Julius Rocas » pag-ibig

Love 2.0
May bagong version na ba ng pag-ibig? Wala naman. May bagong paraan lamang ng paghahanap nito at ito ay sa pamamagitan ng internet.

Shempre nariyan na ang mga chat services tulad ng Yahoo! Messenger, mIRC atbp. Dumagdag na nga lang ngayong ang mga "social networking sites" tulad ng Friendster, MySpace, Multiply, Facebook etc. Kung hindi ako nagkakamali, bukod sa pagkakaroon ng koneksyon sa mga nawalay na kaibigan at paghahanap ng bagong kaibigan, ang mga website na ito ay naitayo upang tulungan ang mga naghahanap ng pag-ibig na matagpuan ang kanilang "true love"

Pero may mga tutol o galit pa nga sa paraang ito. Wala daw delikadesa ang babaeng nagpapaligaw sa internet at dapat ito ay ginagawa sa bahay. Bakit naman daw magpapaligaw kung sa internet mo lang nakilala ang lalakeng iyon at hindi ka nga sigurado kung tunay nga ang kanyang identity. Marami pang dahilan kung bakit tutol ang iba sa paraang ito. Pero ang hindi maipagkakaila, wala na silang magagawa pa.

Ang internet at social media ay nandito na at hindi na aalis.

Ang tanging magagawa na lamang ay makibagay, alamin ang paggamit ng mga ito at gamitin ito ng tama at para sa ikabubuti ng iyong sarili, pamilya at kapwa. Ito ay magagawa lamang kung ang internet, chat, social networking at isama na rin ang texting, ay gagamitin ng may talino at maayos na pag-iisip.

Mahirap na kasi, baka gumastos ka sa internet connection, gumugol ng napakaraming oras, dead-mahin ang mga nanliligaw sa iyo o nililigawan mo na hindi lamang sa internet nila ginagawa, padalhan mo na ng load ang ka-text mong taga malayong lugar pero sa bandang huli ay hindi rin pala mapupunta sa iyong inaasahan o kagustuhan.

Tapos iiyak ka, magmamaktol ka, magpapaka-emo ka, idadamay mo pa ang mga kaibigan mo online at offline, pupunuin mo ng emo-sh*t ang bulletin sa Friendster, magiging bitter ang mga shoutouts mo, basta!

Hindi kasi como madaling makatagpo ng magugustuhan sa internet o text ay ganun-ganun na lang. Iba pa rin ang nakikita mo ng harap-harapan, nakakausap mo ng walang headset at nakaka-holding hands mo kahit puno ng pawis ang kanyang kamay. Ang internet ay pantulong lamang sa paghahanap ng makakarelasyon, kung wagas na pag-ibig nga o panandaliang ugnayan, makakayanan mo ang lahat nang ito kung mula sa simula ay ginagamit mo ito ng tama at may malinaw na kaisipan.

Napakarami na kayang EB ang nauwi sa masalimuot na indianan. Gusto mong matulad o sawa ka na?

Related Posts

Pasaway na Globe technicians…

Libreng WiFi sa DLSUD, Libre ba Talaga?

Wala namang maisulat…pero madaming kwento

Nakatengga at darating na gawain…

Isa pa la akong alahas!

Kailan ba ako huling nagsulat ng love letter?
Nakakatuwa naman ang araw na ito, simula ng student elections sa DLSUD pero heto ako, nasa bahay pa at nagsusulat. Dapat kagabi pa, pero sobrang pagod ako mula kahapon kaya nagbasa na lang ako ng emails, nagbura ng spam at natulog na.

Bakit naman nakakatuwa ang araw na ito? Salamat kay Sir Martin, sa kanyang post na "The Lost Art of the Love Letter" binalikan niya ang sining ng pagsusulat ng mga liham ng pag-ibig.

Mula nang siya ay nasa elementarya pa hanggang sa mag-kolehiyo. Hindi ko maiwasang matawa sa aking sarili dahil halos kapareho kami ng nararamdaman tungkol sa pagsusulat ng mga love letter. Mula sa takot at kaba sa kung ano ang isusulat, paano ko sisimulan hanggang sa paano ko tatapusin.

Kasama rin ang talaga namang nakakasakit ng ulo (at nakakasuka sa ka-cornihan) na pagsingit sa mga gasgas nang 'love cliche' o kataga na ika ni Sir Martin, ay matindi ang epekto kapag ginamit ng tama. Pero ang mas nakakatakot at nakakakaba para sa akin, noon nang nagsusulat pa ako ng love letter at malamang hanggang ngayon kapag magsusulat muli ako, ay ang akto ng pagbibigay o pagpapadala nito sa aking sinusulatan.

Sa sobrang takot, hiya at kaba ko noon (torpe! hahaha) naiipon ang mga love letter na sinusulat ko. O kaya naman, ang ibang pinaghirapan isulat at talagang hinanapan pa ng magandan stationary ay hindi na naipadala. Marahil magugulat ang mga makakabasa nito at sasabihing, "Si Kuya Julius?! Kabado sa pagsulat at pagbigay ng love letter? hahaha"

Isa rin sa mga mahalagang bagay na binalikan ni Sir Martin ay ang nakakalungkot na katotohanang, bihira na sa mga kabataan ngayon ang nagsusulat ng mga love letters. Sabi niya,

This is why I express a mild alarm in seeing the virtual death of the love letter among my students. In retrospect, I haven’t really encountered much outside of those love letters English teachers require their students. Through my conversations with students, I discover that the text message and the instant message are their media of choice. Compared to the brevity and speed of text and IM, the love letter just seems too “snail mail” for this younger generation. Love however, isn’t as instant.

Salamat sa email, text, friendster, at iba pang mabilisang teknolohiya na pang-komunikasyon, nawala na ang mga love letters. Naging 'intagible' at elektronik na. At kapag nawala ang kuryente, naging "battery empty" o kaya maubusan ka ng load, ay tapos na rin ba ang pagsusuyuan at pag-iibigan? Ito rin ba ang dahilan ng mga mabilisang pagkakaroon at pagtatapos ng mga relasyon sa mga kabataan ngayon? Magandang balikan ang mga tanong na ito sa iba nang pagkakataon.

Pero tulad ng sabi ni Sir Martin, mag pag-asa. Salamat din sa teknolohiya, nag-iba rin ang anyo ng pagsusulat, hindi man ng love letters pero pagsusulat pa rin. Ito ay dahil sa blogging. At dahil tao ang nagsusulat ng blogs, may damdamin ito at naghahanap ng kanyang iibigin. At kapag tinamaan, malamang ang kanyang pagsusulat sa blog ay maaapektuhan, sa positibo at nakakakilig na paraan.

Huli akong nagsulat ng love letter noong nasa hayskul pa ako. Iisa lang ang sinusulatan ko noon, at hanggang ngayon ay siya pa rin ang aking susulatan. Hindi man niya sagutin, ang mahalaga ay mabasa niya ang aking mga liham. Romantiko at nakakatuwa lalo na ngayong nasa malayong lugar siya.

Masulatan na kaya siya?

Related Posts

Huling araw ng Hulyo

Kalahating tulog, kalahating gising

Wala namang maisulat…pero madaming kwento

Inspired Magsulat

Love 2.0

Mahirap maging kuya
"Kuya", "Kuya Jhay", "Kuya Jules" o "Kuya Julius" ito na 99% ang mga pangalang ginagamit ko ngayon.

Noong una ay sa bahay lang, ngayon, halos kahit saan mapunta ito ang tawag sa akin. Shempre ng mga mas nakakabata sa akin mula classmate, kakilala, nakakakilala at mga ka-barkada. Sa aking pagkakaalam, malalim o hindi biro ang tawagin ka na "Kuya" ng mga taong nasa paligid mo.

Tulad ng isang ranggo o lebel sa militar o kahit anong organisasyon, ang titulong ito ay may kadikit na kahulugan o konotasyon. Kapag ikaw ay "kuya", ibig sabihin ay mas nakakaalam ka, mas marami kang karanasan, mayroon kang awtoridad at ikaw ang madalas lapitan ng mga taong tinatawag kang "kuya".

Mas madaling lapitan kumpara sa "magulang" at "lolo" at "lola". Swerte ko at hindi pa ako natatawag sa kahit alin sa dalawang iyon. hehehe

Sa aking karanasan, bilang "kuya" hindi lamang ng aking mga kapatid sa dugo, lalo't higit sa mga kaibigan, kaklase, kabarkada; ako raw ang "kuya" na maaasahan, papakinggan at kahit nakakaasar, pinapaniwalaan. Ayaw kong magyabang dahil wala naman akong monopolyo sa tama o mali, lahat ng aking mga ginagawa at ipinapayo ay batay lamang sa aking mga karanasan, nababasa, natutunan sa iba at sariling pag-iisip. Minsan nga ay sablay pa.

Pero dumadating ang punto na hindi lahat ay kaya kong tulungan, hindi lahat ng tumatawag sa akin na "kuya" ay nagiging masaya o may napupulot na aral. Mas mahirap pa, kapag ako ang nalalagay sa pagitan ng dalawa o higit pang mga "nakakabata" sa akin. Parehong lumapit sa akin, sa paniniwalang makakatulong sa kanila si "Kuya Jhay".

Ano ang aking gagawin? Ano ang aking ginagawa? Isa sa mga nagpatibay ng pangalan kong "Kuya Jhay" ang pagiging "marahas, pranka at tapatan" kong pakikitungo o pagbibigay ng opinyon o payo sa mga lumalapit sa akin. Ito ang paraan ko ng pagiging "Kuya", ang imulat at ipakita sa iba ang katotohanan ng kanilang sitwasyon na dapat naman nilang tanggapin o gawan ng aksyon, na kadalasan ay hindi madali para sa kanila.

Pero ang mas mahirap, ay yung dumating ang pagkakataon na makita ng iba na "iba ang ginagawa ni kuya jhay sa mga sinabi, payo at aral niya." Nakakagulat, nakakawindang, nakakasakit sa iba, at itong bagay na ito ang labis na nakakaapekto sa akin. Sa ganitong sitwasyon, nauubusan ako ng sasabihin, nawawalan ako ng maipapayo; paanong hindi eh ako mismo ang lumalabag sa mga sasabihin o ipapayo ko.

Dito minsan ay nawawala ang tiwala, bilib at kumpyansa ng iba sa akin. At lubos na mahirap talaga ito para sa akin.

Kaya sa ganitong pagkakataon, hinahanap-hanap ko ang mga panahong "jhay" o "julius" na lang ang itinatawag nila sa akin.

Kasi kahit ako, lalo na sa mga ganoong sitwasyon, naghahanap din ng matatawag kong "kuya".

Related Posts

Kapag Sinabi Ko S’yo by Gary Granada

Love 2.0

Simula ng student power sa DLSUD

Kailan ba ako huling nagsulat ng love letter?

Kapag Sinabi Ko S’yo by Gary Granada
May isang interesanteng thread sa Kujibiki Forums at ito ay tungkol sa pag-ibig.

Dumating na sa punto na ang topic ay napunta na dun sa mga "sawi" sa pag-ibig, kesyo hindi sinuklian ang kanilang nararamdaman, itinago na lang ang nararamdaman sa takot na hindi pa rin ito pansinin o suklian at dahil dito nabanggit ang kanta ng Kamikazee na Narda.

Naks, sapul talaga ang mensahe ng kantang narda para sa mga may minamahal, pero parang hindi mabibigyang katuparan ang pag-ibig na iyon, dahil sa tingin nila ay hindi sila bagay o sadya para sa isa't-isa.

Pero sa tingin ko ay masyadong vain ang Narda, para bang sinabi at tinanggap mo talagang hindi na kayo bagay o hindi na talaga kyo para sa isa't-isa.

Pano mo naman nasabi eh, di mo pa naman nasusubukan diba?

Kaya nga sa ganitong sitwasyon, share ko lang itong isang love song na alam kong ngayon nyo lang siguro mababasa, pang-aktibista kasi, hehehe

ito ay ang kantang

Kapag Sinabi ko Sayo ni Gary Granada

kapag sinabi ko sa iyo, na ika'y minamahal

sana'y manuwaan mo, na ako'y isang mortal.

na di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan,

o di kaya ay sisirin perlas ng karagatan.

kapg sinabi ko sayo, na ika'y iniibig

sanay maunawaan mo na akoy taga daigdig.

kagaya ng karamihan, karaniwang karansan,

dala-dala kahit saan, pangaraw-araw na pasan.

akoy hindi romantiko, sayo'y di ko matitiyak,

na kapag akoy kapiling mo, kailan ma'y di ka iiyak.

magandang hinaharap, sikapin nating maabot,

Ngunit kung hindi man maganap, sana'y di ikalungkot.

kapag sinabi ko syo, na ika'y sinisinta,

sanay yakapin mo ako, mulat ang iyong mga mata.

ang kayamanan kong dala, ay pandama at kamalayan,

na natutunan sa iba na nabighani sa bayan.

halina't ating pandayin, isang malayang daigdig

upang doon payabungin isang malayang pagibig

kapag sinabi ko sayo, na ika'y sinusuyo

sanay yakapin mo ako, kasama ng aking mundo

At salamat sa teknolohiya at internet, pwede nyo na itong mapakinggan dito dahil bihira lang talaga ang nakakaalam at may kopya ng kantang ito.

<embed src="http://www.twango.com/flash/audioplayer.aspx?media=jhayrocas.10008&channelname=jhayrocas.public" width="145" height="60" type="application/x-shockwave-flash"></embed>

Malupet diba? inaamin nitong tao lang tayo, hindi perpekto, hindi pinakagwapo o romantiko o ganda o sweet, nagkakamali, may pagkukulang, pero ang pinakamahalaga, totoo ang nararamdaman para sa ating 'significant other'

At sana, sa ganitong pananaw, matutunan tayong tanggapin ng mga inaasam natin, nakz naman, hehehe

So ano masasabi nyo?

Related Posts

Mahirap maging kuya

Love 2.0

Kailan ba ako huling nagsulat ng love letter?