing economy has failed to create more jobs.
The unemployment rate in October 2007, when the last Labor Force Survey was conducted by the National Statistics Office, stood at 6.3 percent.
On a year-on-year basis, the latest unemployment rate eased slightly from 7.8 percent.
The NSO said the unemployment rate in January translated to 2.7 million jobless Filipinos out of the 36.4 million belonging to the labor force. In October, jobless Filipinos were estimated at 2.3 million.
The underemployment rate also rose to 18.9 percent in January from 18.1 percent in October. The NSO defines the underemployed as those who were seeking additional hours of work.
Muli nasaan ang ipinagmamalaking 7.3% economic growth na ipinagyayabang ni GMA?
Diyos ko po naman, gumising na kayo sa katotohanan!
2008 na, pero mukhang nasa panahon pa rin ng pasko at paghihiling ang AFP.
Minungkahi nito na buhayin muli ang national ID system, nang sa ganoon ay tuluyan daw masugpo ang mga rebeldeng NPA at mga terorista. Talaga lang ha?
Ang mungkahi/hiling na ito ay base sa sinabi nilang ito na raw ang pinaka-mahinang estado o kalagayan ng NPA sa loob ng 20-taon, kung saan 6,000 na lang daw ang mga aktibong rebelde na nakalat sa buong bansa.
May mga dagdag 'kahilingan' din ang militar:
Buhayin muli ang ROTC
Dagdag na P3.5 bilyong piso para sa kanilang mga programa
Karagdagang 6 na batalyong sundalo
Karagdagang 20 kompanya ng mga CAFGUs
Nahihibang na ba talaga ang militar? Kung totoo nga na ngayon na ang pinakamahinang estado ng mga NPA sa loob ng 20-taon, bakit pa nila kailangan ng karagdagang armas, pondo, sundalo at isasailalim muli ang mga kabataan sa karahasan at puno ng korupsyong mundo ng ROTC?
Marahil ibig sabihin nito ay mas malaki ang nalagas sa kanilang panig kaya humihingi sila ng mga dagdag pwersa at kagamitan. Muli, para saan ang mga pagsasanay na natatanggap nila mula sa mga Kanong sundalo? Hindi ba dapat naging mas 'efficient' at hindi matakaw sa rekurso ang operasyon ng militar dahil sa modernong pamamaraan ng pakikipaglaban?
Tapos na ang pasko, kung may hahabol man sa kanilang mga kahilingan na dapat tugunan ng pamahalaan ay wala nang iba pa kung hindi mga pampublikong paaralan at pamantasan.
Nakakatuwa talaga ang Senado ngayon, bukod sa mga pagdinig at imbestigasyon niyo sa NBN deal ay sabay din nitong pinag-aaralan ang JPEPA ang kontrobersyal na tratado o kasunduang na siyang lalong lulugmok sa ating mga Pilipino at gagawin tayong basurahan ng bansang Hapon.
Sa ganitong banda, nalulunkot ako dahil ang bansang pinagmulan ng Gundam Wing at Naruto, mga paborito kong anime, ay siya pang kumikilos upong pahirapan lalo ang Pilipinas. Hindi ba sapat na kaming mga bagets (naks) na Pinoy ay mahilig na sa mga anime? Ngayon ay gagawin pa tayong basurahan at aagawan ng mga nurses at duktor?
Mabalik tayo sa Senado kung saan muli ay nakapuntos ang mga pwersang tumututol sa JPEPA, aniya nga sa ulat mula Inquirer.net:
Senator Miriam Defensor-Santiago, chairman of the committee on foreign relations, has threatened to sit on the JPEPA and not sponsor it on the floor, which would effectively make for a diplomatic rejection of the treaty.
During the hearing, Santiago told government negotiators, headed by Trade Undersecretaries Thomas Aquino and Elmer Hernandez: “If I find it impossible to defend it on the Senate on the basis of your statement, then as chair, I will be compelled to defer submission of my committee reports. In other words, JPEPA will be dead.”
This after Senator Manuel Roxas II failed to get answers to the following questions:
What is government doing to help people take advantage of the JPEPA? “I want to know were, what, and what sectors…will be able to take this stepladder...to the window opened by the JPEPA?”
What are the benefits of the JPEPA? “[What the government presented] are pie in the sky numbers based on leads, inquiries, and letters. I want the records of the BOI [Board of Investments] and DTI [Department of Trade and Industry] of what actually came in. A lot of the decisions depend on the validity of your claims of benefits,” Roxas said.
How much did the Philippines give up to get these benefits?
“In the last hearing, I was left disappointed because it has been made clear why it is good for us…We are finished with the period of generalities. We want to move…to specifics,” Roxas said.
Mahusay hindi ba? Bravo kina Mar Roxas at Miriam Santiago. Sana nga ay magtuluy-tuloy na ang pagbabasura ng JPEPA, kung hindi man ay muling makipag negosasyon sa bansang Hapon upang linisin at gawing mas makatarungan ang kasunduang ito.
Para naman sa mga ahente ng pekeng pangulo, tama na. Wala namang may gusto sa JPEPA, kayo lang ang mapilit, bakit? Malaki ba ang pampadulas o grasyang kayo lang ang makikinabang?
Nakakatuwa ang blog entry ngayon ni Jove Francisco, hayaan nyong kopyahin, hiramin ko ang ilang mga bagay na tungkol sa pagbabago ng ihip ng hangin sa Malacanang at ang isang nakakatuwang interbyu kay Luli ang anak ng pekeng pangulo.
ERMITA: “The President would like to tell everybody that there’s really nothing wrong with all these issues and that the administration is willing to reveal all it knows about the contract.”
Wow! Parang 'Hello, Garci' ano? Ilang buwan ang rehearsal bago magpalabas ang Malacanang. Siguro naman ay kabisado na ng mga miyembro ng gabinete ang kanilang mga linya, pag-arte, at mga adlib.
Sino naman kaya ngayon ang aatakihin sa puso at maoospital? hahaha
------------
Sinasabi sa Biblya na mag-ingat sa mga pekeng propeta na magsusulputan kapag malapit na ang katapusan ng panahon na siyang lilinlang at magdadala sa atin sa kapahamakan.
Pero sabi rin ng isang guro ko dati, na hindi dapat paniwalaan ng literal ang mga nakasulat sa Bibliya, mga taong hibang lamang ang gumagawa ng ganito. (Pasintabi sa mga panatiko at deboto)
Sa isang banda, parehong tama ang Bibliya at ang aking dating guro, may mga pekeng propeta at ngayo'y pekeng pangulo. Pakinggan natin; (o basahin)
PGMA: “OUR ATTENTION MUST BE FOCUSED AS OUR ENERGIES MUST BE SPENT ON ACTIVITIES THAT DO GET COMPUTED IN THE GDP. UNFORTUNATELY FOR SOME, MERE EXERCISE OF VOCAL CHORDS IS ALREADY A HARD LABOR. YES, POLITICAL CIRCUSES ARE ENTERTAINING. BUT THESE SHOULD NOT DISSIPATE OUR ENERGIES THE WAY THEY CONSUME THOSE WHO STAGE THEM. LET’S FOCUS ON THINGS THAT MATTER MOST, THE THINGS THAT OUR PEOPLE WANT: JOBS, HEALTH, EDUCATION….THIS IS WHAT GOVERNMENT HAS STAYED FOCUSED ON WHAT FILIPINOS YEARN FOR MOST. WE’RE TIRED OF POLITICAL DRAMA AND SOCIAL INSTABILITY. WE’RE ENTERING AN ERA WHERE THE VAST MAJORITY CAN HAVE A PREDICTABLE FUTURE AND A STEADY JOB IN THE KNOWLEDGE CENTURY…LET’S NOT BE DISTRACTED OR DISTRESSED BY VAUDEVILLE ACTS THAT APPEAL TO OUR WORST FEARS, WHEN WE CAN BE INSPIRED BY WHAT OUR ECONOMY IS SHOWING THAT APPEALS TO OUR BEST HOPES.”
Ito ay kanyang talumpati bilang reaksyon sa mga iskandalong naganap sa Senado tungkol sa NBN contract na iniimbestigahan ng mga Senador. Dito rin binulgar ni JDV3 na hindi lang pala si Abalos ang sangkot, kasama rin ang First Gentleman na Mike Arroyo sa kontrobersyal at maanomalyang kontratang ito.
Magkaganoon man, malinaw na nililinlang tayo ng pekeng pangulo, at pilit na pinaniniwalang dadalhin niya tayo sa kanyang "Enchanted Kingdom" (Abangan)
Pero hindi lang sa pekeng pangulo ka malilito, mabubuang at matatawa kapag nakinig ka. Pati ang kanyang anak, ika-dudugo ng iyong tenga kapag narinig mo siyang sumagot sa mga ilang tanong sa kanya.
(How did you deal with yesterday’s revelations at the senate)
Well ako personally ako nakakainis kasi parang ano, kami na naman yung nakita niyo, eh nananahimik na nga kami na, eh mula sa simula pa lang ng political career ng nanay ko hindi tlaga kami nakikialam sa govt contracts. Ewan ko sa kanya. I mean, ako I don’t use my parents’ influence to get govt contracts. Ewan ko sa kanya. So to me, I mean, don’t..just because you fail in your business practices don’t blame it on innocent people here. So parang, kakainis ka naman noh. But, I mean, what can we do? Ganyan talaga yung… I don’t know. I don’t know if his old drug use affected his thinking but– whatever! I mean, tawa na lang kami diba? I mean kami na naman what else is new?
Naiinis kayo dahil kayo na naman? Hahaha, aba'y sino bang pumipirma sa mga kontrata na pinapasukan ng gobyerno?
(what do you say to allegations that your dad purposely went abroad to evade this)
For me that’s again grasping at straws as thin as his hairline. You know? I mean, my Dad and I, we were talking about several trips that we were gonna do over the next couple of months. I also travel a lot. So do my parents. So we were talking about, oh where are you going, ganyan ganyan. And my dad was saying, o aalis ka na naman—referring to me. So he was even complaining about my travelling. So I really think it’s unfair. Just because they don’t know the whole picture, because we do have our private lives. I mean they shouldn’t impute things they don’t know.
Wala namang masama sa paglilibot sa ibang lugar. Ang masama kapag ang pera ng taumbayan ang ginagamit sa paglilibot, o di kaya'y dinadala niyo sa kung saan mang banko para itago at kamkamin.
(how do you think this will affect the political relationship of your mom with the speaker)
Well to me, well there’s no change in the way my mother runs govt. She’s focused on that. With the speaker and his son, I mean, that‘s their problem That’s really his problem. We don’t wanna meddle there. So sila yung may problema hindi kami.
Hahaha! Tama ka, kasi wala talaga kayong problema, kayo ang problema! hahahaha!!11
(how’s your dad taking these things? Anong sabi niya sa iyo)
He’s ano na lang. Parang nakakainis na nakakatawa. He’s like, hay naku it’s me again. Can’t they see other people? I’m thin na nga. I’m a smaller target pero ako pa rin.
Mawalang-galang na FGMA, sino ang payat?! *ehem* Paanong naging "smaller target" ka eh, kung saan-saan ka nakikita, sa Hong Kong, sa Wack Wack, sa Germany, sa Venice, atbp at kung sinu-sinong tao na makati sa mata ng publiko ang nakikitang kasama mo?
(when is he coming back)
He’ll come back soon. But for me, the only thing important for me is to leave him in peace and let him enjoy naman his holiday.
Babalik yan pagkatapos ng mga hearing sa Senado o kaya ay tuluyan nang malito at mawalan ng interes ang taumbayan sa mga hearing. Dahil sisimulan na ang 'palabas' ng Malacanang.
(gusto siyang i-subpoena ng senate)
Well the senate, they have their own rules and I leave it to them. And we have nothing to hide.
(di d ur mom sleep well last night)
Yeah we’re fine! I mean there’s really no problem there. I think I get more inis because she’s used to it eh. To me it’s really just frustrating that we’re doing so well and they’re looking for things that are not there. So gawa na lang sila ng kwento.
Ako rin may isang kwento, ang pamagat niya ay "Hello, Garci." May maiksing video pa nga ako e.