Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay
Archive for the ‘media’ tag
Ganoon talaga minsan, may mga panahong ang mga taong inaasahan na maalam at mapanuri sa pag-iisip ay nakukulangan o nasosobrahan nito.

Kaya mga bata, makinig sa sinasabi ng mga guro na huwag basta paniwalaan ang inyong mga nababasa, lalo na sa Internet.
Congrats sa Mosquito Press!
Ngayon ko lang napagtanto, mula nang nakaraang eleksyon noong Mayo 2010, lagi na lang napag-uusapan o napupunta sa atensyon ng publiko ang pagkilos ng Media. Kung paano nila ginagampanan ang kanilang trabaho at kilos sa paghahatid ng mga balita.
Nagsimula ito sa pagiging biased o may pagkiling ng ilang malalaking Media sa mga kumandidato sa pagka-Presidente noong nakaraang eleksyon. Nariyan ang ABS-CBN at ang pagkiling nito kay Presidente Noynoy Aquino. Kaya nga karamihan sa mga miyembro ng kanyang Communications Group ay galing at konektado sa ABS-CBN.
Sumunod naman ang pagkukulang at pagmamalabis ng Media sa coverage ng August 23, 2010 hostage taking tragedy. Lumabas na ang ulat ng IIRC at sinasabing may mga pagkukulang din, hindi lamang ang kapulisan, ang Media na tumulak sa madugong pagtatapos ng krisis na iyon.
Ngayon naman, ang panawagan sa Media na igalang ang karapatang mapag-isa o privacy ng ina ni George Francis, ang sanggol na iniwan sa basurahan sa isang eroplano ng Gulf Air noong isang linggo.
Hindi ganito noong nasa Malacanan pa si GMA. Dahil nga galit at suklam ang buong bayan sa kanya, ayos lang na pagpiyestahan ng media ang bawat kilos nito at ng Mike Arroyo. Pero ngayong wala na si GMA, nakikita na ng mga tao ang ibang mali at baluktot sa ating lipunan. Bukod sa mga bulok na institusyon ng gobyerno, nakikita na rin natin ang mga mali at baluktot na gawain ng Media.
Sa paghahangad na makakuha ng ekslusibo at mabentang balita, madaling makalimutan ng media ang dignidad at mga karapatan ng mga indibidwal. Nalilimutan agad ang mga ethical standards of journalism, na sila mismo ang bumabaliwala. Samantalang napakalakas at napaka-ingay nila kapag sila ang naiipit.
Ang mas nakakadismaya, lahat ng ito ay ginagawa umano nila para sa "katotohanan" at "paglilingkod sa bayan."
Kakaiba talagang mag-isip ang AFP. Ang mga pagpapaputok nila ng mga mortar noong nakaraang araw ng Linggo sa Sulu sa lugar na malapit daw sa kung saan nagtatago ang mga kumidnap kay Ces Drilon at mga kasama nito ay walang kinalaman sa kidnapping at isang simpleng operasyon kontra sa Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah na umano'y nagkataong naroon din sa parehong lugar.
Dahil dito, naglabas ng ultimatum ang mga kidnappers ni Ces Drilon na mamayang tanghali ang palugit para ibigay sa kanila ang hinihinging ransom money. Ang galing talaga ng AFP! Tila ba dahil ibang mga tao daw ang kanilang target ay hindi na makakaapekto ang kanilang mga operasyon sa sitwasyon sa lugar na iyon. Sa palagay ba nila ay nasa ibang dimensyon ang mga kidnappers ni Ces Drilon at hindi sila maaapektuhan o tamaan ng mga pagpaputok nila ng mortar?
Ang nakakainis at nakakatawang reaksyon ng AFP:
Brig. Gen. Juancho Sabban, chief of the antiterrorist Task Force Comet, told reporters late Sunday afternoon there were no military operations against Drilon’s kidnappers and that the shelling and troop movement were part of a “drill in an actual situation.”
“We just like them to feel the military presence in the area,” Sabban said.
He also said the activities were just a "rehearsal.
Rehearsal?! Praktis lang?! Ano yun, baril-barilan? Kapag may sibilyang tinamaan, at meron ngang mga isinugod sa ospital samantalang daan-daang pamilya ang napalikas, ay sasabihin nilang, "time-out" muna?
Mula dito ay malinaw na hindi nakakatulong sa kapakanan ng taumbayan at mga sibilyan ang AFP, sadyang nakakalungkot ang ganitong sitwasyon. Dalangin kong matauhan ang mga pinuno ng AFP at bumalik sila sa tunay nilang tungkulin, ang paglingkuran at protektahan ang mamamayang Pilipino, hindi ang gawing "rehearsal area" ang kanilang mga tahanan.