Noong nakaraang kwento ko, sinabi kong inspired akong magsulat. Pero halata naman na wala akong naisusulat. Pero sa totoo meron. Hindi lang para sa mga blogs ko pero nakapagsulat naman ako nitong mga narakaang araw.
Nariyan yung mga assignments ko, mga projects, mga konseptong papel at iba pang mga teknikal na pagsusulat. Pero sa malikhaing aspeto ng pagsusulat, wala. hehehehe
Isa sa mga dahilan ay ang kawalan ko ng internet connection tuwing gabi. Nagtitigil kasi ako ngayon sa isang dorm sa labas ng La Salle Dasma at walang internet. Walang silbi din naman ang Globe Mobile internet kaya wala din. Ayaw ko namang magpunta sa internet shops na napakadami dito sa labas ng pamantasan kasi ayaw kong gumamit ng iba pang kompyuter. Mas gusto ko pa rin ang laptop ko. Isa pa, hindi ako komportable sa paggamit ng mga pampublikong kompyuter dahil sa mga spyware na naglipana sa bawat internet shop.
Sadyang kailangang magkaroon ng education tungkol sa mga spyware at malware ang mga may-ari ng mga internet shops. Kasama na rin dito ang mga gumagamit nito dahil ilang beses nang nagkakaroon ng mga insidente ng mga na-hack na email accounts pati na rin Friendster accounts na siyang pinagmumulan ng mga away at problema mula sa simpleng hindi mabuksan na Friendster account hanggang sa mga naudlot na pag-iibigan dahil sa nagkabukingang lihim salamat sa mga Private Photo albums.
May magsasabing pwede namang magsulat sa laptop kahit walang internet, saka na lang i-publish sa mga blogs kapag nakapag-online na uli. Noon ko pa naisip ang paraang iyon pero hindi epektibo o hindi ko pa nagagawa ng maayos dahil kailangan ko ng internet connection para makapag research para sa mga isusulat ko.
Mukhang kailangan talagang sundin ko ang tradisyonal na paraan ng pagsusulat na mag research at magbasa muna bago magsulat.

hmm.. nice huh ... malufet talaga utak neu ..