Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘randomness’ tag

Kamusta ang unang linggo ng 2nd sem?

without comments

Natapos na din ang 1st week ng 2nd sem. Sige, kala­hati lang ng isang linggo ng 2nd sem.

Nakaka­pani­bago ng konti, iba kasi ang araw ng u-break kaya kaning Biy­ernes ay halos walang tao sa campus. Maaga atang naguwian ang mga estudyante sa DLSUD.

Sa totoo lang, boring!! Maaga dumat­ing ang week­end kaya ang mga naging abala lang talaga ay yung mga estudyan­teng may kin­abibi­lan­gang organisasyon.

Yung iba, umuwi, gumala o hindi na talaga pumasok.

Ano naman kaya ang mapa­pala ng paman­tasan sa gani­tong bagong ayos ng schedule?

Bakit pa kasi inili­pat ang u-break sa Biyernes?!

-----

Kat­u­lad ng dati, wala halos pinagkaiba ang sem-​break (kung maitu­tur­ing mong sem-​break ang araw-​araw kang nasa school) at ang 2nd sem. Mas marami pa ring oras ang naigu­gol ko sa USC office kumpara sa klasroom.

Tsk tsk tsk, masamang panig­tain ito. Pero 'under­stand­able' naman dahil kakasim­ula pa lang ng 2nd sem kaya ang unang ling­gong ito ay "adjust­ment period" para sa lahat.

Pero shempre, pag­dat­ing ng susunod na linggo, balik na sa normal na buhay estudyante, medyo accel­er­ated mode nga lang dahil maiksi talaga ang 2nd sem. Tapos, isas­ama mo pa sa oras mo ang mga gawain at activ­i­ties sa pamantasan.

Wastong paggamit sa oras at disi­plina sa sarili ang tunay na kailangan.

Oh may Gus! Sana lang ay maging matino ang grades ko ngay­ong 2nd sem.

-----

Nakaka­pagod man, ayos lang din. Dahil sa nakali­pas na 3 araw, marami at mak­ab­u­luhan naman ang aking mga pinaggagawa.

Sin­im­u­lan namin ang huling preparasyon para sa nalalapit na Stu­dents' Con­sti­tu­tional Con­ven­tion. Astig talaga ang Gen­shiken dahil sa kani­lang angk­ing tal­ento, kakuli­tan at kahusayan sa pag­guhit ay nagig­ing mati­wasay at suwabe ang mga plano ng USC para sa Con-​Con.

Mabuhay ang Genshi-​CON!! :D

Bukod sa pag-​papatuloy ng mga plano para sa Con-​Con, tuloy pa rin ang ser­bisyo para sa mga kapwa estudyante par­tiku­lar ang pag­tatang­gol sa kani­lang mga kara­p­atan at kapakanan.

Nito lang ay may 2 kaso ang hinawakan ng USC.

Ang una ay ang pag­pepetisyon ng mga 4th yr Civil Engi­neer­ing para mabuk­san ang isang maha­la­gang sub­ject na kailan­gan nila para makat­a­pos sila sa oras.

Tumu­tol kasi ang kani­lang admin­istrador kaya hayun, lumi­ham sila sa VCAR at dalang­ing pab­o­ran sila.

Sunod naman ang isang kaso sa pag­i­tan ng isang estudyante ng CBA at ang SWaFO. Tungkol ito sa pag­pa­pahi­ram ng stu­dent ID mo sa iba at katum­bas nito ang isang major offense.

Pero kakaiba ang kasong ito dahil medyo kom­p­likado ang storya at ang intere­sante dito, lumal­abas mula sa aming imbesti­gasyon na ang kina­suhan ng SWaFO ay pawang bik­tima lamang ng mga pangya­yari. Dahil dito, panatag ako na malaki ang pag-​asa na gumaan ang parusa o tuluyang mapa-​walang sala ang estudyan­teng ito.

Sa Novem­ber 13 na nga ang hear­ing kaya good luck sa amin!

Oo nga pala, pwede nang i-download ang Chap­ter 1 ng Con-​Con manga "Con-​Con The Begin­ning" sa blog ng USC.

Supor­ta­han natin ang Con-​COn!!!

Written by jhay

November 9th, 2007 at 10:51 pm

Posted in buhay estudyante

Tagged with ,