Tag Archives: wala lang

Pagbabalik-loob

Buo na ang plano ko sa kung anong gagawin sa blog na ito.hehehe

Aayusin ko na lang ang dis­enyo at mga ilang laman ng side­bar. Naging abala sa labas ng blog­ging nitong mga nakaraang buwan kaya ngayon lamang uli naka­pag­blog dito.

Bago sumapit ang pasko ay:

Papal­i­tan ko ang mga image head­ers ng blog na ito para magka­roon ng 'per­sonal touch' ika nga.

Aayusin ang mga kat­e­go­rya ng blog na ito para mas maging maayos at organ­isado ang mga bagay-​bagay.

Sim­u­lan ang reg­u­lar na pag­bablod dito. (Good luck!)

Yun na muna, hang­gang sa muli.

Posted in Daily Dose | Tagged | 1 Comment

astig! ngayon kahit ano na lang pwede ko isulat

astig! ngayon kahit ano na lang pwede ko isulat dito. hehehe

Posted in Asides | Tagged | Leave a comment

Para maiba naman

2 linggo ko nang pinag-​iisipan kung gagawa ako ng bukod na blog para sa mga gani­tong uri ng posts, yung mga walang katu­tu­ran at magkuk­wento lang ako ng kung anong nang­yari sa akin sa maghapon o mga nakali­pas na araw. Bagay na hindi masyadong pagkakain­tere­san nyo o makakat­u­long sa inyo dahil hindi naman ako artista o promi­nen­teng tao. Isang sim­pleng mama­mayan lang na maram­ing pan­garap, masyadong maram­ing organ­isas­yon kin­abibi­lan­gan at gustung-​gusto nang mak­a­bili ng MacBook.

Bakit naman ako mag­boblog tungkol sa mga gani­tong bagay kahit na alam ng karami­han na hindi ako "fan" ng per­sonal blog­ging. Masyado akong seryoso sa mga sinusu­lat ko sa blog, pero dahil sa ganoong bagay, madalas ay nagkaka­roon ako ng "blogger's block." Yung hindi makapag-​blog dahil walang lumal­abas sa aking isip. Kahit na humarap pa ako sa kompyuter maghapon ay wala pa ring maisusulat.

Kaya napag-​isipan kong dito na lang sa Sum­i­lang mag­su­lat ng mga bagay na per­sonal ang dating. Pero hindi ako magkuk­wento ng kung anong ginawa ko pagk­ag­is­ing, habang naililigo, o bago mat­u­log. Mga kwen­tong buhay lang na sa tingin ko ay makakat­u­long sa inyo kahit papaano.

Pan­galawa ay matagal-​tagal na ding walang bago dito sa Sum­i­lang, at pan­gatlo, mas gus­tong kong magk­wento sa Fil­ipino o Taga­log. Tingnan nyo na lang kung gaano na kahaba ito diba? hehehe

Pang-​apat ay mag­a­n­dang ehersisyo ito para maka­pag­su­lat ako. Sabi nga sa peliku­lang "Find­ing For­rester" kapag gusto mong mag­su­lat, mag­su­lat ka lang. Mamaya na mag-​isip. Dahil ang manunulat ay nag­susu­lat, iwanan ang masyadong pag-​iisip sa mga pilosopo at pantas.

Ika-​lima, gusto ko na uling mag­su­lat tungkol sa mga nangya­yari sa ating lipunan, nang sa ganoon ay manum­ba­lik at hindi kalawan­gin ang pagig­ing pro­gre­sibo at aktibista ko. hehehe (Ewan ko lang kung masasako ng Human Secu­rity Act of 2007 ang blog na ito, tingnan na lang natin.)

Ika-​anim, dahil nga gagawin kong "pseudo-​personal" blog o mala-​personal blog ang Sum­i­lang mula ngayon, huwag sana kayong matakot o mag­taka kung bakit paminsan-​minsan ay may mga sulatin dito na sobrang iksi o mga sim­pleng sulatin lang. Hindi kasi ako mahilig sa Twit­ter kaya dito na lang sa blog. Sabi nga nila, "con­tent is still con­tent" kaya kung maram­ing con­tent ang iyong blog, maram­ing babasahin si Google Bot.hehehe

Ika-​pito, wala na sa ngayon at hang­gang dito na lamang. Bukas, o mamaya, sunud-​sunod na ang mga kwen­tong buhay, pagkoko­mento tungkol sa kala­gayan ng lipunan at mga walang katuturang-​bagay.

Hang­gang sa muli!

Posted in Daily Dose, kwentong-buhay, personal | Tagged , | 4 Comments