Bukas ay opisyal nang pagbubukas ng ikalawang semstre. Parang wala lang, kasi nga buong sem break ako sa school, kaya ang maiiba lang ay mas marami akong makikitang tao, guro at mga kakilala sa campus mula bukas at shempre, kailangan ko na muling magpakita sa klase. Medyo exciting dahil may misyon ako ngayong 2nd sem na ito. Pero saka ko na lang ikukwento, ahihihi (yaks!)
Tapos na ang intro, narito na ang paksa ng kwentong ito na sa pamagat pa lang ay ma-gegets nyo na. Pero dahil ang sabi nga nila na “a picture is worth a thousand words” kaya heto ang isang larawan na magbibigay kahulugan sa pamagat nito:

Sa totoo lang natatawa na nahihiya ako sa sarili ko. Ngayong 2nd sem kasi, bumili ako ng 2 bagong slacks na pantalon, 2 bagong sando, 7 bagong boxers (sensya, no pictures, hehe) at nagpagawa ako ng bagong salamin sa mata.
Ang mga ganitong bagay ay huli kong narasan ng todo noong ako ay nasa elementary pa lang. Shempre, dahil pasukan, bago halos lahat ng gamit. Yung tipo bang naaamoy mo yung bagong uniform, notebook, libro at ang titigas at kikintab pa talaga ng mga sapatos dahil bago ang mga ito. Kulang na lang ay bagong backpack, medyas, mga notebooks, lapis, bolpen atbp.
Noong nakaraang 2nd sem kasi, hindi naman ganito. Sa totoo nga naubos ang pera ko noon sa mga libro, CDs at pagkain.hehehe Pero wala naman magagawa, dahil kupas na ang mga dati kong pantalon na pamasok, kulubot at “bacon strips” na ang karamihan sa mga boxers ko, at mahigit 10 taon na ang mga salamin ko sa mata, kaya kailangang-kailangan na talaga ng mga bago.
Sana lang ay maging sulit ang pera, pagod at oras na ginugol ko sa mga bagay na ito.
Pero hindi pa tapos, dahil bukas, bibili ako ng bagong polo-barong.
Pero wash day bukas, malamang-lamang, suot na ng ibang taga DLSUD ang kanilang mga pamaskong damit! hahahaha
Hmm…sinu-sino kaya? Ihanda ang camera-phone bukas!









