Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘tula’ tag

Bagong Panatang Makabayan

with 15 comments

Bagong Panatang Makabayan

Isin­u­lat ni National Artist Bien­venido Lumbera

Ini­ibig ko ang Filipinas,

Aking lupang sinilangan,

Bayang mata­gal nang nililinlang

Ng makasar­il­ing mga opisyal,

Kinukup­kop ako at iminu­mu­lat ngayon

Na mahalin ang totoo

At itak­wil ang pin­unong sinungaling.

Dahil mahal ko ang Filipinas,

Susuriin ko ang mga panukala

Ng mapagsaman­ta­lang politiko,

Tutu­parin ko ang mga tungkulin

Ng mama­mayang makabayan,

Nag­susuri, nag­darasal at kumikilos

Upang mag­tagum­pay ang katotohanan.

Iaalay ko ang aking buhay, pan­garap, pagsisikap

Sa malayang Filipinas.

Palaala: Ito ay hindi opisyal na bersyon ng Panatang Mak­abayan, inter­pre­ta­syon lamang ng ori­hi­nal na may akda.

Written by jhay

June 25th, 2009 at 10:24 pm

Posted in adbokasiya

Tagged with , ,