Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘sakuna’ tag

Bagyong Ondoy – bunga ng Climate Change

with 3 comments

Isang buwang ulan ang katum­bas ng ulan na ibin­uhos ng bagy­ong Ondoy sa Maynila sa loob lamang ng 6 na oras nitong nakaraang Sabado. Kung kaya naman mahigit 70 katao ang namatay at halos 300,000 pam­ilya ang nagsi­likas mula sa kani­lang mga tahanan.

Milyun-​milyong piso ang halaga ng mga pin­sala sa mga ari-​arian at sari-​sari pang suli­ranin ang idin­u­lot ng bagy­ong Ondoy. Saman­ta­lang nang­yari lahat ng ito sa loob lamang ng 6 na oras. Minsan nga ay mag­tataka ka kung bakit hindi tinawag na "super typhoon" si Ondoy saman­ta­lang pwede mong ihamb­ing sa Milenyo ang pin­salang naidu­lot nito.

Sa aking pala­gay ay simple lang, bunga ito ng nag­babagong klima sa ating plan­eta na dulot ng pag-​init ng mundo o global warm­ing. Kung saan ang mas mainit na mga kara­gatan ay nakaka­paglikha ng mga maliliit na bagyo pero may mga matind­ing ulan na baon.

Kaya kung sino man ang nag­dudu­dang totoo ang "cli­mate change" ay dapat sanang nah­agupit o kaya ay inanod ng bahang idin­u­lot ni Ondoy.

Written by jhay

September 28th, 2009 at 1:10 am