Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘karapatang pantao’ tag

Paggunita sa ika-35 taon anibersaryo ng Martial Law

with 11 comments

35 taon na ang nakali­pas mula nang idineklara ng dik­tadu­rang Marcos ang Batas Mil­i­tar o Mar­tial Law sa Pilip­inas upang sug­puin ang mga pwer­sang nais mag­pabagsak sa pasis­tang si Fer­di­nand Marcos at wakasan ang pag­pa­pahi­rap sa mama­mayang Pilipino.

Dahil sa Batas Mil­i­tar, daan-​daan ang nabi­langgo, tinortyur, pinaslang, at nala­pas­tan­gan ang mga kara­p­atang sibil at pang­tao. 35 taon na ang nakali­pas ngunit tila walang pinagkaiba ang pana­hong kasalukuyan. Halos 900 kaso na ng paglabag sa kara­p­atang pantao, mga pinaslang na mamama­hayag, mga aktibista, mga estudyante at lider-​manggagawa ang hang­gang sa ngayon ay nawawala.

Pat­u­loy pa rin ang giyera sa Min­danao kung saan libu-​libong mga Muslim ang naghi­hi­rap. Hang­gang sa ngayon, ang mga bik­tima ng pang-​aabuso ng pasis­tang rehi­meng Marcos ay pat­u­loy na nagha­hanap ng hus­tisya. Mas nakakalungkot pa nito'y ang mga tulad nilang bik­tima ng gara­palang pang-​aabuso sa kara­p­atang pantao ay nadadagda­gan pa.

May mga nagsasabi na hindi naman buma­lik ang pana­hon ng Mar­tial Law, tama sila, sapagkat wala namang deklarasyon mula sa pekeng pan­gulo na nagsasabi nga ng ganito. Ngunit, sa istilo ng paggamit sa kinamkam na kapang­yari­han, sa mga polisiya at batas na ipinasa ng admin­is­trasy­ong Arroyo, hindi na nga kailan­gan ng deklarasyon ng Batas Mil­i­tar, dahil sa kabu­uang epekto ng mga ito, wala nang pinagkaiba ang kala­gayan ng bansa 35 limang taon na ang nakalipas.

Nariyan ang EO 464, PD 1017, "No Permit, No rally", ang mga polit­i­cal har­ras­ment sa mga pro­gre­sibo at maka-​kaliwang mam­ba­batas, at ngayon ang huling ele­mento sa pag­si­sis­tem­a­tisa ng 'Mar­tial Rule' ang Human Secu­rity Act of 2007 o ang Anti-​Terrorism Law. Kung buhay si Marcos ngayon, sa aking pala­gay ay mama­mangha siya sa nagawa ni GMA. "Small but ter­ror­ist, ter­ri­ble" ika nga.

Kaya nga kahit 35 limang taon na ang nakali­pas, hindi lamang ang mga mapangabu­song gawain ni Marcos ang nabibi­gyan ng buhay at nanunum­ba­lik sa ating mga alaala. Kung hindi, ang mga pagk­i­los na ginawa ng mga mang­ga­gawa, mar­alita, kabataan, layko at reli­hiyoso at lahat ng lum­a­ban sa dik­tadura at pasis­tang rehi­men ni Marcos.

Par­tiku­lar dito ang isang men­sahe at talumpati ng isa sa mga tanyag na lider-​manggagawa na buong tapang, lakas, at tal­i­nong lum­a­ban sa dik­ta­dor, at sa huli'y buhay niya ang naging kapalit. Ang tin­u­tukoy ko ay ang men­sahe ni Felixberto Olalia, Sr. sa huling araw ng kanyang huling araw ng pag-​aayuno sa Plaza Roma noong ika-4 ng Disyem­bre, 1983. Mula ito sa librong "20 Speeches that Moved a Nation" - mga koleksyon ng mga talumpat­ing naglalarawan ng maku­lay na kasaysayan ng Pilip­inas at ang maya­mang tradisyon ng mga Pilipino sa pakikipag­talumpati - ni Manuel Quezon III, o MLQ3.

Sa kanyang talumpati o men­sahe na pina­mata­gang "Men­sahe sa Limang-​araw na Pag-​aayuno Para sa Pag­pa­palaya ng Lahat ng Detenidong Lider-​manggagawa at iba pang Bilang­gong Poli­tikal" gin­unita niya ang tula ng isang rebo­lusyu­naryo, ni Mano de Ver­dades Posadas upang isalarawan ang kala­gayan ng Pilip­inas noong pana­hon ng Batas Mil­i­tar, isang malaki at malawak na bartolina:

Gapos sa kamay, piring sa mata;
Suntok, bayo, tadyak, sampal,
Iniksyon, kuryente, hipo, sakal,
Plantsa, pang­gugutom,
pang­ga­ga­hasa.
Buhos ng tubig o paso ng sigar­i­lyo;
At pagkat­a­pos ay ilan­taong
pagkaku­long
Nang walang paglili­tis o
wala man lang kaso.
Ganito ang pinai­iral na kala­gayan
Sa bar­tolina ng piitang kapuluan.

Sa ban­dang huli ng kanyang men­sahe, kung saan hin­imok niya ang mga mama­mayan na kumi­los at lum­a­ban muli niyang gin­unita ang isa pang tula, muli ni Mano de Ver­dades Posadas:

Ang pagkakapiit
Sa halos pusikit
Na karim­lan
Ay di dhilan
Upang tayo'y
Sa kababaan ng kisame
Huwag na tayong dumapa
Sa malamig na sahig;
Sa kali­itan ng silid,
Huwag na tayong sumik­sik
Sa suok at humalukip­kip.
Ang pagkaku­long
Sa pana­hong
Wari'y di matat­a­pos
Ay di dapat makau­pos
Sa ating pagk­i­los
Tungo sa paghu­lag­pos
Upang lalong makakilos.

Maku­lay, makubu­luhan at hang­gang sa ngayon ay nana­natil­ing tumpak sa ating kasalukuyang kala­gayan ang mga tulang ito, kahit na 35 taon na ang nakali­pas. Hang­gang kailan pa kaya ito mag­tata­gal? Hang­gang kailan pa natin ito hahayaan? Kapag tayo o ang ating mga mahal sa buhay ay bigla na lang rin maglalaho?

Para wakasan ang munt­ing pag­baba­hagi na ito, isang dalan­gin ang aking iaalay, para sa mga naging bik­tima ng kara­hasan at pan­gaabuso sa mga kara­p­atang pantao noong pana­hon ng Batas Mil­i­tar at ngay­ong sa pana­hong kasalukuyan:

Written by jhay

September 21st, 2007 at 8:00 am

Hipokrito ang militar

with 4 comments

Noong nakaraang Hunyo ay nagka­roon ng isang forum sa Paman­tasang De La Salle Das­mariñas tungkol sa komu­nismo sa Timog-​Katagalugan. Ito ay pinagsamang proyekto ng Kole­hiyo ng Malalayang Sining, Kole­hiyo ng Pag­pa­p­atu­pad ng Batas at Cavite Stud­ies Center.

Bidang ispiker ang mga kuman­der ng South­ern Luzon Com­mand - AFP sa nat­u­rang forum na dinaluhan ng mga mag-​aaral na kumukuha ng Krim­i­nolo­hiya, Agham Puli­tika, at mga pakul­dad mula sa Depar­ta­mento ng Agham Pan­lipunan, atbp.

Kasama ko sina Sir Edwin at Sir Lukcy mula sa Sentro sa Pag­pa­paun­lad ng Pamayanang Lasalyano o Lasal­lian Com­mu­nity Devel­op­ment Center at ang Pan­gulo ng Uni­ver­sity Stu­dent Coun­cil na si JM Amihan upang makinig sa pre­sen­ta­syon ng mga sun­da­long nakata­laga sa Kabite. Ang kani­lang paksa ay tungkol sa "banta ng komu­nismo" sa Timog-​Katagalugan. Ang mga forum na ito ay bahagi mala­mang ng kam­pa­nya ng AFP laban sa inser­gensi at komu­nismo, par­tiku­lar ang pagkakalat ng pro­pa­ganda, este "edu­ca­tional forums" upang "mali­wana­gan" ang mga mag-​aaral at kabataan tungkol sa Komu­nismo sa Pilipinas.

Baga­man hindi namin nasim­u­lan ang pro­grama, nala­man namin na naglek­tyur ang mga mil­i­tar tungkol sa kung ano Komu­nismo, sinu-​sino ang mga Komu­nista, at paano sila kumik­i­los upang makamit ang kani­lang mga layunin. Bagay na hindi papaya­gan ng estado, sim­ba­han at militar.

Hindi ko na idede­talye ang mga sinabi ng mga mil­i­tar mula sa Southern-​Luzon Com­mand dahil shempre, ito ay may bias sa kanila. Ilan lamang sa mga bagay na iki­nalaglag ko sa aking upuan dahil sa kakatawa ay ang mga sumusunod:

Dito ako labis na natawa dahil nakita mismo ng mga guro, admin­istrador at pakul­dad na naroon sa forum kung paano ito harap-​harapang nila­pas­tan­gan ng mga kuman­der mula sa Southern-​Luzon command.

Nang­yari ito nang sin­im­u­lan ang open forum at nag­tanong ang isa sa mga guro. Bakit daw mas malaki ang gina­gas­tos ng gob­y­erno sa PMA saman­ta­lang paliit nang paliit ang badyet para sa UP at iba pang pam­pub­likong paman­tasan at kolehiyo?

Dahil "nahuli" sa tanong na iyon, at medyo nagka­mali sa bari­rala o gram­mar ang nat­u­rang guro kung saan nasabi niya na nasa ilalim ng DepEd ang PMA na siya namang itin­uwid ng hen­eral sa paraang ganito:

Tuwing mag­pa­p­at­u­loy sa pag­tatanong ang guro mula sa De La Salle, magsasalita din ang hen­eral sa mas malakas at mataas na tono ng pananalita. Dagda­gan pa ng paggamit ng mikro­pono at tala­gang hindi na nar­inig ang boses ng gurong nag­tatanong lang naman.

Dahil dito, hindi na naka­pagsalita pa ang nat­u­rang guro, samakatuwid, nila­pas­tan­gan ng AFP ang kanyang kara­p­atang maka­pagsalita at maka­paghayag ng kanyang saloobin.

"We in the AFP are among the first to respect and uphold Human Rights and other demo­c­ra­tic freedoms."

Kaloko­han!

Ang mas nakakalungkot pa nito, ni wala man lang kahit isa mula sa mga pakul­dad, admin­istrador na mula sa De La Salle Das­mariñas ang tumu­long at umalalay sa kani­lang "col­league" na sa harap nila mismo, sa sarili nilang paman­tasan ay binas­tos at nila­pas­tan­gan ang mga karapatan.

Sa halip, tango at tango muli ang kani­lang gina­gawa sa bawat sinasabi ng mga mil­i­tar. Tsk tsk tsk

Ang lalakas pa namang tawa­gin ang mga sar­il­ing "Lasallians."

Written by jhay

July 19th, 2007 at 7:56 pm

Posted in karapatang pantao,opinyon

Tagged with , ,