Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘OSS week’ tag

Pagod dahil sa OSS week

without comments

Kakatapos lang ng OSS Week 2009 dito sa DLSUD. Kahit na dalawang araw lang ako opisyal na naka-​duty bilang Direk­tor ng LCDC, paki­ram­dam ko ay buong linggo akong nag­tra­baho dahil kinailan­gan pa din ang aking atk­i­bong pakik­i­la­hok sa pag­pa­p­atakbo ng opisina nitong mga nakali­pas na limang araw.

Masaya naman dahil mas organ­isado at mas madaming bagong bol­un­tir ang nakasali sa mga naging student-​administrator. Baga­man madaming naging aberya at prob­lema, ang lahat ng ito ay naso­lusyu­nan at nat­ural lamang dahil sa karami­han ay mga bagong bol­un­tir pa lamang.

Nat­a­pos ang ling­gong ito sa pama­m­ag­i­tan ng pagig­ing dis­cus­sant ko sa isang forum ng NSTP at Pre-​Law Soci­ety tungkol sa Auto­mated Elec­tion System na gagamitin sa halalan ng 2010.

Panauhing pan­dan­gal namin si Direc­tor James Jimenez ang taga­pagsalita ng COM­ELEC upang ipak­i­lala at ipakita sa amin ang AES. Masaya, mak­ab­u­luhan at matagum­pay naman ang gawain.

Sa susunod ko na lamang idide­talye ang mga pangya­yari dahil pagod na pagod na talaga ako at kinailan­gan ko lang maisu­lat ito bago pa tuluyang maglaho sa aking alaala.

Written by jhay

September 18th, 2009 at 10:07 pm

Posted in buhay estudyante

Tagged with , , ,