Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘project’ tag

Kaya kailangan ng malupet na concept paper

with one comment

Kakagaling ko lang sa isang mahaba, madugo at nakaka­pagod na meet­ing. Kasama ko dito ang ilan sa mga Col­lege Stu­dent Coun­cil ng iba't-ibang kole­hiyo sa DLSUD at ang mala­pit naming stu­dent orga­ni­za­tion, ang Gen­shiken. Pinag-​usapan namin kanina ang kon­sep­tong papel ng kani­lang 'pet project' na G-Ken. Isang anime con­ven­tion na may envi­ron­men­tal aware­ness bilang tema.

Kung hindi kami nagkaka­mali, ito, kapag nat­u­loy ay ang kauna-​unahang anime con­ven­tion na may makaka­likasang tema sa Pilip­inas. Astig diba?! hehehehe

Pero, sa ngayon, hindi ko alam kung magig­ing kato­to­hanan ba ang proyek­tong ito, o man­ana­natili na lamang na isang ideya o kon­septo dahil sa kinal­abasan ng pag­pupu­long kanina, madami pang bagay ang dapat gawin ng Gen­shiken. Hindi pa ito ang mis­mong pagha­handa para sa G-Ken, bagkos, ito ay para mapa-​aprubahan muna ang kani­lang 'project proposal.'

Para magawa ito, kailan­gan ng malu­pet na con­cept paper na syang kailan­gan para:

Bakit kailan­gan ng malu­pet na kon­sep­tong papel? Shempre, dahil hindi biro ang laki at saklaw ng proyekto, kailan­gang mabi­gyan ng mali­naw at tamang pan­gan­gatwiran kung bakit dapat isagawa ang proyekto. Ito ang pan­gu­nahing gamit ng kon­sep­tong papel. Nang sa ganoon, ay makamit ang mga nabang­git na bagay sa itaas at mabi­gyang katu­paran ang proyekto.

Dahil ang kon­sep­tong papel, at hindi ang mga miyem­bro Gen­shiken ang mag­tatang­gol sa proyekto. Ang kon­sep­tong papel ang magsasabi sa kahit sino man, lalo na sa mga tao o grupong may kinala­man o may maitu­tu­long sa proyekto ang mga dahi­lan kung bakit kailan­gan o makak­abuti na sila ay tumu­long nga sa pag­pa­p­atu­pad ng proyek­tong ito.

Ang kon­sep­tong papel din ang magig­ing susi para makakuha ng mga spon­sor, part­ners atbp para sa proyekto. At kapag malu­pet ang pagkaka­su­lat ng kon­sep­tong papel, mahi­nang mahina ang tsansa na ang proyekto ay hindi maisakatuparan.

Pero sa nang­yari sa pulong kanina ay kailan­gan pa tala­gang ayusin ang kon­sep­tong papel ng G-Ken. May mga bagay na kulang, mahina, malabo at hindi makakat­u­long para sa proyekto. Sana lang ay maayos ito bago dumat­ing ang Huwebes, dahil ito na ang huling araw ng pag­susum­ite ng mga project pro­pos­als dito sa aming pamantasan.

Good luck sa Genshiken!

Written by jhay

January 15th, 2008 at 11:19 pm

Posted in buhay estudyante

Tagged with , ,