Julius Rocas » pagsusulat

Huling araw ng Hulyo
Hindi naman ata tama na ang personal kong blog ay mapabayaan ko ng buong buwan ng Hulyo. Dahil sa buwang ito ako ipinanganak. Maraming salamat sa mga bumati!

90% ng oras ko onlayn ay naubos sa pagpapasalamat sa mga bumati sa akin sa Facebook. Sadyang nakakataba ng puso. Kahit papaano, may tumataba pa rin sa akin.

Nitong mga nakaraang araw, ay sadyang nakakalungkot dahil wala ang mag-ina ko sa bahay. Habang wala naman sila, inaliw ko na lang ang aking sarili sa mga gawaing matagal nang dapat gawin. Una dito ang paglilinis ng aming kwarto. Nai-saayos ko na din ang lahat. Pero kahit maayos, malinis at maaliwalas ang loob ng kwarto, pakiramdam ko ay may kulang pa rin. Ang aking mga-ina shempre.

Dahil din sa bakanteng mga araw, malapit ko nang matapos ang librong mahigit pitong buwang ko nang binabasa. Nakakatuwa talaga, mas kapana-panabik ang ikalawang bahagi ng nobelang "The Birth of Venus" at sadyang napanganga ako sa mga rebelasyong nabasa ko! Tiyak akong matatapos ko na rin ito ngayong Agosto.

Bukod dito, muling napukaw ang interes ko sa pagsusulat ng kwento at dula. May isang konseptong matagal nang tumatakbo sa aking isipan at sa aking wari ay panahon na para simulang itong isulat. Hindi para matapos agad ngunit para maipanganak lang kumbaga. At habang lumalakad ang mga araw, patuloy kong uusisahin at rerepasuhin ang kwentong ito na gagawin kong dula. At sana, balang araw, maging materyal ito para sa isang pelikula.

Related Posts

Kalahating tulog, kalahating gising

Wala namang maisulat…pero madaming kwento

Inspired Magsulat

Kailan ba ako huling nagsulat ng love letter?

Kalahating tulog, kalahating gising
Ang nakakainis sa aking sarili ay kung kailan ako inaantok saka dumarating ang malakas na motibasyon para magsulat. Bukod sa motibasyon, dumadagsa din ang madaming ideya o paksang gustong kong isulat.

Pero dahil nga sa inaantok na ako, hindi ko na nagagawang isulat ang mga ideyang pumasok sa aking isipan at ang motibasyon kong magsulat ay natatalo ng pangungulila ng aking katawan sa malambot na higaan.

Minsan nga ay naiisip kong subukan 'yung tinatawag nilang "power naps" o maiiksing pagtulog - mga 30 minuto - saka muli gigising at ipagpapatuloy ang naudlot o bagong gawain, tulad ng pagsusulat. Pero palpak ako sa "power naps" dahil ang dapat sana'y 30 minutong pagtulog ay nagiging 6 hanggang 8 oras na pagkakaidlip!

Sa katunayan, ang artikulong ito ay sinusulat ko habang nasa bingit ako ng matinding pagkaantok at hinahayaan ko na lang ang aking mga kamay na tumipa sa aking laptop sa saliw ng kumpas ng aking isipan.

Pero hindi tungkol sa reaksyon ko sa huling pamamaalam ni Gloria Macapagal-Arroyo bilang pekeng Pangulo ng Pilipinas ang naisulat ko. Bagkos, ang pakiramdam ng pagsusulat habang kalahating tulog at kalahating gising.

Related Posts

Huling araw ng Hulyo

Wala namang maisulat…pero madaming kwento

Inspired Magsulat

Kailan ba ako huling nagsulat ng love letter?

Wala namang maisulat…pero madaming kwento
Noong nakaraang kwento ko, sinabi kong inspired akong magsulat. Pero halata naman na wala akong naisusulat. Pero sa totoo meron. Hindi lang para sa mga blogs ko pero nakapagsulat naman ako nitong mga narakaang araw.

Nariyan yung mga assignments ko, mga projects, mga konseptong papel at iba pang mga teknikal na pagsusulat. Pero sa malikhaing aspeto ng pagsusulat, wala. hehehehe

Isa sa mga dahilan ay ang kawalan ko ng internet connection tuwing gabi. Nagtitigil kasi ako ngayon sa isang dorm sa labas ng La Salle Dasma at walang internet. Walang silbi din naman ang Globe Mobile internet kaya wala din. Ayaw ko namang magpunta sa internet shops na napakadami dito sa labas ng pamantasan kasi ayaw kong gumamit ng iba pang kompyuter. Mas gusto ko pa rin ang laptop ko. Isa pa, hindi ako komportable sa paggamit ng mga pampublikong kompyuter dahil sa mga spyware na naglipana sa bawat internet shop.

Sadyang kailangang magkaroon ng education tungkol sa mga spyware at malware ang mga may-ari ng mga internet shops. Kasama na rin dito ang mga gumagamit nito dahil ilang beses nang nagkakaroon ng mga insidente ng mga na-hack na email accounts pati na rin Friendster accounts na siyang pinagmumulan ng mga away at problema mula sa simpleng hindi mabuksan na Friendster account hanggang sa mga naudlot na pag-iibigan dahil sa nagkabukingang lihim salamat sa mga Private Photo albums.

May magsasabing pwede namang magsulat sa laptop kahit walang internet, saka na lang i-publish sa mga blogs kapag nakapag-online na uli. Noon ko pa naisip ang paraang iyon pero hindi epektibo o hindi ko pa nagagawa ng maayos dahil kailangan ko ng internet connection para makapag research para sa mga isusulat ko.

Mukhang kailangan talagang sundin ko ang tradisyonal na paraan ng pagsusulat na mag research at magbasa muna bago magsulat.

Related Posts

Huling araw ng Hulyo

Kalahating tulog, kalahating gising

Pasaway na Globe technicians…

Libreng WiFi sa DLSUD, Libre ba Talaga?

Inspired Magsulat

Inspired Magsulat
Walang internet kasi walang kuryente kaya walang magawa sa bahay. Pero maganda na rin dahil nagawa ko ang ilang mga bagay na nalimutan na dahil sa pagiging adik ko sa internet. Hindi ang paggagawa ng mga assignments o school work, kung hindi ang pagbabasa ng mga librong nasa bahay. Hindi kasi lahat ay binili ko.

Sa dalawang maghapon na nasa bahay lamang ako, (lago! Hindi pumasok!) natapos ko sa isang higaan ang mga dalawang libro ni Bob Ong. Una ang MacArthur na sinimulan at natapos ko din kahapon ng Lunes at pangalawa ang Stainless Longganisa na sinimulan kong basahin matapos ang tanghalian at kakatapos lamang ngayong mga oras na ito. 3:11pm kung gusto mo talagang malaman.

Nakakaaliw at lubusan ko nang nauunawaan kung bakit kumakalat ang mga text quotes na base sa mga libro ni Bob Ong. Sadyang kapupulutan ang ito ng aral at kalokohan. Kayo na ang maghusga kung alin sa dalawa.

Dahil hindi naman ako atleta, hindi ako musikero, hindi ako mananayaw, hindi ako nagsasayang ng pera sa gym, isa akong manunulat.

Dahil sa pagbabasa muli ng libro, naenganyuhan uli akong magsulat o magkwento. Ebidensya na ngayon ang inyong binabasa. Dahil hindi naman ako atleta, hindi ako musikero, hindi ako mananayaw, hindi ako nagsasayang ng pera sa gym, isa akong manunulat. At ito ang ginagawa ko ngayon. Hindi pa man nakakapagsulat ng isang libro, pero sa patuloy kong pagba-blog, ilang hakbang, magiging ganap na akong manunulat. Pero pormal pakinggan ang titulong iyon, mas gusto kong madinig ang designasyong "kwentista" o taga-kwento.

Sana sa mga susunod kong kwento ay kasama ko kayo. Hindi niyo kailangang magsalita agad, pero kung gusto nyo ay mas astig ang ganoon, samahan niyo lang ako ay masaya na ako.

(ang totoo nito, kailangan ko nang tapusin ang maiksi at biglang intro na ito dahil wala pang kuryente at malapit nang maubos ang baterya ng laptop ko. Viva Meralco!)

Related Posts

Huling araw ng Hulyo

Kalahating tulog, kalahating gising

Wala namang maisulat…pero madaming kwento

Kailan ba ako huling nagsulat ng love letter?

Kailan ba ako huling nagsulat ng love letter?
Nakakatuwa naman ang araw na ito, simula ng student elections sa DLSUD pero heto ako, nasa bahay pa at nagsusulat. Dapat kagabi pa, pero sobrang pagod ako mula kahapon kaya nagbasa na lang ako ng emails, nagbura ng spam at natulog na.

Bakit naman nakakatuwa ang araw na ito? Salamat kay Sir Martin, sa kanyang post na "The Lost Art of the Love Letter" binalikan niya ang sining ng pagsusulat ng mga liham ng pag-ibig.

Mula nang siya ay nasa elementarya pa hanggang sa mag-kolehiyo. Hindi ko maiwasang matawa sa aking sarili dahil halos kapareho kami ng nararamdaman tungkol sa pagsusulat ng mga love letter. Mula sa takot at kaba sa kung ano ang isusulat, paano ko sisimulan hanggang sa paano ko tatapusin.

Kasama rin ang talaga namang nakakasakit ng ulo (at nakakasuka sa ka-cornihan) na pagsingit sa mga gasgas nang 'love cliche' o kataga na ika ni Sir Martin, ay matindi ang epekto kapag ginamit ng tama. Pero ang mas nakakatakot at nakakakaba para sa akin, noon nang nagsusulat pa ako ng love letter at malamang hanggang ngayon kapag magsusulat muli ako, ay ang akto ng pagbibigay o pagpapadala nito sa aking sinusulatan.

Sa sobrang takot, hiya at kaba ko noon (torpe! hahaha) naiipon ang mga love letter na sinusulat ko. O kaya naman, ang ibang pinaghirapan isulat at talagang hinanapan pa ng magandan stationary ay hindi na naipadala. Marahil magugulat ang mga makakabasa nito at sasabihing, "Si Kuya Julius?! Kabado sa pagsulat at pagbigay ng love letter? hahaha"

Isa rin sa mga mahalagang bagay na binalikan ni Sir Martin ay ang nakakalungkot na katotohanang, bihira na sa mga kabataan ngayon ang nagsusulat ng mga love letters. Sabi niya,

This is why I express a mild alarm in seeing the virtual death of the love letter among my students. In retrospect, I haven’t really encountered much outside of those love letters English teachers require their students. Through my conversations with students, I discover that the text message and the instant message are their media of choice. Compared to the brevity and speed of text and IM, the love letter just seems too “snail mail” for this younger generation. Love however, isn’t as instant.

Salamat sa email, text, friendster, at iba pang mabilisang teknolohiya na pang-komunikasyon, nawala na ang mga love letters. Naging 'intagible' at elektronik na. At kapag nawala ang kuryente, naging "battery empty" o kaya maubusan ka ng load, ay tapos na rin ba ang pagsusuyuan at pag-iibigan? Ito rin ba ang dahilan ng mga mabilisang pagkakaroon at pagtatapos ng mga relasyon sa mga kabataan ngayon? Magandang balikan ang mga tanong na ito sa iba nang pagkakataon.

Pero tulad ng sabi ni Sir Martin, mag pag-asa. Salamat din sa teknolohiya, nag-iba rin ang anyo ng pagsusulat, hindi man ng love letters pero pagsusulat pa rin. Ito ay dahil sa blogging. At dahil tao ang nagsusulat ng blogs, may damdamin ito at naghahanap ng kanyang iibigin. At kapag tinamaan, malamang ang kanyang pagsusulat sa blog ay maaapektuhan, sa positibo at nakakakilig na paraan.

Huli akong nagsulat ng love letter noong nasa hayskul pa ako. Iisa lang ang sinusulatan ko noon, at hanggang ngayon ay siya pa rin ang aking susulatan. Hindi man niya sagutin, ang mahalaga ay mabasa niya ang aking mga liham. Romantiko at nakakatuwa lalo na ngayong nasa malayong lugar siya.

Masulatan na kaya siya?

Related Posts

Huling araw ng Hulyo

Kalahating tulog, kalahating gising

Wala namang maisulat…pero madaming kwento

Inspired Magsulat

Love 2.0