Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘pagbabasa’ tag

Huling araw ng Hulyo

without comments

Hindi naman ata tama na ang per­sonal kong blog ay mapabayaan ko ng buong buwan ng Hulyo. Dahil sa buwang ito ako ipinan­ganak. Maram­ing sala­mat sa mga bumati!

90% ng oras ko onlayn ay naubos sa pag­pa­pasala­mat sa mga bumati sa akin sa Face­book. Sadyang nakakataba ng puso. Kahit papaano, may tumataba pa rin sa akin.

Nitong mga nakaraang araw, ay sadyang nakakalungkot dahil wala ang mag-​ina ko sa bahay. Habang wala naman sila, inaliw ko na lang ang aking sarili sa mga gawaing mata­gal nang dapat gawin. Una dito ang paglili­nis ng aming kwarto. Nai-​saayos ko na din ang lahat. Pero kahit maayos, mali­nis at maali­walas ang loob ng kwarto, paki­ram­dam ko ay may kulang pa rin. Ang aking mga-​ina shempre.

Dahil din sa bakan­teng mga araw, mala­pit ko nang mat­a­pos ang librong mahigit pitong buwang ko nang bin­abasa. Nakakatuwa talaga, mas kapana-​panabik ang ikalawang bahagi ng nobelang "The Birth of Venus" at sadyang napan­ganga ako sa mga rebe­lasy­ong nabasa ko! Tiyak akong matat­a­pos ko na rin ito ngay­ong Agosto.

Bukod dito, muling napukaw ang interes ko sa pag­susu­lat ng kwento at dula. May isang kon­sep­tong mata­gal nang tumatakbo sa aking isipan at sa aking wari ay pana­hon na para sim­u­lang itong isulat. Hindi para mat­a­pos agad ngunit para maipan­ganak lang kum­baga. At habang lumalakad ang mga araw, pat­u­loy kong uusisahin at rerepa­suhin ang kwen­tong ito na gagawin kong dula. At sana, balang araw, maging materyal ito para sa isang pelikula.

Written by jhay

July 31st, 2010 at 9:50 pm