To manually transfer your tickets tracked to Green Eggs Tracker, check your internal mail for the link to the excel file.
Since Green Eggs Tracker is screwed up at the moment, use the link below to keep track of your tickets.
Team Mark Robles Backup Tracker
Sa halip na ROCAS ay ROGAS ang nailagay nila sa aking mga tala kaya hindi ako makakuha ng SSS ID at makapag-enrol sa SSS online.
Sinabi sa akin na gagawin nilang "priority case" ang pagtatama ng aking tala at maaari ko nang balikan sa susunod na linggo.
Sana lang ay tuparin nila ang kanilang sinabi. Pero dahil ito ay ahensya ng gobyerno, hindi ako lubusang umaasa na matutupad nga nila.
1) literal na hindi nakasasapat ang pera sa mga pangangailangan mo.
2) Hindi nakasasapat ang pera, gaano man ito kalaki, para masabing masaya ka sa ginagawa mo.
Kapag sinabi namang masaya sa ginagawa mo, maraming pwedeng maging dahilan.
Kung sa trabaho, ayaw mo sa mga katrabaho mo. O kaya ayaw mo sa mga boss mo, o ayaw mo sa kultura at kalagayan ng iyong trabaho o lahat nang ito.
At dahil dito, kahit pa maganda o sapat ang iyong kita, maayos ang iyong mga katrabaho, hindi ka magdadalawang-isip na umalis at lumipat ng ibang trabaho.
Sadyang ganito talaga kapag nasa bansa ka na limitado ang mga pagpipilian, lalo't ang mga natitirang pagpipilian ay hindi tugma sa pagkatao, pinag-aralan, o gusto mong gawin.
Hindi kalayaan ang iyong hinahanap, kung hindi kaginhawaan.
Pero maiksing mga kataga muna...
Parang ipinilit lang yung pumalit sa kanya at sabi nga ni misis, "Maganda lang siyang tingnan."
Kanina, tumawag ang Globe at sinabing naliligaw daw ang kanilang Technical Crew. Mali ang address na hawak nila. Nasa Dasmarinas pa sila kaya talagang hindi nila mapupuntahan ang bahay ko na nasa Silang.
Babalik daw sila bukas ng umaga bago mag tanghali. Sana lang. Nakakabuwiset na talaga ang Globe!