Kailan ba ako huling nagsulat ng love letter?

Nakakatuwa naman ang araw na ito, simula ng student elections sa DLSUD pero heto ako, nasa bahay pa at nagsusulat. Dapat kagabi pa, pero sobrang pagod ako mula kahapon kaya nagbasa na lang ako ng emails, nagbura ng spam at natulog na.

Bakit naman nakakatuwa ang araw na ito? Salamat kay Sir Martin, sa kanyang post na “The Lost Art of the Love Letter” binalikan niya ang sining ng pagsusulat ng mga liham ng pag-ibig.

Mula nang siya ay nasa elementarya pa hanggang sa mag-kolehiyo. Hindi ko maiwasang matawa sa aking sarili dahil halos kapareho kami ng nararamdaman tungkol sa pagsusulat ng mga love letter. Mula sa takot at kaba sa kung ano ang isusulat, paano ko sisimulan hanggang sa paano ko tatapusin.

Kasama rin ang talaga namang nakakasakit ng ulo (at nakakasuka sa ka-cornihan) na pagsingit sa mga gasgas nang ‘love cliche’ o kataga na ika ni Sir Martin, ay matindi ang epekto kapag ginamit ng tama. Pero ang mas nakakatakot at nakakakaba para sa akin, noon nang nagsusulat pa ako ng love letter at malamang hanggang ngayon kapag magsusulat muli ako, ay ang akto ng pagbibigay o pagpapadala nito sa aking sinusulatan.

Sa sobrang takot, hiya at kaba ko noon (torpe! hahaha) naiipon ang mga love letter na sinusulat ko. O kaya naman, ang ibang pinaghirapan isulat at talagang hinanapan pa ng magandan stationary ay hindi na naipadala. Marahil magugulat ang mga makakabasa nito at sasabihing, “Si Kuya Julius?! Kabado sa pagsulat at pagbigay ng love letter? hahaha”
Continue reading →