Julius Rocas » Libro

MacArthur ni Bob Ong – Simple lang pala ang istorya
Kaninang hapon, habang walang magawa sa bahay at nagsawa ng kaunti sa internet, binasa ko ang librong MacArthur na isinulat ni Bob Ong. Ito ata ang pinakabagong libro niya, kung hindi ako nagkakamali.

Manipis lang ang libro at mabilis ang daloy ng istorya kaya natapos ko ito sa loob ng isa at kalahating oras.

Mahusay ang pagkakasulat, lalo na sa mga eksena at mga karakter sa libro. Parang nakikinig ako ng mga awitin ng Eraserheads o Rivermaya dahil hindi nagkakalayo ang buhay, sitwasyon at karanasan ko sa mga nangyari, naiisip, nararanasan at pinagdaanan ng mga karakter sa libro.

Pero pa hindi ako nagdodroga, nang-agaw ng mga celfon at alahas, o nagnakaw sa mga kapitbahay. Ang ibig kong sabihin ay kapareho ko ang mga karakter sa libro sa puntong, sa aming kabataan ay kay dami nang problema at suliraning kinakaharap, ginusto man namin o hindi.

Sa gitna nito, naroon ang paghahanap ng katwiran sa mga bagay-bagay sa mundo, ang halaga at dahilan kung bakit nabuhay at higit sa lahat ang pagkakaroon ng mga pangarap sa buhay, gaano man kasimple o engrande, at kung paano ito mabibigyang katuparan.

Tulad ng dati, natawa talaga ako sa mga hirit, linya at mga pangangatwiran ng mga karakter sa libro tulad ng sumusunod:

"O, nasan ni Noel?" tanong ni Cyrus.

"Umuwi sa inyo. Magtitikol."

"Ano?"

"Maliligo daw muna sya."

Mahusay din ang pagsasalarawan ni Bob Ong sa mga lugar sa kwento, ang mga eskinita, ang palengke, ang squatters' area, at ang public CR. Detalyado at malupet din ang pagkakasulat ni Bob Ong sa mga pangyayaring aksyon, mga naiisip ng mga karakter at ang mga nararanasan nila. Ramdam mo ang mga bawat suntok ng buwayang pulis kay Cyrus, pero bago yun, ang pagbaliktad ng iyong sikmura matapos lunukin niya ang pakete ng shabu na nahulog sa inidorong barado at puno ng "champoradong" gawa ng bituka ng tao.

Anu't ano pa man, ang katapusan ng kwento ay simple lang. Matapos ang lahat-lahat ng kaguluhan, katarantaduhan, pagsubok, suliranin at pagkakamaling nagawa ng mga karakter, bumalik sila sa kanilang pinagmulan at tila ba, magiging maayos na din ang lahat kahit hindi ito pinag-usapan para magawan ng solusyon. Basta ganoon na lang nagtapos ang kwento.

Walang kamatayang "the prodigal son" na gustung-gusto ng mga konserbatibong relihiyoso at matatanda.

Pero hayaan na lang, mahusay naman ang pagkakasulat ni Bob Ong sa MacArthur.

Sunod naman ang Stainless Longganisa...

Random posts

Litratong Pinoy: Bulaklak

Simula ng student power sa DLSUD

Hindi nakasasapat ang pera

Ticket sa John Mayer Live in Manila pang-enrol ko na

Mainit na naman!