Julius Rocas » Korte Suprema

Ang martsa para mag-apila sa Korte Suprema
Kabado kaming dalawa ng aking kasama dahil alas-otso na ng umaga ay nasa Bacoor, Kabite pa rin kami. Akala ko nga, kaya matindi ang trapik ay mayroong mga checkpoints muli sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-way. Hinahanap muli kaming mga taga De La Salle Dasmarinas upang harangin at pigilang makapunta sa Adamson University kung saan magtatagpo-tagpo ang mga grupo, estudyante, relihiyoso at iba pa na sasama sa mga Senador na magsasampa ng kanilang apila sa desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ni Romulo Neri patungkol sa "executive privilege."

Pero bakit ba kailangan kami o kahit sino pa mang papunta sa pagtitipong iyon ay harangin. Hindi naman iyon rali, maglalakad lang naman mula Adamson University hanggang Korte Suprema, magsusumite ng apila sina Sen. Alan Peter Cayetano at Nonoy Aguino at ayun, tapos na. Uuwi na kami.

At ganoon nga ang nangyari. Malapit nang mag alas-10 ng umaga nang makarating kaming dalawa sa Adamson University. Akala nga namin ay nakaalis na sila papuntang Padre Faura kung saan naroon ang Korte Suprema. Nakalagay kasi sa imbitasyon na natanggap ko mula sa Lasallian Justice and Peace Commission ay ala-8 ng umaga ang pagtitipon at maagang pupunta ng Korte Suprema.

Mabait talaga ang Diyos sa mga naninindigan para sa katotohanan dahil sakto lamang ang aming dating. Nagkatipon-tipon na ang mga taga suporta at mga nagmamalasakit na grupo at handa nang maglakad papuntang Korte Suprema.

Hindi naman sobra ng dami ang mga taong naroon. Sa aking pagtaya, humigit kumulang 300-500 katao ang nagtipon-tipon roon kaninang umaga.

Kaya madali naming nakita ang mga kasamahan naming Lasalyano mula sa De La Salle Manila, La Salle Provincialate at College of St Benilde, na kumpleto pa sa mga dalang parapelnalya at mga tarpaulin na naglalaman ng mga tema, saloobin at mensahe para sa okasyong ito.

Bukod sa mga pamilyar nang mukha mula sa De La Salle, naroona ng mga bigating tao sa hanay ng paghahanap para sa katotohanan sa likod ng NBN scandal. Naroon ang batikang aktor na si Pen Medina, ang tagapagsalita ng UNO na si Adel Tamano, Sen. Alan Peter Cayetano, Sen Benigno "Noynoy" Aquino III at shempre si Jun Lozada.

Nakasama rin namin sina Congresswoman Riza Hontiveros Baraquel, Fr. Joe Dizon at Bro Armin Luistro, FSC.

Bandang 10:30 ng umaga ay nagsimula na kaming humanay, dalhin ang mga parapelnalya at maglakad papuntang Korte Suprema.

Habang nasa daan at nasisikatan ng init ng araw, masigla, masaya at puno ng pag-asa ang bawat isa habang naglalakad. Dahil sa paligid namin, sa mga bangketa ng Manila, madaming mga tao ang kahit naabala ng mabigat na trapiko ay hindi nagsalita ng masama laban sa amin. Ang iba pa nga ay nakikisabay din sa aming mga hiyaw at pananawagan. Totoong buong bansa ay gusto nang malaman ang katotohanan. Ang tanging paraan sa ngayon ay magsalita si Neri sa mga imbestigasyon ng Senado.

Marahil kaya hindi masyadong nagalit o naiinis ang mga taong nasa paligid ay dahil sa tama, wasto, ligal at mapayapa ang aming pagkilos. Ito ay tama at wasto dahil ang paninindigan sa katotohanan ay sadyang dakilang bagay. Ito ay ligal at mapayapa dahil hindi kami nagtipon doon para mag-rali, nagtipon-tipon kami doon para sama-samang ipakita ang aming suporta sa mga tama, ligal at demokratikong proseso para maresolba ang mga isyung katulad nito.

Pero may isang malaking babala. Tulad ng ilang panawagan ng mga aming mga kasamahan mula sa UMDJ, kung dadayain ang prosesong ito, humanda talaga sila sa pwersa ng taumbayan. Sa bandang huli, maagang natapos ang pagtitipon dahil maayos namang na-isumite nina Sen Cayetano at Sen Aquino III ang apila ng Senado sa Neri vs Senate Committees.

At para sa pagwawakas, narito ang isang video ng mga pangyayari matapos ngang ma-isumite sa Korte Suprema ang apila ng Senado:

<object width="425" height="355"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/qJ3UYGBeG_M&hl=en"></param><param name="wmode" value="transparent"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/qJ3UYGBeG_M&hl=en" type="application/x-shockwave-flash" wmode="transparent" width="425" height="355"></embed></object>

Ayon sa huling balita, April 15 pag-didiskusyunan ng Korte Suprema ang apilang ito ng Senado. Hanggang sa araw na iyon mula ngayon, ang mata ng taumbayan ay muli ngayong nakatitig sa Korte Suprema. Nawa'y pagpalain sila ng Maylikha.

Related Posts

Korte Suprema napasok na rin ng kasamaan

Kapag kulang sa gamit ang mga bumbero, kawawa ang tao

Pork Barrel sa Kamara, Public Opinion sa Senado

Round 2 para sa mga anti-JPEPA! Huray!

Korte Suprema napasok na rin ng kasamaan
Naglabas na rin ng desisyon ang Korte Suprema sa petisyon ni Sec Romulo Neri. Dito hiniling niya na pagbawalan ang Senado na arestuhin siya dahil sa paggamit niya ng "executive privilege" para hindi sagutin ang mga tanong ng mga Senador na nag-iimbestiga tungkol sa natigil at kontrobersyal na NBN-ZTE deal.

Ang desisyon: 9-6 pabor kay Neri. Tuwang-tuwa malamang ang Malakanyang sa desisyong ito ng Korte Suprema.

Sadyang nakakalungkot at nakakabahala dahil ang desisyong ito ng Korte Suprema ay may halong kontrobersya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN ganito ang nangyari sa botohan at pagsusulat ng desisyon:

The majority ruling was penned by SC Associate Justice Teresita de Castro.

She was supported in her decision by Associate Justices Renato Corona, Minita Chico-Nazario, Presbitero Velasco, Antonio Nachura, Dante Tinga, Arturo Brion, Leonardo Quisumbing, and Ruben Reyes.

The six who dissented were: Chief Justice Reynato Puno; Associate Justices Antonio Carpio, Adolfo Azcuna, Conchita Carpio-Morales, Alicia Martinez, Consuelo Ynares-Santiago.

Associate Justice Ynares-Santiago was actually on leave during today’s deliberations, but she left her dissenting vote.

Malinaw na ang mga bumoto para paboran si Neri ay ang mga Ass Justices na itinalaga ni Gloria Macapagal-Arroyo sa Korte Suprema. Sang-ayon ako sa obserbasyon ni Atty Vincula:

There is an unsurprising lack of shame in Brion voting on a petition where he did not participate and where popular sentiment held that his appointment was precisely to forestall the effects of a Velasco inhibition.  There is also an uncharacteristic lack of delicadeza in De Castro writing for the majority, where her appointment was clearly seen as a reward for convicting Estrada.

This vote, coming on the heels of the 10-4 vote in the Chavez decision, shows just how much headway the Gloria appointees are making in controlling the court.  If she lasts until 2010, Gloria Arroyo would have appointed all but one of the Justices (Puno is the exception;  but since she  appointed Puno Chief Justice,  technically she could be considered to have appointed all the Justices).

How's that for separation of powers?  Checks and balances, anyone?

Sinasabing magandang ugali nating mga Pilipino ang pagpapahalaga sa "utang na loob" pero sa pagkakataong ito, hindi naging maganda ang bunga ng kaugaliang ito.

Hindi pa inilalabas ang kopya ng desisyon ng Korte Suprema kaya masyado pang maaga para magibay ng dagdag na komento, pero ang isa sa dapat talagang abangan ay ang salungat na opinyon ni Chief Justice Reynato Puno na di-umano'y umabot sa 100 pahina! Malamang, mula dito ay pwedeng bumase ang Senado sa mga susunod na hakbang na gagawin nila.

Sa kabilang banda, isa ito sa mga dagdag na dahilan upang ipagpatuloy at lalong pagigtingin ang malawakang kilos-protesta at mobilisasyon na pangungunahan ng mga kabataan. Kung noon ay sinasabing huminahon muna at idaan sa tamang proseso, ngayon ay hindi na.

Nakita na ng taumbayan at ng mga kabataan na ang mga mapayapa, demokratiko at ligal na paraan ay unti-unti nang nababahiran ng kasamaan, korupsyon at kabuktutan, wala nang iniiwang pagkakataon kung hindi ang direktang kumilos para sa paghahanap ng katotohanan at katarungan.

Tandaan natin ang isang kasabihan; "Kung ayaw sa Santong dasalan, idaan sa Santong paspasan."

Related Posts

Ang martsa para mag-apila sa Korte Suprema

Sinong paaralan ang tatanggap kay Abalos?

Lango sa kapangyarihan

Simulan na ang palabas sa Senado

Pork Barrel sa Kamara, Public Opinion sa Senado