Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘kidnapping’ tag

Simpleng putukan?

without comments

Kakaiba tala­gang mag-​isip ang AFP. Ang mga pag­pa­paputok nila ng mga mortar noong nakaraang araw ng Linggo sa Sulu sa lugar na mala­pit daw sa kung saan nag­tatago ang mga kumid­nap kay Ces Drilon at mga kasama nito ay walang kinala­man sa kid­nap­ping at isang sim­pleng operasyon kontra sa Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah na umano'y nagkataong naroon din sa pare­hong lugar.

Dahil dito, naglabas ng ulti­ma­tum ang mga kid­nap­pers ni Ces Drilon na mamayang tang­hali ang palugit para ibigay sa kanila ang hini­hing­ing ransom money. Ang galing talaga ng AFP! Tila ba dahil ibang mga tao daw ang kani­lang target ay hindi na makakaapekto ang kani­lang mga operasyon sa sit­wasyon sa lugar na iyon. Sa pala­gay ba nila ay nasa ibang dimen­syon ang mga kid­nap­pers ni Ces Drilon at hindi sila maaapek­tuhan o tamaan ng mga pag­paputok nila ng mortar?

Ang nakakai­nis at nakakatawang reaksyon ng AFP:

Brig. Gen. Juan­cho Sabban, chief of the antiter­ror­ist Task Force Comet, told reporters late Sunday after­noon there were no mil­i­tary oper­a­tions against Drilon’s kid­nap­pers and that the shelling and troop move­ment were part of a “drill in an actual situation.”

“We just like them to feel the mil­i­tary pres­ence in the area,” Sabban said.

He also said the activ­i­ties were just a "rehearsal.

Rehearsal?! Prak­tis lang?! Ano yun, baril-​barilan? Kapag may sibilyang tina­maan, at meron ngang mga isin­u­god sa ospi­tal saman­ta­lang daan-​daang pam­ilya ang napa­likas, ay sasabi­hin nilang, "time-​out" muna?

Mula dito ay mali­naw na hindi nakakat­u­long sa kapakanan ng taum­bayan at mga sibilyan ang AFP, sadyang nakakalungkot ang gani­tong sit­wasyon. Dalan­gin kong matauhan ang mga pinuno ng AFP at buma­lik sila sa tunay nilang tungkulin, ang paglingku­ran at pro­tek­ta­han ang mama­mayang Pilipino, hindi ang gawing "rehearsal area" ang kani­lang mga tahanan.

Written by jhay

June 17th, 2008 at 6:00 am