Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘politika’ tag

Paggunita sa ika-35 taon anibersaryo ng Martial Law

with 11 comments

35 taon na ang nakali­pas mula nang idineklara ng dik­tadu­rang Marcos ang Batas Mil­i­tar o Mar­tial Law sa Pilip­inas upang sug­puin ang mga pwer­sang nais mag­pabagsak sa pasis­tang si Fer­di­nand Marcos at wakasan ang pag­pa­pahi­rap sa mama­mayang Pilipino.

Dahil sa Batas Mil­i­tar, daan-​daan ang nabi­langgo, tinortyur, pinaslang, at nala­pas­tan­gan ang mga kara­p­atang sibil at pang­tao. 35 taon na ang nakali­pas ngunit tila walang pinagkaiba ang pana­hong kasalukuyan. Halos 900 kaso na ng paglabag sa kara­p­atang pantao, mga pinaslang na mamama­hayag, mga aktibista, mga estudyante at lider-​manggagawa ang hang­gang sa ngayon ay nawawala.

Pat­u­loy pa rin ang giyera sa Min­danao kung saan libu-​libong mga Muslim ang naghi­hi­rap. Hang­gang sa ngayon, ang mga bik­tima ng pang-​aabuso ng pasis­tang rehi­meng Marcos ay pat­u­loy na nagha­hanap ng hus­tisya. Mas nakakalungkot pa nito'y ang mga tulad nilang bik­tima ng gara­palang pang-​aabuso sa kara­p­atang pantao ay nadadagda­gan pa.

May mga nagsasabi na hindi naman buma­lik ang pana­hon ng Mar­tial Law, tama sila, sapagkat wala namang deklarasyon mula sa pekeng pan­gulo na nagsasabi nga ng ganito. Ngunit, sa istilo ng paggamit sa kinamkam na kapang­yari­han, sa mga polisiya at batas na ipinasa ng admin­is­trasy­ong Arroyo, hindi na nga kailan­gan ng deklarasyon ng Batas Mil­i­tar, dahil sa kabu­uang epekto ng mga ito, wala nang pinagkaiba ang kala­gayan ng bansa 35 limang taon na ang nakalipas.

Nariyan ang EO 464, PD 1017, "No Permit, No rally", ang mga polit­i­cal har­ras­ment sa mga pro­gre­sibo at maka-​kaliwang mam­ba­batas, at ngayon ang huling ele­mento sa pag­si­sis­tem­a­tisa ng 'Mar­tial Rule' ang Human Secu­rity Act of 2007 o ang Anti-​Terrorism Law. Kung buhay si Marcos ngayon, sa aking pala­gay ay mama­mangha siya sa nagawa ni GMA. "Small but ter­ror­ist, ter­ri­ble" ika nga.

Kaya nga kahit 35 limang taon na ang nakali­pas, hindi lamang ang mga mapangabu­song gawain ni Marcos ang nabibi­gyan ng buhay at nanunum­ba­lik sa ating mga alaala. Kung hindi, ang mga pagk­i­los na ginawa ng mga mang­ga­gawa, mar­alita, kabataan, layko at reli­hiyoso at lahat ng lum­a­ban sa dik­tadura at pasis­tang rehi­men ni Marcos.

Par­tiku­lar dito ang isang men­sahe at talumpati ng isa sa mga tanyag na lider-​manggagawa na buong tapang, lakas, at tal­i­nong lum­a­ban sa dik­ta­dor, at sa huli'y buhay niya ang naging kapalit. Ang tin­u­tukoy ko ay ang men­sahe ni Felixberto Olalia, Sr. sa huling araw ng kanyang huling araw ng pag-​aayuno sa Plaza Roma noong ika-4 ng Disyem­bre, 1983. Mula ito sa librong "20 Speeches that Moved a Nation" - mga koleksyon ng mga talumpat­ing naglalarawan ng maku­lay na kasaysayan ng Pilip­inas at ang maya­mang tradisyon ng mga Pilipino sa pakikipag­talumpati - ni Manuel Quezon III, o MLQ3.

Sa kanyang talumpati o men­sahe na pina­mata­gang "Men­sahe sa Limang-​araw na Pag-​aayuno Para sa Pag­pa­palaya ng Lahat ng Detenidong Lider-​manggagawa at iba pang Bilang­gong Poli­tikal" gin­unita niya ang tula ng isang rebo­lusyu­naryo, ni Mano de Ver­dades Posadas upang isalarawan ang kala­gayan ng Pilip­inas noong pana­hon ng Batas Mil­i­tar, isang malaki at malawak na bartolina:

Gapos sa kamay, piring sa mata;
Suntok, bayo, tadyak, sampal,
Iniksyon, kuryente, hipo, sakal,
Plantsa, pang­gugutom,
pang­ga­ga­hasa.
Buhos ng tubig o paso ng sigar­i­lyo;
At pagkat­a­pos ay ilan­taong
pagkaku­long
Nang walang paglili­tis o
wala man lang kaso.
Ganito ang pinai­iral na kala­gayan
Sa bar­tolina ng piitang kapuluan.

Sa ban­dang huli ng kanyang men­sahe, kung saan hin­imok niya ang mga mama­mayan na kumi­los at lum­a­ban muli niyang gin­unita ang isa pang tula, muli ni Mano de Ver­dades Posadas:

Ang pagkakapiit
Sa halos pusikit
Na karim­lan
Ay di dhilan
Upang tayo'y
Sa kababaan ng kisame
Huwag na tayong dumapa
Sa malamig na sahig;
Sa kali­itan ng silid,
Huwag na tayong sumik­sik
Sa suok at humalukip­kip.
Ang pagkaku­long
Sa pana­hong
Wari'y di matat­a­pos
Ay di dapat makau­pos
Sa ating pagk­i­los
Tungo sa paghu­lag­pos
Upang lalong makakilos.

Maku­lay, makubu­luhan at hang­gang sa ngayon ay nana­natil­ing tumpak sa ating kasalukuyang kala­gayan ang mga tulang ito, kahit na 35 taon na ang nakali­pas. Hang­gang kailan pa kaya ito mag­tata­gal? Hang­gang kailan pa natin ito hahayaan? Kapag tayo o ang ating mga mahal sa buhay ay bigla na lang rin maglalaho?

Para wakasan ang munt­ing pag­baba­hagi na ito, isang dalan­gin ang aking iaalay, para sa mga naging bik­tima ng kara­hasan at pan­gaabuso sa mga kara­p­atang pantao noong pana­hon ng Batas Mil­i­tar at ngay­ong sa pana­hong kasalukuyan:

Written by jhay

September 21st, 2007 at 8:00 am