Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘NBN-ZTE’ tag

Ang martsa para mag-apila sa Korte Suprema

without comments

Kabado kaming dalawa ng aking kasama dahil alas-​otso na ng umaga ay nasa Bacoor, Kabite pa rin kami. Akala ko nga, kaya matindi ang trapik ay may­roong mga check­points muli sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-​way. Hina­hanap muli kaming mga taga De La Salle Das­mari­nas upang harangin at pig­i­lang maka­punta sa Adam­son Uni­ver­sity kung saan magtatagpo-​tagpo ang mga grupo, estudyante, reli­hiyoso at iba pa na sasama sa mga Senador na magsasampa ng kani­lang apila sa desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ni Romulo Neri patungkol sa "exec­u­tive privilege."

Pero bakit ba kailan­gan kami o kahit sino pa mang papunta sa pagti­tipong iyon ay harangin. Hindi naman iyon rali, maglalakad lang naman mula Adam­son Uni­ver­sity hang­gang Korte Suprema, mag­susum­ite ng apila sina Sen. Alan Peter Cayetano at Nonoy Aguino at ayun, tapos na. Uuwi na kami.

At ganoon nga ang nang­yari. Mala­pit nang mag alas-10 ng umaga nang makarat­ing kaming dalawa sa Adam­son Uni­ver­sity. Akala nga namin ay nakaalis na sila papun­tang Padre Faura kung saan naroon ang Korte Suprema. Nakala­gay kasi sa imbita­syon na natang­gap ko mula sa Lasal­lian Jus­tice and Peace Com­mis­sion ay ala-8 ng umaga ang pagti­tipon at maa­gang pupunta ng Korte Suprema.

Mabait talaga ang Diyos sa mga naninindi­gan para sa kato­to­hanan dahil sakto lamang ang aming dating. Nagkatipon-​tipon na ang mga taga suporta at mga nag­ma­malasakit na grupo at handa nang maglakad papun­tang Korte Suprema.

Hindi naman sobra ng dami ang mga taong naroon. Sa aking pag­taya, humigit kumu­lang 300-500 katao ang nagtipon-​tipon roon kan­i­nang umaga.

More LasalliansTeam La Salle

Kaya madali naming nakita ang mga kasama­han naming Lasalyano mula sa De La Salle Manila, La Salle Provin­cialate at Col­lege of St Benilde, na kumpleto pa sa mga dalang para­pel­nalya at mga tar­pau­lin na naglala­man ng mga tema, saloobin at men­sahe para sa okasy­ong ito.

Strong messagesTama na! Itama na!

Bukod sa mga pam­il­yar nang mukha mula sa De La Salle, naroona ng mga bigat­ing tao sa hanay ng pagha­hanap para sa kato­to­hanan sa likod ng NBN scan­dal. Naroon ang batikang aktor na si Pen Medina, ang taga­pagsalita ng UNO na si Adel Tamano, Sen. Alan Peter Cayetano, Sen Benigno "Noynoy" Aquino III at shempre si Jun Lozada.

Adel TamanoJun Lozada & Pen Medina

Nakasama rin namin sina Con­gress­woman Riza Hon­tiveros Baraquel, Fr. Joe Dizon at Bro Armin Luistro, FSC.

Congresswoman Riza Hontiveros BaraquelBro Armin Luistro, FSC & Fr Joe Dizon

Ban­dang 10:30 ng umaga ay nagsim­ula na kaming humanay, dalhin ang mga para­pel­nalya at maglakad papun­tang Korte Suprema.

March towards the SupremesTama na! Itama na!

Habang nasa daan at nasisikatan ng init ng araw, masigla, masaya at puno ng pag-​asa ang bawat isa habang naglalakad. Dahil sa paligid namin, sa mga bangketa ng Manila, madaming mga tao ang kahit naa­bala ng mabi­gat na trapiko ay hindi nagsalita ng masama laban sa amin. Ang iba pa nga ay nakik­isabay din sa aming mga hiyaw at pananawa­gan. Totoong buong bansa ay gusto nang mala­man ang kato­to­hanan. Ang tang­ing paraan sa ngayon ay magsalita si Neri sa mga imbesti­gasyon ng Senado.

Marahil kaya hindi masyadong nagalit o nai­i­nis ang mga taong nasa paligid ay dahil sa tama, wasto, ligal at mapayapa ang aming pagk­i­los. Ito ay tama at wasto dahil ang paninindi­gan sa kato­to­hanan ay sadyang dak­i­lang bagay. Ito ay ligal at mapayapa dahil hindi kami nagtipon doon para mag-​rali, nagtipon-​tipon kami doon para sama-​samang ipakita ang aming suporta sa mga tama, ligal at demokratikong pros­eso para maresolba ang mga isyung kat­u­lad nito.

Pero may isang malak­ing babala. Tulad ng ilang panawa­gan ng mga aming mga kasama­han mula sa UMDJ, kung dadayain ang pros­esong ito, humanda talaga sila sa pwersa ng taum­bayan. Sa ban­dang huli, maa­gang nat­a­pos ang pagti­tipon dahil maayos namang na-​isumite nina Sen Cayetano at Sen Aquino III ang apila ng Senado sa Neri vs Senate Committees.

At para sa pag­wawakas, narito ang isang video ng mga pangya­yari mat­a­pos ngang ma-​isumite sa Korte Suprema ang apila ng Senado:

Ayon sa huling balita, April 15 pag-​didiskusyunan ng Korte Suprema ang api­lang ito ng Senado. Hang­gang sa araw na iyon mula ngayon, ang mata ng taum­bayan ay muli ngay­ong nakatitig sa Korte Suprema. Nawa'y pag­palain sila ng Maylikha.

Written by jhay

April 8th, 2008 at 11:27 pm

Korte Suprema napasok na rin ng kasamaan

without comments

Naglabas na rin ng desisyon ang Korte Suprema sa petisyon ni Sec Romulo Neri. Dito hinil­ing niya na pag­bawalan ang Senado na arestuhin siya dahil sa paggamit niya ng "exec­u­tive priv­i­lege" para hindi sagutin ang mga tanong ng mga Senador na nag-​iimbestiga tungkol sa natigil at kon­trober­syal na NBN-​ZTE deal.

Ang desisyon: 9-6 pabor kay Neri. Tuwang-​tuwa mala­mang ang Malakanyang sa desisy­ong ito ng Korte Suprema.

Sadyang nakakalungkot at nakak­aba­hala dahil ang desisy­ong ito ng Korte Suprema ay may halong kontrobersya.

Ayon sa ulat ng ABS-​CBN ganito ang nang­yari sa boto­han at pag­susu­lat ng desisyon:

The major­ity ruling was penned by SC Asso­ciate Jus­tice Tere­sita de Castro.

She was sup­ported in her deci­sion by Asso­ciate Jus­tices Renato Corona, Minita Chico-​Nazario, Pres­bitero Velasco, Anto­nio Nachura, Dante Tinga, Arturo Brion, Leonardo Quisumb­ing, and Ruben Reyes.

The six who dis­sented were: Chief Jus­tice Rey­nato Puno; Asso­ciate Jus­tices Anto­nio Carpio, Adolfo Azcuna, Con­chita Carpio-​Morales, Alicia Mar­tinez, Con­suelo Ynares-​Santiago.

Asso­ciate Jus­tice Ynares-​Santiago was actu­ally on leave during today’s delib­er­a­tions, but she left her dis­sent­ing vote.

Mali­naw na ang mga bumoto para pab­o­ran si Neri ay ang mga Ass Jus­tices na iti­nalaga ni Gloria Macapagal-​Arroyo sa Korte Suprema. Sang-​ayon ako sa obser­basyon ni Atty Vincula:

There is an unsur­pris­ing lack of shame in Brion voting on a peti­tion where he did not par­tic­i­pate and where pop­u­lar sen­ti­ment held that his appoint­ment was pre­cisely to fore­stall the effects of a Velasco inhi­bi­tion. There is also an unchar­ac­ter­is­tic lack of del­i­cadeza in De Castro writ­ing for the major­ity, where her appoint­ment was clearly seen as a reward for con­vict­ing Estrada.

This vote, coming on the heels of the 10-4 vote in the Chavez deci­sion, shows just how much head­way the Gloria appointees are making in con­trol­ling the court. If she lasts until 2010, Gloria Arroyo would have appointed all but one of the Jus­tices (Puno is the excep­tion; but since she appointed Puno Chief Jus­tice, tech­ni­cally she could be con­sid­ered to have appointed all the Justices).

How's that for sep­a­ra­tion of powers? Checks and bal­ances, anyone?

Sinasabing mag­a­n­dang ugali nating mga Pilipino ang pag­pa­pa­ha­laga sa "utang na loob" pero sa pagkakataong ito, hindi naging mag­a­nda ang bunga ng kau­galiang ito.

Hindi pa ini­lal­abas ang kopya ng desisyon ng Korte Suprema kaya masyado pang maaga para mag­ibay ng dagdag na komento, pero ang isa sa dapat tala­gang aban­gan ay ang salun­gat na opinyon ni Chief Jus­tice Rey­nato Puno na di-umano'y umabot sa 100 pahina! Mala­mang, mula dito ay pwe­deng bumase ang Senado sa mga susunod na hak­bang na gagawin nila.

Sa kabi­lang banda, isa ito sa mga dagdag na dahi­lan upang ipag­pat­u­loy at lalong pagigtin­gin ang malawakang kilos-​protesta at mobil­isas­yon na pan­gun­gu­na­han ng mga kabataan. Kung noon ay sinasabing humi­na­hon muna at idaan sa tamang pros­eso, ngayon ay hindi na.

Nakita na ng taum­bayan at ng mga kabataan na ang mga mapayapa, demokratiko at ligal na paraan ay unti-​unti nang nababahi­ran ng kasamaan, korup­syon at kabuk­tu­tan, wala nang ini­i­wang pagkakataon kung hindi ang direk­tang kumi­los para sa pagha­hanap ng kato­to­hanan at katarungan.

Tan­daan natin ang isang kasabi­han; "Kung ayaw sa San­tong dasalan, idaan sa San­tong paspasan."

Written by jhay

March 25th, 2008 at 7:51 pm

Posted in opinyon

Tagged with , , ,