http://the-diplomat.com/asean-beat/2011/…
Chicks for sale tuwing fiesta
Matagal nang uso ito tuwing may fiesta, halos kahit saang bayan dito sa Pilipinas. Tradisyon na ata ito, pero kahapon ko lang napag-isipan, bakit nga ba umuuso ang pagbebenta at pagbili ng mga makukulay na sisiw tuwing may fiesta?
Tuwang-tuwa ang mga bata sa mga sisiw na ito. Nag-uubos pa sila ng pera para lamang magkaroon nito. Narinig ko lamang sa iba na hindi mainam ang mga sisiw na ito para alagaan at gawing pagkain sa bandang huli. Kumbaga, mga "reject" daw ito sa mga poultry farms. Kaya siguro ibinibenta na lamang tuwing fiesta.
Pero kung "reject" ang mga ito sa mga poultry farms, bakit naman sila na-'reject'?
Naiinip na sa WP 3.1- compatible themes
Naiinip ako na sa WordPress 3.1 at sa mga themes na gagamit ng mga post formats. Maganda naman itong Twenty Ten theme pero hindi ko masyado trip gamitin ito kaya sana lang, sana please meron nang ibang theme na gumagamit ng post_formats ng WP 3.1
At maligalig si Julia tuwing gabi
Mula noong sinalubong namin ang bagong taon, masyado nang ginagabi ang tulog ng anak kong si Julia. Dati, alas-otso pa lang ay tulog na sya. Kapag lumampas sa oras na iyon ay tinotoyo na siya at hirap na kami sa pagpapatulog sa kanya.
Ngayon lang, alas-onse (11:00pm) na s'ya nakatulog ng tuluyan. Bago iyon, gising na gising at akala mo ba'y umaga na sa kanyang palagay kaya ganoon na lang ang kanyang pagiging masigla at kakulitan.
Nakikipaglaro pa siya sa amin ng kanyang ina na siya namang nagpapakaba sa amin dahil kapag nasobrahan siya ng pakikipaglaro sa gabi, tiyak na totoyo-in muli at pare-pareho kaming mahihirapan.
Siguro ay nagbabago ang kanyang oras ng pagtulog o kaya naman ay may hang-over pa sya ng bagong taon. O kaya ay totoo 'yung pamahiin na kung ano ang nangyari sa pagsalubong mo sa bagong taon ay magiging ganoon ka sa buong taon.
Kung maligalig si Julia noong sinalubong namin ang bagon taon, buong taon kaya ng 2011 ay maligalig sya tuwing gabi bago matulog?
Writer’s block
O dapat ba ay blogger's block dahil ako ay blogger? Ano pa man, wala akong maisulat. O hindi ako makapagblog, dahil hindi ko alam kung ano ang aking iba-blog. Sana pagka-post ko nito ay makapagblog na ulet ako.