Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘KFC’ tag

Jollibee vs KFC Mascot sa pagsayaw ng “Nobody”

with 2 comments

Isang pata­las­tas muna para kahit papaano ay mapawi ang pagod, pangamba, hinag­pis at paghi­hi­rap ngay­ong dinaranas natin ang mga kalami­dad na idin­u­lot ng bagy­ong Ondoy.

Ang video ay kinuha bago dumat­ing ang bagy­ong Ondoy, pero mag­a­n­dang hal­im­bawa na kahit kung ang mga magkakaribal sa indus­triya ng pagkain ay kayang magsama sa isang gawain, kayang-​kaya ng mga Pilipino na magkaisa para makat­u­long sa mga nan­gan­gailan­gang kababayan.

Ang hindi ko lang masik­mura ay ang hindi pag­tu­long ng Jol­libee branch sa Kalin­isan, Bacoor, Kabite sa mga taong nagha­hanap ng masisilun­gan noong kasagsagan ng bagy­ong Ondoy. Sabi ng aking kaibi­gan na mis­mong nakakita nito, pinaalis daw ang mga taong sum­i­long sa loob ng Jol­libee kahit na matindi ang ulan sa labas at halos umabot sa dibdib ang baha.

Nakaka­suk­lam! Naturingang ang Jol­libee ay tubong-​Pinas at Pilipino ang may-​ari nito.

Written by jhay

September 29th, 2009 at 7:19 am

Posted in Uncategorized

Tagged with , ,