Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘Senado’ tag

Kapag kulang sa gamit ang mga bumbero, kawawa ang tao

without comments

Madaming nagsasabi na maswerte pa tayong mga nan­dito sa Pilip­inas dahil hindi pa tayo tinata­maan ng matind­ing lindol. Ilang dekada na ata ang nakali­pas mula nang nagka­roon ng malakas na lindol at naka­pag­du­lot ng maram­ing pinsala.

Pero, nakak­aba­hala ang pag-​aming ginawa ng Bureau of Fire Pro­tec­tion sa isi­nasagawang pag­dinig ng Senado tungkol sa kahan­daan ng ating gob­y­erno tungkol sa pagre­sponde sa mga nat­ural na kalami­dad tulad ng matind­ing lindol.

Inamin ng BFP na wala silang sapat na kagami­tan para labanan ang mga malalak­ing sunog na kadalasang ibin­ubunga ng mga matind­ing lindol. Alam na ito ng mga tao, dahil tuwing maba­balita na nagkaka­roon ng mga malak­ing sunog sa kamayni­laan, kadalasang lumalala ang apoy dahil sa nau­ubu­san ng tubig o kulang ang mga trak ng bumbero.

Ang sinabi ni BFP Chief Supt. Vic­to­ri­ano Reme­dio, direc­tor for oper­a­tions sa Senado noong Martes:

When a fire occurs in the Pan­da­can area, when that is affected by an earth­quake, def­i­nitely sir, the BFP cannot cope with the job.

Unless we are pro­vided, maybe with spe­cific equip­ment ... per­haps, sir, we can do it, but as of now, I am sorry, sir.

Minsan nga ay napanood ko sa ANC ang isang pro­grama na sum­ilip sa mga bum­bero at ipinakita ang mga pang-araw-araw na kani­lang karanasan. Sinabi mismo ng mga bum­bero na kulang na kulang sila sa mga gamit para lubu­san nilang mag­a­m­panan ang kani­lang mga tungkulin tuwing magkaka­roon ng sunog. Ilan na dito ang pagtiis sa con­struc­tion helmet sa halip na helmet na sadyang ginawa para sa mga bum­bero. Mas mahina daw ang con­struc­tion helmet kumpara sa fireman's helmet, pero dahil mas mura ang nauna, iyon na lamang ang kani­lang binibili.

Kahit pa ang mga fire hose na pan­gu­nahing instru­mento nila sa pagla­ban sa sunog ay gina­gawan na lamang nila ng paraan para tuma­gal at mag­a­mit pa rin. Kwento nung bum­bero, kapag nagka­roon ng butas ang fire hose, pin­uputol ang bahag­ing ito at idin­udug­tong na lamang para makumpuni. Kaya habang dumadami ang butas, pat­u­loy na umi­iksi ang kani­lang mga fire hose.

Walang duda naman na pat­u­loy na nagsasanay ang ating mga bum­bero kaya may kahan­daan sila kung tutu­usin, ang tang­ing prob­lema lamang ay ang kaku­lan­gan sa gamit. Kapag may prob­lema ang mga bum­bero, magkaka­roon tayo ng mas malak­ing prob­lema sa pana­hong kailan­ganin natin sila lalo sa pana­hon ng mga kalami­dad tulad ng matind­ing lindol na tumama sa Japan.

Mali­naw na aksyon at hindi lamang pat­u­loy na panalan­gin ang ating kailan­gan nang sa pag­dat­ing mga matind­ing kalami­dad, makakatu­gon tayo ng wasto at makaka­paglig­tas ng buhay.

Written by jhay

March 23rd, 2011 at 9:43 am

Posted in opinyon

Tagged with , ,

Pork Barrel sa Kamara, Public Opinion sa Senado

with 2 comments

Mukhang tama ang tantya ni Ellen Torde­sil­las sa magig­ing boto ng mga Senador pag­dat­ing sa pagha­tol sa impeach­ment ni Ombuds­man Mer­cid­i­tas Gutierrez:

Pito lang ang maa-​asahan sig­u­rado ng Malacañang. Walo kung makak­a­ba­lik si Lacson.

Kaya maha­laga na malakas ang kaso ng mga nagreklamo laban kay Gutier­rez at dapat sundan ito maigi ng taum­bayan. Kung hindi, malili­bre si Gutier­rez, libre na rin si Maj. Gen. Carlos Garcia at tatawa lang ng malakas si Gloria Arroyo.

Pito hang­gang walong boto lang ang makukuha ng Mala­canang para ma-​convict si Merci.

Ang iba sa 22 Senador ngayon ay kakampi kay Merci dahil sa kakampi sila ni Gloria o kaya ay hindi lang talaga nila maka­sundo si PNoy.

Kahit pa sabi­hing gina­ga­pang ng mga maim­pluwen­syang grupo ang mga Kon­gre­sista para harangan ang pag­pa­padala ng Impeach­ment sa Senado mula sa Kamara, tiyak naman na masusunod ang kagus­tuhan ng Mala­canang na ipa-​impeach si Merci.

Shempre, sinong Kon­gre­sista nga naman ang gus­tong mawalan ng Pork Barrel?

Pero iba ang laro sa Senado dahil kasaysayan na ng insti­tusy­ong ito ang magka­roon ng sar­il­ing diskarte at kadalasan ay tali­was pa sa nakaupong Pangulo.

Kung Pork Barrel ang susi para mapa­sunod ang mga Kon­gre­sista, ang isa sa epek­ti­bong paraan naman sa mga Senador ay opinyon ng publiko.

Kung makikita ng mga Senador na gusto talaga ng taum­bayan na ma-​impeach si Merci, lalakas ang posi­bil­i­dad na makinig ang mga ito upang hindi masira sa mata ng publiko.

Ito ang bagay na pinaka-​ayaw nila lalo't ilang taon na lang ay eleksyon na muli. Mas madal­ing maim­pluwen­sya­han ng mga PR oper­a­tives ng Mala­canang ang taum­bayan sa pangkala­hatan kesa sa suyuin ang bawat dis­trito ng mga probinsya.

Kapag nakapag-​organisa sila ng sapat na dami ng bilang ng mga tao para iparat­ing sa Senado na dapat ma-​impeach si Merci, lalabo ang tsansang pagtawanan lang tayong lahat ni GMA.

Written by jhay

March 21st, 2011 at 12:49 am

Posted in Pulitika

Tagged with , , , ,

Ang martsa para mag-apila sa Korte Suprema

without comments

Kabado kaming dalawa ng aking kasama dahil alas-​otso na ng umaga ay nasa Bacoor, Kabite pa rin kami. Akala ko nga, kaya matindi ang trapik ay may­roong mga check­points muli sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-​way. Hina­hanap muli kaming mga taga De La Salle Das­mari­nas upang harangin at pig­i­lang maka­punta sa Adam­son Uni­ver­sity kung saan magtatagpo-​tagpo ang mga grupo, estudyante, reli­hiyoso at iba pa na sasama sa mga Senador na magsasampa ng kani­lang apila sa desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ni Romulo Neri patungkol sa "exec­u­tive privilege."

Pero bakit ba kailan­gan kami o kahit sino pa mang papunta sa pagti­tipong iyon ay harangin. Hindi naman iyon rali, maglalakad lang naman mula Adam­son Uni­ver­sity hang­gang Korte Suprema, mag­susum­ite ng apila sina Sen. Alan Peter Cayetano at Nonoy Aguino at ayun, tapos na. Uuwi na kami.

At ganoon nga ang nang­yari. Mala­pit nang mag alas-10 ng umaga nang makarat­ing kaming dalawa sa Adam­son Uni­ver­sity. Akala nga namin ay nakaalis na sila papun­tang Padre Faura kung saan naroon ang Korte Suprema. Nakala­gay kasi sa imbita­syon na natang­gap ko mula sa Lasal­lian Jus­tice and Peace Com­mis­sion ay ala-8 ng umaga ang pagti­tipon at maa­gang pupunta ng Korte Suprema.

Mabait talaga ang Diyos sa mga naninindi­gan para sa kato­to­hanan dahil sakto lamang ang aming dating. Nagkatipon-​tipon na ang mga taga suporta at mga nag­ma­malasakit na grupo at handa nang maglakad papun­tang Korte Suprema.

Hindi naman sobra ng dami ang mga taong naroon. Sa aking pag­taya, humigit kumu­lang 300-500 katao ang nagtipon-​tipon roon kan­i­nang umaga.

More LasalliansTeam La Salle

Kaya madali naming nakita ang mga kasama­han naming Lasalyano mula sa De La Salle Manila, La Salle Provin­cialate at Col­lege of St Benilde, na kumpleto pa sa mga dalang para­pel­nalya at mga tar­pau­lin na naglala­man ng mga tema, saloobin at men­sahe para sa okasy­ong ito.

Strong messagesTama na! Itama na!

Bukod sa mga pam­il­yar nang mukha mula sa De La Salle, naroona ng mga bigat­ing tao sa hanay ng pagha­hanap para sa kato­to­hanan sa likod ng NBN scan­dal. Naroon ang batikang aktor na si Pen Medina, ang taga­pagsalita ng UNO na si Adel Tamano, Sen. Alan Peter Cayetano, Sen Benigno "Noynoy" Aquino III at shempre si Jun Lozada.

Adel TamanoJun Lozada & Pen Medina

Nakasama rin namin sina Con­gress­woman Riza Hon­tiveros Baraquel, Fr. Joe Dizon at Bro Armin Luistro, FSC.

Congresswoman Riza Hontiveros BaraquelBro Armin Luistro, FSC & Fr Joe Dizon

Ban­dang 10:30 ng umaga ay nagsim­ula na kaming humanay, dalhin ang mga para­pel­nalya at maglakad papun­tang Korte Suprema.

March towards the SupremesTama na! Itama na!

Habang nasa daan at nasisikatan ng init ng araw, masigla, masaya at puno ng pag-​asa ang bawat isa habang naglalakad. Dahil sa paligid namin, sa mga bangketa ng Manila, madaming mga tao ang kahit naa­bala ng mabi­gat na trapiko ay hindi nagsalita ng masama laban sa amin. Ang iba pa nga ay nakik­isabay din sa aming mga hiyaw at pananawa­gan. Totoong buong bansa ay gusto nang mala­man ang kato­to­hanan. Ang tang­ing paraan sa ngayon ay magsalita si Neri sa mga imbesti­gasyon ng Senado.

Marahil kaya hindi masyadong nagalit o nai­i­nis ang mga taong nasa paligid ay dahil sa tama, wasto, ligal at mapayapa ang aming pagk­i­los. Ito ay tama at wasto dahil ang paninindi­gan sa kato­to­hanan ay sadyang dak­i­lang bagay. Ito ay ligal at mapayapa dahil hindi kami nagtipon doon para mag-​rali, nagtipon-​tipon kami doon para sama-​samang ipakita ang aming suporta sa mga tama, ligal at demokratikong pros­eso para maresolba ang mga isyung kat­u­lad nito.

Pero may isang malak­ing babala. Tulad ng ilang panawa­gan ng mga aming mga kasama­han mula sa UMDJ, kung dadayain ang pros­esong ito, humanda talaga sila sa pwersa ng taum­bayan. Sa ban­dang huli, maa­gang nat­a­pos ang pagti­tipon dahil maayos namang na-​isumite nina Sen Cayetano at Sen Aquino III ang apila ng Senado sa Neri vs Senate Committees.

At para sa pag­wawakas, narito ang isang video ng mga pangya­yari mat­a­pos ngang ma-​isumite sa Korte Suprema ang apila ng Senado:

Ayon sa huling balita, April 15 pag-​didiskusyunan ng Korte Suprema ang api­lang ito ng Senado. Hang­gang sa araw na iyon mula ngayon, ang mata ng taum­bayan ay muli ngay­ong nakatitig sa Korte Suprema. Nawa'y pag­palain sila ng Maylikha.

Written by jhay

April 8th, 2008 at 11:27 pm

Posted in adbokasiya

Tagged with , , ,

Round 2 para sa mga anti-JPEPA! Huray!

with 3 comments

Nakakatuwa talaga ang Senado ngayon, bukod sa mga pag­dinig at imbesti­gasyon niyo sa NBN deal ay sabay din nitong pinag-​aaralan ang JPEPA ang kon­trober­syal na tratado o kasun­d­uang na siyang lalong lulugmok sa ating mga Pilipino at gagawin tayong basur­a­han ng bansang Hapon.

Sa gani­tong banda, nalu­lunkot ako dahil ang bansang pinag­mu­lan ng Gundam Wing at Naruto, mga paborito kong anime, ay siya pang kumik­i­los upong pahi­ra­pan lalo ang Pilip­inas. Hindi ba sapat na kaming mga bagets (naks) na Pinoy ay mahilig na sa mga anime? Ngayon ay gagawin pa tayong basur­a­han at aagawan ng mga nurses at duktor?

Maba­lik tayo sa Senado kung saan muli ay naka­pun­tos ang mga pwer­sang tumu­tu­tol sa JPEPA, aniya nga sa ulat mula Inquirer.net:

Sen­a­tor Miriam Defensor-​Santiago, chair­man of the com­mit­tee on for­eign rela­tions, has threat­ened to sit on the JPEPA and not spon­sor it on the floor, which would effec­tively make for a diplo­matic rejec­tion of the treaty.

During the hear­ing, San­ti­ago told gov­ern­ment nego­tia­tors, headed by Trade Under­sec­re­taries Thomas Aquino and Elmer Her­nan­dez: “If I find it impos­si­ble to defend it on the Senate on the basis of your state­ment, then as chair, I will be com­pelled to defer sub­mis­sion of my com­mit­tee reports. In other words, JPEPA will be dead.”

This after Sen­a­tor Manuel Roxas II failed to get answers to the fol­low­ing questions:

“In the last hear­ing, I was left dis­ap­pointed because it has been made clear why it is good for us…We are fin­ished with the period of gen­er­al­i­ties. We want to move…to specifics,” Roxas said.

Mahusay hindi ba? Bravo kina Mar Roxas at Miriam San­ti­ago. Sana nga ay magtuluy-​tuloy na ang pag­baba­sura ng JPEPA, kung hindi man ay muling makipag negosasyon sa bansang Hapon upang lin­isin at gawing mas makatarun­gan ang kasun­d­uang ito.

Para naman sa mga ahente ng pekeng pan­gulo, tama na. Wala namang may gusto sa JPEPA, kayo lang ang mapilit, bakit? Malaki ba ang pam­padu­las o grasyang kayo lang ang makikinabang?

Written by jhay

September 20th, 2007 at 4:08 pm

Posted in adbokasiya,kalikasan

Tagged with , , , , ,