Julius Rocas

Karanasan, mga pananaw at kwentong buhay

Archive for the ‘volunteerism’ tag

Pagod dahil sa OSS week

without comments

Kakatapos lang ng OSS Week 2009 dito sa DLSUD. Kahit na dalawang araw lang ako opisyal na naka-​duty bilang Direk­tor ng LCDC, paki­ram­dam ko ay buong linggo akong nag­tra­baho dahil kinailan­gan pa din ang aking atk­i­bong pakik­i­la­hok sa pag­pa­p­atakbo ng opisina nitong mga nakali­pas na limang araw.

Masaya naman dahil mas organ­isado at mas madaming bagong bol­un­tir ang nakasali sa mga naging student-​administrator. Baga­man madaming naging aberya at prob­lema, ang lahat ng ito ay naso­lusyu­nan at nat­ural lamang dahil sa karami­han ay mga bagong bol­un­tir pa lamang.

Nat­a­pos ang ling­gong ito sa pama­m­ag­i­tan ng pagig­ing dis­cus­sant ko sa isang forum ng NSTP at Pre-​Law Soci­ety tungkol sa Auto­mated Elec­tion System na gagamitin sa halalan ng 2010.

Panauhing pan­dan­gal namin si Direc­tor James Jimenez ang taga­pagsalita ng COM­ELEC upang ipak­i­lala at ipakita sa amin ang AES. Masaya, mak­ab­u­luhan at matagum­pay naman ang gawain.

Sa susunod ko na lamang idide­talye ang mga pangya­yari dahil pagod na pagod na talaga ako at kinailan­gan ko lang maisu­lat ito bago pa tuluyang maglaho sa aking alaala.

Written by jhay

September 18th, 2009 at 10:07 pm

Posted in buhay estudyante

Tagged with , , ,

Self Awareness seminar at Advanced Leadership Training ng SERVE

without comments

Bukas hang­gang Linggo, ay nasa Hora­cio De La Costa For­ma­tion Center kaming mga SERVE Vol­un­teers para sa tau­nang SAS at ALT. Kasama namin ang halos 60 bagong bol­un­tir at 50 senior volunteers.

Dalan­gin ko na ang mga kala­hati ng 60 bagong bol­un­tir ay magig­ing akti­bong bol­un­tir mula ngayon hang­gang sa maka­pag­ta­pos sila ng pag-​aaral sa DLSUD. Sana lang talaga. hehehe

Pero malaki naman ang tiwala at pananalig ko sa kanila, lahat ng mga pagk­i­los naming mga senior vol­un­teers ay nakatu­tok sa kung paano sila matu­tu­lun­gan na maging akti­bong bol­un­tir. Nang sa ganoon, pagkat­a­pos namin ay sila naman ang mag­pa­p­at­u­loy ng Lasalyanong bol­un­ter­ismo at mak­ab­u­luhang pag­babago ng lipunan.

Hang­gang dito na lang muna at sa aking pag­ba­ba­lik, ibaba­hagi ko naman ang ilang mga kwento at litrato mula sa SAS at ALT 2008.

Written by jhay

July 31st, 2008 at 10:49 pm

Posted in buhay estudyante

Tagged with , , ,