Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘sundalong Kano’ tag

Palayasin ang mga pakialamerong sundalong Kano

without comments

Nang mabasa ko ang bal­i­tang ito, naalala ko tuloy ang pam­a­gat ng mga nakaraang blog post ni Arbet tungkol sa mga nararanasan ng mga magig­it­ing ng Sum­i­lao farm­ers. Kababuyan ang sal­i­tang gina­mit niya.

Baga­man hindi tungkol sa Sum­i­lao farm­ers ang sulat­ing ito, gusto ko ring gumamit ng mga ilang salita upang ibuod ang nang­yari sa Min­danao noong Nobyem­bre 30 nang inu­tu­san daw ng mga sun­da­long Amerikano na isara ang ospi­tal sa bayan ng Pana­mao pag­dat­ing ng alas-6 ng gabi.

Bas­tu­san. Ito ang isa sa mga sal­i­tang madal­ing makaka­pagsaad ng pangya­yaring iyon.

Ayon sa balita ng Inquirer.net:

Ear­lier, Dr. Silak Lakkian, chief of the Pana­mao dis­trict hos­pi­tal, said US forces led by a Master Sergeant Ron­burg have threat­ened to shoot any­body seen at the hos­pi­tal premises after 6 p.m.

"I take back those words and I am apol­o­giz­ing, it's unfor­tu­nate but it was not really the real inten­tion. Our real inten­tion was to pro­tect the people but recep­tion (how locals took the order), we were just mis­un­der­stood," Tan quoted Major Eric Walker as saying during a "face to face con­fronta­tion" with Lakkian on Sunday morning.

Walker is com­man­der of Joint Spe­cial Oper­a­tions Task Force (JSOTF) Sulu For­ward Base based in Camp Teo­dulo Bautista in Jolo.

Bas­tu­san talaga. Tama ang reaksyon ni Sulu Sulu Gov­er­nor Abdusakur Tan na mali ang ginawang utos ng mga sun­da­long Amerikano dahil wala silang kara­p­atan at kapang­yari­han na gawin ang nasabing utos na nag­pa­pasara sa ospi­tal. Ang mas nakak­aba­hala at mas nakakaalarma ay ang pasabi ng mga Kano na babar­ilin nila ang sinu­mang nasa paligid ng ospi­tal kapag sumapit ang alas-6 ng gabi.

Matino at mahusay tala­gang mag-​isip ang mga aro­gan­teng sun­da­long Amerikano. Kung basta na nga naman silang mama­maril ng mga tao sa paligid ng ospi­tal ay hindi mawawalan ng gawain at magkaka­roon ng silbi ang opsital!

Sadyang aro­gante talaga ang mga sun­da­long Amerikano dahil todo tanggi ang mga ito nay nang­yari ang nat­u­rang insi­d­ente at ngayon ay iti­natanggi nila na may sun­da­long Amerikano na nag­n­gan­galang Ron­burg ang nakades­tino ngayon sa Sulu. Tama sila, wala nga si Ron­burg sa Sulu at ako naman ang Hari ng Inglatera!!

Ang insi­d­en­teng ito ay patu­nay lamang na ang pagkaka­roon ng mga dayuhang sun­dalo sa Min­danao ay hindi nakakat­u­long sa ating mga Pilipino. Bagkos, nakaka­likha pa ito ng mga prob­lema at krisis. Sa halip na magtuloy-​tuloy ang usapang pangka­paya­paan ay pina­palala lamang ng mga dayuhang sun­dalo ang sitwasyon.

Hindi lamang dapat magsampa ng pormal na protes­tang diplo­matiko ang pama­ha­laan tungkol dito, dapat ay palayasin na sa Pilip­inas ang mga sun­da­long dayuhan. Mukha wala naman kasing natu­tu­tu­nan ang AFP dahil sa tagal nang pana­hon nang nagsasanay sila kasama ang mga sun­da­long Amerikano ay hindi pa rin nila matalo ang walang 800 Abu Sayyaf. Nakakahiya dahil nasasayang lang ang pera ng taum­bayan at mas nakakalungkot, maram­ing inosen­teng sibilyan ang nadadamay.

Written by jhay

January 1st, 2008 at 9:27 am