Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘kwento’ tag

MacArthur ni Bob Ong – Simple lang pala ang istorya

with 30 comments

MacArthur by Bob OngKan­i­nang hapon, habang walang magawa sa bahay at nag­sawa ng kaunti sa inter­net, binasa ko ang librong MacArthur na isin­u­lat ni Bob Ong. Ito ata ang pinakabagong libro niya, kung hindi ako nagkakamali.

Manipis lang ang libro at mabilis ang daloy ng isto­rya kaya nat­a­pos ko ito sa loob ng isa at kala­hat­ing oras.

Mahusay ang pagkaka­su­lat, lalo na sa mga eksena at mga karak­ter sa libro. Parang nakikinig ako ng mga awitin ng Eraser­heads o River­maya dahil hindi nagkakalayo ang buhay, sit­wasyon at karanasan ko sa mga nang­yari, nai­isip, nararanasan at pinag­daanan ng mga karak­ter sa libro.

Pero pa hindi ako nag­do­droga, nang-​agaw ng mga celfon at alahas, o nag­nakaw sa mga kapit­ba­hay. Ang ibig kong sabi­hin ay kapareho ko ang mga karak­ter sa libro sa pun­tong, sa aming kabataan ay kay dami nang prob­lema at suli­ran­ing kinaka­harap, ginusto man namin o hindi.
Read the rest of this entry »

Written by jhay

September 22nd, 2008 at 11:42 pm